"Emma ikaw ha! bawas-bawasan mo yang pagka matabil ng dila mo,nakakahiya ang mga pinagsasabi mo kanina." kinurot pa ako ni Tita Fely pagkatapos magsalita.
"Aray ko naman Tita, EEh! totoo naman po na may gusto ako kay kuya Harry. Masama po ang magsinungaling, di ba yan ang unang sinabi niyo sa akin bago niyo ako dinala dito?"
"Oo nga sinabi ko na huwag kang magsinungaling pero,balansehin mo naman ang sitwasyon.Mababait ang mga amo natin pero huwag mong abusuhin.Iba ang ugali ni seniorito sa mga magulang niya,mabait siya pero gusto niya dapat nasa lugar ka lagi at huwag lalagpas sa limitasyon.Kilang-kilala ko siya dahil ako ang nag alaga sa kanya hanggang trese anyos ang edad niya."
"Eh, ano po ang dapat kong gawin tita? Babawain ko ba ang sinabi ko kanina na mahal ko si kuya?"
"Hindi mo na ma bawi dahil nasabi mo na,mahalin mo nalang si Senyorito ng palihim pero kung pwede lang pigilan mo ang sarili mo na mahalin siya dahil masasaktan ka lang."
"Ang gulo mo naman kausap tita,sabi mo palihim ko siyang mamahalin tapos dapat pigilan ko ang sarili ko na mahalin siya. I cannot get you tita".
"Gaga ka huwag mo nga akong Englisin, am pangit pakinggan ang English mo!"
"Ibig kong sabihin pwede mo siyang mahalin pero huwag kang umasa,marami na siyang dinala dito na naging girlfriends niya.Sinasabi ko sayo wala ka pa sa kalingkingan ng mga yon. Ang gaganda at ang tatangkad nila, halos lahat sila modelo."
"Tita parang sinabi mo na rin na panget ka"
"Ano! paano mo nasabi? ang dami kayang nanligaw sa akin noong bata-bata pa ako"
"Sabi mo wala ako sa kalingkingan ng mga naging ex-girlfriends ni Senyorito, eh! kamag-anak kita kapatid mo ang Nanay ko. Kung pangit ako sa paningin mo eh di it's a tie tayo. Kaya pala tumanda kang dalaga"
"Gaga talagang bata ka,tumanda akong dalaga dahil namatay ang una kong kasintahan at hindi na ako nag mahal pa! lumayas ka na sa harapan ko bago kita hambalusin dito sa caldero na hawak ko." medyo galit na si tita pero mamaya mawala din yan,pareho sila ng nanay ko mabilis mawala ang galit nila.
"Ewan ko sayo tita, nag sasabi lang naman ako ng totoo." mukhang ihambalos na ni tita sa akin ang calderong hawak niya kay tumakbo nalang ako palayo sa kanya.
Nakasalubong si Ma'am.
"Emma bakit ka tumatakbo?"
"Si Tita po kasi popok-pokin ako ng caldero."
"What! Why?"
"Sinabi po niya kasi na pangit ako, eh! kamag-anak ko siya at may hawig pa kami. Kung pangit ako sa paningin niya, meaning pangit din siya kaya it's a tie."
"Hahaahahah ikaw talagang bata ka, halika nga dito payakap ako"
"Ma'am hindi pa ako naliligo mula kahapon.huwag na po nakakahiya"
"Anoh! dapat dalawang beses ka maligo ng isang araw, dalaga ka na."
"Ma'am hindi ba ninyo nahahalata na straight ang buhok ko? nag paunat po ako ng buhok at hindi daw pwedeng basahin ng bente kwatro oras.Pinaghandaan ko po ang pagpunta dito ni Senyorito kaya lang hindi daw bagay sa akin ang make-up ko at pina alis" nag sad face ako kay Ma'am.
"Straight nga buhok mo mabaho ka naman,alam mo gustong-gusto ng anak ko ang mga mababangong babae kaya dapat lagi kang maligo.Huwag ka nang malungkot,maliit ka nga pero may itsura ka naman. Tsaka bata ka pa, you are still growing."
"Sama ka sa akin at mag shopping tayo ng damit mo, mag tatlong buwan kana dito puro lumang damit mo parin ang lagi mong suot mga iba may mga butas pa. Saan mo dinadala ang mga sahod mo?"
"Bukod po kasi sa utang namin sa matandang mayaman sa aming lugar ay may mga utang pa po kami sa mga ibang tao at lumaki ng lumaki dahil sa mataas na porsyento. Malapit ko na po mabayaran kaya silang lahat Ma'am,ang sahod ko sa susunod na buwan ay huli na yon."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon, do doblehin ko ang sahod mo sa susunod na buwan.Sa susunod kung may problema ka lalo na sa financial sabihin mo agad sa akin"
"Naku po huwag na po Ma'am nakakahiya naman po"
"Huwag kang mahiya marami akong pera"sabi ni Ma'am na naka ngiti,ang bait talaga ng maging byenan ko sa panaginip.
"Halika na nga, mag shopping na tayo ng mga damit mo at pasukan mo na next month." hinila nalang niya ako sa sasakyan nila.
"Ma'am hindi ba tayo mag papalit ng damit? "
"Huwag na tayong mag palit,desente naman ang damit natin"
Si Ma'am narin ang nag drive dahil snack time ng mga drivers niya at ayaw niyang storbohin.
Nakarating kami sa mall na naka tsinelas,nakataas noo sya habang ako ay nakayuko. Ang damit ko kasi t-shirt na maluwag na may butas sa kilikili at luma na.
"Dito tayo magaganda ang mga damit sa shop na ito."sabi niya na hila-hila ang isang kamay ko.
Nagtataka ako bakit pag pag pasok namin ay isinarado ang shop at kami lang ang laman.
"Ma'am bakit po isinarado?"tanong ko na natatakot,baka walang dalang pera ang amo niya at hindi kami papalabasin.
"This mall is ours, kaya pili ka na ng mga damit mo" napanganga ako sa sinabi niya, ma papa sana all ka talaga.
Marami kaming kinuhang damit,hindi namin binili basta kinuha lang namin,kumuha din kami para sa lahat ng kasambahay at drivers.Ilang boxes ng malalaking karton ang pinaglagyan, para lang pang door to door na galing sa ibang bansa ang peg. I dedeliver daw mamaya.Pagkatapos naming kumuha ng mga damit ay nagutom kaming dalawa.Pumasok kami sa mamahaling restaurant ng mall na pagmamay-ari na na naman nila.Napa rami kami ng kain ni Madam at tinawagan niya ang driver nila na sunduin kami,dalawa ang pupunta para may mag drive din sa sinakyan namin kanina.
Pagdating namin sa mansion ng amo ko ay nakatulog siya sa pagod sa sasakyan.Tinawagan ng isa naming driver si Sir Bernard at dumating naman agad ito. Binuhat niya si Ma'am habang tulog ito,ang seryoso ni Sir pero napa ka sweet kay Madam. hayy sana all ulit.
Dumertso ako sa kusina dahil may mga ingay akong naririnig galing doon.
"Tita ano yang ginagawa niyo at puro dahon yan?"
"Dito daw kakain si Senyorito ng hapunan kasama ang girlfriend niya,kasabi ko lang kanina oh ayan na.Makikita mo na ang mga tipo ni Senyorito para mamulat yang mga mata mo."
"Grabe ka naman Tita crush ko lang naman siya,alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan kahit kailan.Ano po ang maitutulong ko dito Tita?
"Wala na ok na lahat,saan kayo galing ni Ma'am at napakatagal niyong nawala?"
"Nag-shopping po kami ng mga damit at sapatos nating lahat,baka mamaya po darating na yon."
Narinig ng mga ibang kasambahay ang sinabi ko at napaka-saya nila.Ilang sandali lang ay dumating na ang mga kinuha namin sa mall. Binuksan namin ang mga karton na may mga naka pangalan. Magaling talaga pumili si Ma'am dahil sakto ang mga pinili niya para sa mga kasama ko.Talagang kilalang kilala niya ang kanyang mga kasambahay dahil pati sukat ng sapatos ay sakto.The best talaga siya.
Alas syete na nang gabi wala pa sina Senyorito kaya kaming mga katulong ay pinauna ng pinakain, Gustong-gusto ko naman dahil mas gusto ko ng kanin at pilipinong ulam.
Alas otso dumating ang dalawa,napaka ganda nga ng babae at napaka-tangkad halos pareho sila ng taas ni Senyorito pero napaka-payat naman at walang dede.Feeling ko mas maganda parin ako,sa height lang siya lamang sa akin.Naka ngiti kaming bumati sa kanya pero hindi man lang siya ngumiti sa amin.Naku po kung siya ang papakasalan ni Senyorito kawawa kaming mga kasambahay.Ngumiti lang siya nang makita sina Ma'am at Sir.
"Good evening Tita at Tito pasensya na medyo na late kami ng dating si Harry kasi eh." Sabi nito na parang may kiti-kiti, nag beso beso sila pero bakit tahimik si Madam,hindi ata maganda ang gising o kaya pagod pa.
"Son let's first" yaya ni Sir sa kanila.
Tahimik kaming lahat,dahil kumain na kami ay naka tayo lang kami sa gilid naghihintay ng utos nila.
"Emma anong kinain niyo na Dinner kanina?"
"Tinola at pinakbet po Ma'am"
"Mayroon pa bang natira"
"Mayroon pa po Ma'am" sagot ko, parang gusto pa atang kainin ni Ma'am ang midnight snack ko mamaya.
"I want to have that for my Dinner, Ikaw love?" Tanong niya kay Sir.
"Ok, love I will have too." Sagot ni Sir, Wala talaga ang midnight snack ko sabay kamot ko sa aking buhok dahil na ngangati narin sa hindi ko pagligo.Kinuha ko ang ulam at kanin para sa kanila.
"Oh! My God Tita, you mean to say you are going to eat the leftovers of your maid and you know what Tita you shouldn't eat rice during the night" sabi nito na parang nandidiri.
"Yes! why any problem with that?"masungit na sambit ni Ma'am,kamukha niya pala si Senyorito pag seryoso ang mukha niya.
Nakita ko si Senyorito na pinisil ang balikat ng girlfriend.
"I just know your name, can you tell us about yourself?" tanong ni Ma'am na seryoso parin.
"Well! Tita, I am a full-time model and naging model din ako ng Victoria's Secret. My family owned luxury hotels and I am only one daughter, no siblings like Harry."Proud na sagot niya.
"That is great!" sagot ni Ma'am at ngumiti si Senyorito sa girlfriend niya.
"Do you know how to cook?"
"No Tita"
"Do you know to Iron?"
Napa-iling lang siya.
"Do you know any household chores?"
"No Tita, we have a lot of maids in our house and I don't need to do those."
"How are your parents?"
"They wonderful Tita, they got divorced last year at mas masaya na sila ngayon kaysa lagi silang nag-aaway."
"You know what Michele, to tell you honestly. For me mas gusto kong maging manugang ang marunong sa bahay, I want someone to take care of my only son with love. Ayaw kita para sa anak ko, your are type of woman na para lang sa s*x. s*x can easily get, lalo na at gwapo ang anak ko. My family is one of the richest in the world,wala pa sa kalingkingan ng kayamanan niyo ang yaman namin."Matapang na pahayag ni Madam.Lahat kami ay lalong natahimik,habang si Senyorito ay hinabol ang girlfriend na nag walk out.Naku po nakakatakot din pala si Madam na maging seryoso magkasing talas sila ng dila ng anak,walang preno.
"You did a very good job love,pero ang anak natin baka magalit sayo?"
"Ako bahala love" sagot ni Ma'am na naka ngiti na.
Bumalik si Senyorito na seryosong nakatingin sa Ina.
"Ma! why did you do that, Michelle was crying and embarrassed."
"Anak, one question, do you love her."seryosong pabalik na tanong ni Ma'am.
Lahat kami ay nag hihintay ng sagot ni Senyorito, Isang minuto na ang nakalipas at wala pa siyang sagot.Ang galit na mukha niya kanina ay lumambot na.
"You know to yourself the answer anak, We love you so much at ayaw namin na mapikot ka ng walang kwentang babae na magpa ganda lang ang alam."
Yumakap si Ma'am sa anak at niyakap din siya pabalik.Sa matinding drama na nasaksihan ko ay napa palakpak ako at seryosong tumingin sa akin si Kuya.Sa nerbiyos ko ay hindi ko na pigilan ang aking pag-utot.
"What the fuckl!" bulaslas ni Kuya,tinakpan nila ang kanilang mga ilong at nilayasan nila akong mag isa sa kusina.