Emma (POV) Nagising ako sa malamig na kwarto, napaisip ako bakit nandito na naman ako sa kwarto ni Kuya? Mahimbing paring ang tulog niya na nakayakap sa akin. Napatingin ako sa wall clock alas singko ng umaga, maaga pa para bumangon. Sa tangkad ni Kuya ang mukha ko ay nasa dibdib niya, gusto ko din sanang makita ang mukha niya. Pero mahirap kumawala sa mahigpit niyang yakap. Bakit kaya nandito na naman ako? wala naman akong sakit na naglalakad habang natutulog. Napanaginipan ko pa sina Ma'am kagabi na dinalaw ako. Yumakap ako kay Kuya pabalik pero mahirap siyang yakapin dahil sa laki ng katawan niya ay parang sumasabit lang ang kamay ko sa tagiliran niya. Lahat ng bahagi ng katawan niya ay matigas, hindi ko naman narinig na nag pupunta siya sa Gym. Napapapisil na ako sa mga braso niya, n