Chapter 1
Disclaimer
No part of this book may be reprinted or reproduced or utilized in any form or by any electronic, mechanical, or other means now known or hereafter invented, including photocopying and recording or any information storage or retrieval system without the author's permission.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Warning:
Bawal po sa bata lalo na ang mga 17 years old pa baba..may mga scenes at salita na para sa 18 pataas/matured content. Ito ay romance,spg at comedy, Kung hindi niyo cup of tea ay move on na lang po sa ibang novel.
___________________________________________
Madalang akong bumisita sa bahay ng aking mga magulang dahil palagi naman silang out of town. I miss them, they are great parents but busy sa business which is what I understand naman. I pressed the remote of our gate para makapasok ako, I always have a spare remote to our gate para hindi ko ma storbo ang aming mga kasambahay. Pag baba ko sa aking sasakyan ay ang pamangkin ni yaya ang sumalubong sa akin.
"My love senyoritoooooo!"sigaw niya.
Damn, this kid,kung hindi ko lang mahal ang yaya ko pinalayas ko na siya.Pamangkin niya daw ito at ulila na sa buhay.
"My loves buti na lang dumating na po kayo kanina pa kayo hinihintay ni Ma'am at Sir."Sabi nito na hanggang gilagid ang ngiti.
"Pwede ba don't call me my love. Just call me kuya or senyorito."Irritable kong sagot and remove your f*cking make up hindi bagay sayo, Wear your maid uniform starting from now."
"Ok, po kuya pero pwede bang mag suot lang ng uniform pag nandito ka? Ikaw lang naman ang may gusto na mag suot ako ng uniporme"sabat niya.
"No!"seryosong sagot ko.
"Ang sungit talaga ng my loving kuya hehehe."
Rinig kong bulong niya at tumawa.
Iniwan ko na lang siya dahil sa isang sentence na sasabihin ko,maka sampong sentences naman ang sasabihin.
Sinalubong ako ng aking ina ng naka ngiti at nasa likuran naman niya ang aking Papa na naka pa mulsa
"My baby, I miss you so much."
Nagyakapan kami at pina ulanan niya ang mukha ko ng halik na parang bata.
"Ma! Stop it, hindi na ako baby,"
"Itong anak ko naman naglalambing lang naman ako, dalawang buwan na tayong hindi nagkita,hindi mo ba mo ba kami na Miss ng Papa mo?
"I always do Ma, kaya lang nasanay na ako." Mahigpit kong niyakap ang aking Mama, My heart will always melt pag makita ko siyang malungkot.Ito ang ugaling nakuha ko sa aking Papa, Ang Mama ko lang ang nag iisang babae sa amin at ayaw naming siyang makita na malungkot o umiyak.
Lumapit si Papa sa akin at niyakap din ako.
"How are you, son?"
"I am always good, Pa!" sagot ko na bahagyang napangiti.
"I heard nanalo ka sa pangalawang kasong hawak mo?"
"Yes! Dad.
"We are so proud of you son, pero lagi kang mag ingat dahil napakulong mo ang isa sa mga makapangyarihang politiko na pedophile."
"Yes! Dad, I will" sabi ko nalang,hindi ko na sinabi na nakaka tanggap ako ng mga sulat ng pagbabanta sa buhay ko. Ayokong mag alala sila lalo na si Mama.
"Handa na po ang pag-kain" tawag ng isang kasambahay.
Sabay sabay kaming pumunta sa hapag kainan.
"Yaya!" tawag ni Mama kay Yaya.
"Bakit po Ma'Am?"
"Paki-tawagan na ang lahat para sabay-sabay na tayong kumain."
Hindi na bago sa akin na kasabay naming kumain ang mga kasambahay, Masungit at strikto ang aking ina pero pag dating sa mga kasambahay ay sobrang bait niya. Kung kasama niya ang mga ito na lumabas sa bahay at mamasyal ay hindi kasambahay ang turing niya sa mga ito. Kaya mula bata ako hindi pa kami nag palit ng mga kasambahay. Ang mga kasambahay ng aking mga Lolo at Lola ay pumanaw na at ang mga pumalit ay ang kanilang mga anak o ka mag-anak.Naka pag tapos man sila sa kolehiyo pero mas pinili nilang maging kasambahay.Malaki naman kasi ang pa sahod ng aking mga magulang at libre pa lahat ng mga kailangan nila na pang sarili.Ang iba naming kasambahay ay Anak pa ng Yaya ni Mama noon kaya itinuring niyang pamilya ang mga ito lalo na at nag-iisa anak din si Mama at Papa.
Maraming putahe ang nakalapag sa mesa,napansin ko si Emma na bumilog ang kanyang mga mata nang makita ang mga ulam
"Ano pa ang hinihintay niyo kain na tayo." sabi ng aking ina na aliw na aliw na nakamasid kay Emma na medyo makapal ang mukha. Siya kasi ang unang sumandok ng ulam at halos punuin ang Plato. Nakita ko naman na siniko siya ni Yaya.
Malakas ang tunog ng mga plato at mga kutsara habang kami ay kumakain.Sumasakit ang aking ulo dahil nasanay na akong kumain na mag-isawalang ingay
"Ma'am pwede po ba akong mag-kamay?" tanong ni Emma sa aking Mama.
"Go ahead, Emma!" sagot ng aking ina na nakangiti parin.
Ito ang nagbibigay kasiyahan sa aking Mahal na Mama, Ang makitang masaya ang mga taong malapit sa kanya.
Ang makapal na Emma ay nag-kamay talagang kumain at dinidilaan pa ang kanyang mga daliri kung may kanin na nakadikit"Damn!" Why do I find it sexy whenever she licks her fingers? napalunok ako na yumuko para hindi nila mapansin ang pag-init ng aking mukha.
"Anak tapos kana ba?"
"Yes, Ma, I had a snack before I come here, kaya medyo busog pa ako."
"Sigurado ka ba diyan seniorito? ang sasarap kaya ng mga ulam please lang po huwag kayong mahiya, "then she burp so loud.
"heh heh sorry po" sabi niya na parang nahihiya.
Tangina lang ako pa ngayon ang mahihiya sa sarili kong pamamahay.
"Don't feel sorry Emma,masaya nga ako na magana kang kumain. Ibig sabihin nasarapan ka sa mga niluto ko, Ikaw love nasarapan ka ba sa mga new recipes na niluto ko?"
"Yes! Of course love, you are the best! tinalo mo pa ang mga chiefs sa mga restaurants natin sa sarap ng luto mo".
Masayang-masaya naman ang aking Mama sa pang-uuto ng aking Ama.Hinalikan pa talaga ni Mama sa labi ng Aking Papa sa harapan namin.
"Sana all " sambit ni Emma na kinikilig.
"Oo nga pala Emma nag enroll kana ba sa Kolehiyo, Yung malapit sa condo ng anak ko."
"Opo Ma'am! maraming-marami pong salamat sa pagpapa-aral niyo sa akin. Tatanawin ko po na malaking utang na loob. Na kahit bago palang po akong kasambahay ninyo ay marami na kayong naitulong sa akin. Ipina-ngangako ko po na mag-aaral ng mabuti,hindi po ako mag boyfriend habang nag-aaral at tatapusin ko po ang aking kurso Tatlong buwan pa lang po akong naninilbihan sa inyo ay napatunayan kong napaka-bait niyo po talaga at kahit po si Sir. Nagpapasalamat na rin po ako sa pag-tulong niyo sa pagpapalibing sa aking mga magulang. Kung wala po kayo ay baka kasal na po ako sa matandang mayaman na pinag kaka-utangan ng aking mga magulang,sobrang manyakis pa naman ng matandang iyon,"
I feel bad for Emma habang nakikinig ako sa usapan nila ni Mama,buti na lang pala humingi ng tulong si Yaya kay Mama
"Huwag mong isipin yan Emma,pamilya tayo dito at masipag kang bata.Medyo loka-loka ngalang pero lagi mo akong pinata-tawa.Harry anak pag mag-simula na ang pasukan sa Condo mo na titira si, Emma."
"What! why Ma? may dorm naman ang Campus."
"Mas maganda na doon tumira si Emma sa condo mo para may kasama ka."
Tumingin ako kay Papa para humingi ng saklolo pero na kayuko siya.
"Please! Son doon si Emma sa condo mo para mas lalo akong mapanatag na may nag-aalaga sa sayo"
"Ma, I can take care of myself, mula tumira ako sa Condo mag-isa wala namang mangyaring masama sa akin."
"Please Son" nag mamaka-awa ang aking ina para sa isang kasambahay, God damn it!
Huminga ako ng malalim," ok fine Ma".
"Thank you so much, son! see that Emma pumayag ang anak ko. Next month get ready all your stuff at susunduin ka niya dito sa bahay."
"Thank you very big kuya" kumikinang ang mata ni Emma na pagpasalamat sa akin. Ako pa talaga ang susundo sa kanya.Hindi na lang ako nag salita pa dahil wala akong panalo kay Mama.
"Wow, Kuya! ang tawag mo sa Anak ko Emma"?
"Nasabi po kasi niya sa akin kanina na kuya ang itatawag ko sa kanya"
"Pumayag kana kasi na ampunin kita, noon ko pa sinasabi sayo lagi ka namang tumatanggi. Anong kurso nanam ang kukunin mo?"
Napatingin ako sa aking Mama sa narinig ko. My mother is not in good thinking right now,bakit siya mag aampon ng desi otso anyos na dalagita,napa-iling nalang ako
"Pagiging Guro po ang kukunin ko na kurso Ma'am"
"Why teacher? sa liit mo na yan baka walang makikinig sayo." sabi ko na nakatingin sa kanya.
"Pagiging guro ang kinuha ko para turuan kitang mahalin ako"
Lahat kami napatingin sa kanya at ang aking Papa ay muntik nang naibuga ang tubig na iniinom niya.
Tawang-tawa naman ang aking Mama.Tangina lang sana hindi siya seryoso sa sinabi niya dahil never ko siyang papatulan,wala sa bokabularyo ko ang pumatol sa bata.