Umupo sila sa bench ni Jayden habang nakamasid sa mga naglalarong bata sa park kung nasaan sila. "Its been a while since I go outside this freely." Tumingin siya rito habang kumakain ng ice cream. "Mahirap maging celebrity 'no? 'Yong feeling na hindi ka makalabas mag-isa at hindi mo magagawa lahat ng gusto mong gawin." Lahat kasi ng galaw ng isang celebrity ay big deal sa mga tao. Iyong iba na wala naman talagang relasyon pag nakitang magkasama ay gagawan na ng kahulugan ng mga tao. Sa totoo lang kahit alam ng mga fans ni Jayden at fans niya na magkaibigan lang sila ay gusto niya pa rin mag-ingat. She doesn't know how each person think. "Its hard but I love this job so its fine. Wala ka nga lang talagang privacy," he shrugged. "Yeah, that's true." "Should we eat dinner? Gabi na