Gabi na at nasa kubo sila ni Shawn habang nakatambay at nagsusulat siya. May falls sa tapat nila pero hindi siya naligo dahil wala siya sa mood. Marami kasing nasa isip niya ngayon at ang gusto niya lang ay isulat na ang mga 'yon. Napatingin siya sa katabi niya at nakita niyang nakapalumbaba lang ito habang nakatitig sa kaniya. "Bakit? Bored ka na ba? Balik na tayo sa bahay?" Sunod sunod na tanong niya rito. Umiling naman ito sa kaniya. "No, just continue writing." Binalik niya ang tingin sa may Ipad niya at pinagpatuloy ang pagsusulat. Dalawang chapter na ang naisulat niya at pangatlo na itong sinusulat niya ngayon. Mukhang mapapadali talaga matapos ang novel niya. She got excited even more. "It's raining..." Agad siyang napatingin sa labas dahil sa sinabi ni Shawn at kit