"We'll stay tomorrow in an island. I already book a house for us to stay." Sumimsim siya ng malamig na kape habang tumatango. Hindi niya na tinapunan ng tingin si Shawn dahil naka-focus siya sa sinusulat niya. Hapon na at malamig ang simoy ng hangin. Medyo maalon ang dagat kaya rinig na rinig niya ang tunog ng alon. Nasa labas kasi siya dahil masarap sa pakiramdam ang natural na lamig ng hangin. Naialis niya lang ang tingin sa Ipad niya dahil tumunog ang cellphone niya. Sumilay naman ang ngiti sa labi niya nang makita na si Jayden ang tumatawag. "Hello?" nakangiting bati niya kaagad sa kabilang linya. "Hi! are you busy tonight?" "Oh, why?" kunot noong tanong niya. Naibaling niya ang tingin kay Shawn dahil lumapit ito sa kaniya at ininuman ang kape niya. 'That's mine!' she