Chapter Five

2235 Words
ANNAH: The Last Titanian Chapter 5 Madilim na paligid. Yun ang unang tumambad sa akin nang buksan ko ang mga mata ko. I heard the sky rumble and I saw flashes of light cross along in the middle of that empty land. Napatingin ako sa itaas at ang madilim na kalangitan na yun ang sumalubong sa paningin ko na para bang nagbabadyang bumuhos mula doon ang isang malakas na ulan. Saka ko napalibot uli ang paningin ko. But I saw nothing. I was the only one who's standing all alone on that empty and endless land. Wala akong ibang nakikita kundi ang malawak na lupain na yun na ang tanging laman lang ay ang mga naipong tubig na nanggaling ata sa ulan. Hindi ko rin alam kung nasaan ako. Basta pagbukas ko ng mga mata ko ay ang tahimik at walang katao-taong lugar na yun ang bumungad sa akin. Nasaan ako? Anong ginagawa ko dito? Napatingin ako sa ibaba at nakita ko ang repleksyon ko mula sa tubig na naipon mula sa lupa. At agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakita kong itsura ko. Bakit... Bakit ako nakasuot ng itim na armor? At bakit... Bakit nagkalat ang dugo sa itim na armor na yun? Nahawakan ko ang pisngi ko at ang bibig ko na nadungisan narin ng pulang dugong yun. At bakit...nalalasahan ko pa ang dugo sa bibig ko na para bang nanggaling ako sa pag-inom nun? But the most disturbing about this is...why it tastes so deliciously in my mouth? Napatingin ako sa mga kamay ko at nakita ko ang pulang dugo na nakakalat doon at hanggang ngayon ay napapaisip parin ako kung saan nanggaling ito. Bigla akong napataas ng mukha when those screaming and clanking of the swords suddenly appeared in front of me. Napatingin ako sa pinagmumulan ng ingay at agad na nanlaki ang mga mata ko sa nakikita ko ngayon. Because that empty field a few second ago was filled with blood. At nanggaling yun sa dalawang grupong naglalaban ngayon sa paligid ko. They are all wearing the same black armor as me. Pero bakit...nagpapatayan silang lahat? I looked around and saw myself standing alone in the middle of that bloody war. I was stucked in here and I couldn't move from where I stood. Red eyes. Sharp pointed fangs. And I could hear them growl from where I stood while they continue to rip each other's head. I could hear the crashing sounds of their swords and I could see their faces got stained by their opponents blood. Nasaan... Nasaan ba talaga ako? At ano ang... Ano ang ginagawa ko sa gitna ng gyerang ito? And then... They suddenly stopped from attacking each other. At nanlaki pa ang mga mata ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko nang sabay-sabay silang lumingon sa akin. Napaatras ako sa kinatatayuan ko ng dahil narin sa pinaghalong takot at kaba. Bakit sila...nakatingin lahat sa akin? "Don't mess up with the vampires" I suddenly heard that familiar voice. Agad naman akong napalingon sa kanilang lahat at hinanap kung saan nanggaling ang boses na yun. Pero sa dami ng mga mukhang hindi ko kilala doon na nanatiling nakakatitig sa akin ay hindi ko sya mahanap. "If you want to stay alive, you have to stuck your human nose out of vampires" Teka....parang kilala ko kung kanino ang boses na yun... Nagpatuloy ako sa paghahanap sa pinanggalingan ng boses pero hindi ko sya mahanap. And then my instincts just told me to look up. Kaya sinunod ko yun... I slowly look up... But... My eyes slowly widened from what I saw next. Because standing so close in front of me is that person who wears the same black armor as me but he have this black long hood and black metal mask that conceals his face from me. And from that familiar voice...he spoke. "Kill her" **** Agad akong napabalingkwas ng bangon mula sa kama ko at hinihingal na napaupo doon. Teka...ano yun? Ano yung napanaginipan ko? At bakit...parang totoong-totoo ang pakiramdam ko na para bang...nangyari talaga yun? "Ate naman eh! Sabi ko color fuchsia ang ilagay mo sa paa ko!" ang narinig kong reklamo ni Bea mula sa may pinto ng kwarto namin sa boarding house. Napalingon naman ako at nakita kong nagpapa-pedicure sya sa isa sa mga manikurista na nagpupupunta sa amin doon. Grabe, ang aga-aga, nagpapa-manikurista na agad. -___- "O sige, i-spell mo muna ang fuchsia bago ko ilagay yun" ang nanlolokong sabi naman ni ate. Nakita kong nag-isip naman si Bea. "Ah eh...F-U..." saka sya lumingon sa akin. "Beh, ano bang kasunod ng FU sa fuchsia ha? S ba o C?" Isang bored look naman ang isinagot ko sa kanya. "Grabe, college ka na pero hindi mo parin alam ang spelling nun?" ang tanong ko. She just pout saka sya lumingon uli kay ateng manikurista. "Sige ate, Penk nalang para mas madali. P-E-N-K. PENK" ang sabi nya. Nasapo ko nalang ang ulo ko. Tama. May isa pa pala akong major problem ngayon. At yun ay ang article ko na bukas ko na kailangang ipasa kay Professor Mendoza. Nasabunutan ko nalang ang ulo ko nang maalala yun. Oh yes. I'm doomed. Matapos kasi kaming mag-usap ni Professor Santiago kahapon ay nagmamadali na akong umuwi ng bahay ng dahil narin sa sobrang takot mula sa mga sinabi nya at mga nakita ko. "Hija...nasa panganib ang buhay mo" Pero bakit nga ba nasabi yun ni Professor? Bakit all of a sudden ay ayaw na nya akong makialam sa mga bampira? At totoo rin ba ang bolang krystal na yun na lumipad papunta sa akin? Kung iisipin ko uli yun ay parang...parang hindi talaga totoo eh. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako kahapon mula sa mga nalaman at narinig ko mula kay Professor. Ang dami kong tanong sa isipan ko na gustong-gusto kong mabigyan ng kasagutan. Tama. Kailangan kong puntahan ngayon si Professor Santiago sa office nya para malinaw ang lahat ng ito. Tumayo na ako mula sa kama ko at kinuha ko ang bath towel ko para maligo. "Beh? Saan ka pupunta?" ang takang tanong ni Bea. Nilingon ko naman sya. "Papasok ako ng maaga ngayon dahil may gusto lang akong itanong kay Professor Santiago" ang sagot ko. Nakita kong napakurap naman sya pero nagsalita parin sya. "O sige beh, maligo ka na at sabay nalang tayong pumasok" ang sabi nalang nya. "Okay!" ang sagot ko saka ako pumasok sa banyo. ****************************** "OH MY GOSH! OH MY GOSH!" ang biglang tili ni Bea sa tabi ko habang naglalakad kami papuntang school. Pareho kaming nakasuot ng makapal na jacket ng dahil narin sa sobrang lamig ng paligid. Oo, pakiramdam ko ay mas lumamig pa ang paligid kesa nung huling araw. Nilingon ko naman sya. "At anong ka-OA-han na naman ba yan ha?" ang tanong ko sa kanya. Excited naman nyang syang nagtatalon-talon doon habang hawak ang cellphone nya. "Oh my gosh! Paul has finally asked me out! Gusto nyang mag-date kami bukas! Kyyyyaahhhh!!!" ang sobrang sayang sigaw nya. Sya nga pala, si Paul ay ang major crush nya simula pa nung freshmen kami. Isa sya sa mga senators ng University Student Organization. At recently ay naging mag-textmate na sila kaya naging close silang dalawa ni Bea. "Eh di congratz" ang nakangiting sabi ko habang patuloy parin kami sa paglalakad. "Thank you beh. Hay...salamat at magkaka-boyfriend na ako! Hoho!" ang sobrang excited nyang sabi. Napangiti naman ako. "At talaga namang---" "HAHAHAHAHAHAHAHA!" Naputol ang sasabihin ko nang bigla naming marinig ang tawanan na yun. Sabay pa kaming napalingon ni Bea doon at nakita namin ang mga batang iyon na nagtatawanan at nagkukumpulan sa isang sulok habang may parang binabato sila. "Teka, ano yung binabato nila?" ang takang tanong ni Bea. Lumapit naman kami doon at nakita namin na binabato nila ang babaing yun na ngayon ay nakayuko at nakaupo lang sa tabi ng kalsada. Nakasuot sya ng mahabang kulay brown na hood na abot hanggang binti nya kaya hindi namin makita ang mukha nya. Doon naman ako mabilis na lumapit sa kanila at galit na nagsalita. "Hoy! Ano yan?!" ang sita ko sa mga batang iyon. Sabay naman silang napalingon sa akin at nang makita nila ako ay doon na sila tumatawang tumakbo paalis. Samantalang hinabol ko naman sila pero agad din akong tumigil at galit na sumigaw doon. "Aba't---mga batang ito! Ang sasalbahe ninyo ah!" ang sigaw ko. Pero tumawa lang sila at nag-bleh pa sa akin. Aba't---! Saka sila tumalikod at tumatawa silang tuluyang nakaalis. Samantalang sabay pa kaming lumapit ni Bea sa babaing binabato nilang kanina. "Miss, okay ka lang?" ang tanong ni Bea sa kanya. Nagtaas naman sya ng mukha mula sa pagkakayuko dahilan para makita na namin ng tuluyan ang mukha nya. At... Sabay pa kaming natigilan ni Bea nang makita na namin ng tuluyan ang mukha nya. She has this long silver hair and a pale skin. At halatang mas bata sya sa amin. And one more thing...she's so stunningly beautiful na para bang hindi sya tao sa sobrang ganda nya. Ngumiti naman sya sa amin at nagsalita. "Okay lang ako" she said. "Salamat sa pagtatanggol sa akin" Ngumiti din ako sa kanya. "Mabuti naman at naabutan ka namin" ang sabi ko. "Hay, pagpasensyahan mo na ang mga batang yun ha. Dumarami na talaga ang mga salbaheng bata ngayon" She smiled too and she looks so fragile under her hood. "Okay lang yun..." she said. "Sanay narin ako sa mga tao..." Napakurap ako. Eh? Sanay sa mga tao? "Teka..." ang putol ni Bea sa pag-iisip ko. "...pwede bang magtanong ha?" Napatingin naman sa kanya ang magandang babae kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita. "Pwede bang magtanong kung..." ang patuloy ni Bea habang inuusisa ang magandang babae. "...pwede bang magtanong kung saang salon ka nagpa-dye ng buhok ha? Ang ganda kasi ng silver hair mo eh. Sa tingin ko, babagay din yan sa akin. Diba beh? Hihi." ^0^ Lumingon pa sya sa akin at ngumiti ng todo. Walangya. At yun pa ang naisip nyang itanong kahit na nakikita nyang na-bully ang kaharap namin ha. -____-+ Pero pareho pa kaming nabigla ni Bea sa isinagot ng magandang babae. "Ito na ang natural na kulay ng buhok ko" ang nakangiting sagot nya. Sabay pa kaming natigilan ni Bea at nagkatinginan. Huh? At ano naman ang lahi nya at ganun ang kulay ng buhok nya? Mukhang napansin naman nya ang pagtataka sa mga mukha namin kaya tumayo na sya at nakangiting nagsalita. At nabigla pa ako nang abutin nya ang mukha ko at tuluyan na akong nanigas nang hawakan nya ang pisngi ko. And in that gentle voice, she spoke. "You've grown up so well..." she whispered at tuluyan na akong nanigas sa kinatatayuan ko. Ano ba ang...ibig sabihin ng...sinabi nyang iyon? At bakit habang nakatingin sya sa akin ngayon ay may nakikita akong paglamlam sa mga mata nya? Like she's looking at me so adoringly. Hindi na ako makapagsalita kaya doon na nya ako binitiwan at nakangiting nagsalita uli. "I think I should go now..."she said then smiled. "Hinihintay na kasi nya ako..." Eh? At sino naman ang naghihintay sa kanya? But she just smiled and spoke. "Thank you uli sa inyong dalawa" ang nakangiting sabi pa nya. "Mag-aral kayo ng mabuti, okay? Bye" Saka sya tumalikod sa aming dalawa ni Bea at wala na kaming ibang nagawa kundi ang panuorin ang tuluyang pag-alis nya. At nang hindi na namin sya matanaw ay nagkatinginan nalang kami ni Bea. "Sino yun? Ang weird nya ha" ang sabi ni Bea. Pero hindi ako makasagot. Tama. Sino ba ang babaing yun? At bakit...habang kaharap ko sya kanina...ay pakiramdam ko ay nagkita na kami dati pero hindi ko lang maalala kung kailan...at kung saan. Meanwhile... Arizon Company Nakatunghay lang sa labas ang CEO ng kompanyang iyon habang nakaupo sya sa swivel chair ng opisina nya. He has this color black hair and color blue eyes that's been looking through the glass walls of his big company building. He's young but he's rich and intelligent enough to lead this big company. "Arthur..." ang tawag nya sa secretary nya na nakatayo lang sa tabi nya. "Yes Mr. President?" ang tanong sa kanya ng matandang secretary. Nanatali lang syang nakatalikod dito at nakatunghay parin sa labas habang nakapatong ang ulo nya sa kamay nya at naka-dekwatro sa kinauupuan nya. "Alam mo bang maraming sikretong itinatago ang mundong ito?" ang tanong nya habang hindi parin inaalis ang mga mata mula sa labas. Mukhang nagtaka naman ang matandang secretary nya nang dahil sa sinabi nya. "A-ah...ganun po ba?" ang naisagot ng matanda saka ngumiti sa amo nya. "Naniniwala po akong may sikretong itinatago ang bawat tao sa mundong ito" Napangiti sya nang dahil sa isinagot ng matanda. Then he closed his eyes before speaking again. "Hindi lang ang tao sa mundong ito ang may itinatagong sikreto..." ang sambit nya sa mababang boses na yun. Nagtataka namang napatingin sa kanya ang secretary nya kaya nagpatuloy sya. "At ang mas nakakatuwa pa..." ang sambit nya habang nakasara parin ang mga mata nya. "...ay malapit ng mabuksan ang sikretong iyon..." Nagsalubong naman ang kilay ng secretary nya. "Ano po ba ang ibig ninyong sabihin Mr. President?" He smiled. "Ang alam ko lang..." he said then he opened his eyes and those blue eyes was exposed to his secretary . "...ay magiging exciting ang mga susunod na mga mangyayari sa mga susunod na mga oras..." to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD