“See, halos maduling na ang boss mo kakatitig sa’yo. "I wonder what he finds most attractive about you. Is it your legs, waist, or chest?" O ang mukha mo mismo.” Alexa giggled like a kid. “But, for sure, nawiwindang na ‘yan kung saan ang mas unang titingnan.” Imposible. Ni ayaw nga siyang tapunan ng pansin ng ex-boss niya. Parang sukang-suka ito sa pagmumukha niya lagi. Kaya, ang anumang kilabot na nararamdaman dahil sa tila nanunuot nitong titig na pakiramdam niya ay tumatagos sa buto-buto niya, alam niyang dapat huwag bigyan ng anumang ibig sabihin. “Go on, lapitan mo na, and as for me, dito lang ako makikiusyuso sa tabi-tabi.” Hindi niya hihintaying lapitan siya ng amo. Parang sobra na naman yata 'yon. Ilang hakbang mula sa sasakyan, huminto siya sa paglakad. Mentally, tsinek niy