Napapangiwi si Venus habang pinapahiran ng bulak na may betadine ang sugat niya sa tuhod. Akala niya ay magaling na ito, 'yon pala ay hindi pa. Nasagi kanina sa gilid ng pintuan kaya dumugo ulit. Napakurap ang mga mata niya nang makita niya ang dalawang paa na huminto sa harapan niya kaya tumingala siya. Nakahinga siya ng maluwang nang makita si Juan. "My God! Akala ko naman kung sino." Sabi niya, inirapan niya ito saka muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Napasinghap siya ng bigla itong lumuhod sa harapan niya at inagaw ang bulak na siyang pinapahid niya sa sugat. "Ano na naman ang pinaggagawa mo? Bakit ka ba na sugatan?" Walang emosyon na tanong nito sa kanya. "Ouch! Dahan-dahan lang ang pagpahid, sa gilid lang." Sita niya rito ng deretso nitong ipinahid ang bulak sa sugat. "Huwag k