Habang hinihintay niya ang pagdating ni Juan ay nagtungo muna siya sa receiving room or study room. Nakita niya ang mga awards at medalya na nakasabit sa dingding at lahat ay nakapangalan kay Juan. Nakita niya rin ang dalawang diploma nito, nagtapos ito ng kursong Architect sa ibang bansa. Ang isang diploma naman nito ay sa kursong Agriculture. She was impressed. Napadako ang tingin niya sa litrato ni Miguel, mapait siyang ngumiti. Naging bahagi ito ng buhay niya at alam niyang minahal siya nito. Pero ngayon alam na niya kung ano talaga ang tunay niyang nararamdaman para rito. She cared for him but she doesn't love him. Akala niya noon ay mahal niya talaga ito pero infatuation lang pala ang nararamdaman niya para rito. Bumuntonghininga siya saka lumabas na sa silid. Hindi niya alam kung