"Wow naman Venus, parang ang sarap ng mani mo, kakaiba." Sabi ni Luis, saka muling uminom ng tubig. "Talagang masarap na masarap ang mani ko," sagot niya kay Luis na may pagmamalaki sa boses. Mariing nakatingin sa kanya si Bebe pero may pilit na ngiti sa labi, tinaasan niya lang ito ng kilay at binigyan niya rin ng plastic na ngiti. "Patikim naman ng mani mo," ani ni Luis, sabay tingin kay Juan na para bang inaasar pa ito. Narinig nila ang paglagitik ng lata, ang hawak nitong coke na nasa can ay tumalsik ang laman dahil sa higpit ng pagkakahawak nito kaya nayupi ang gitna. Napalunok naman si Luis nang mapatingin sa coke na ngayon ay mariing pinipiga ni Juan at halos maglabasan na ang ugat nito sa kamay, hindi niya mabasa ang emosyon nito pero pakiramdam niya ay nagpipigil ito ng gali
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books