Chapter 3
Kendrick's Pov:
"Nasaan si Yesha?" Nagtataka kong tanong sa isang classmate niya ng hindi ko siya makita na lumabas sa building nila.
"Ah eh......kwan kasi nag excuse siya ng dalawang lingo na hindi siya makakapasok dahil namatay daw ang lola niya kaya nagpunta sila sa kanilang probinsiya."Halatang natatakot ang kanyang pagsagot sa akin.
"Ah ganun ba? Sige salamat sa impormasyon." Pasasalamat ko sa kanya at umalis din kaagad ang babae.
Paalis na sana ako ng makita ko ang karibal kong si Akeem na nakikipagkwentuhan sa isang babaeng hindi ko kilala.
Palapit na ng palapit ang dalawa sa akin at laking gulat ko nang lagpasan lang nila ako. Hindi yata nila ako napansin dahil abala sila sa pagkwekwentuhan ng babae kaya tinawag ko ang pangalan ni Akeem.
"Akeem!!" Ang sigaw ko sa kanya habang palapit ako sa kanila.
Tumigil naman silang dalawa at napalingon sa kinaroroonan ko. Halata sa babae ang gulat sa kanyang mga mata at si Akeem naman ay parang wala lang na tinawag ko siya. Parang hindi talaga siya natatakot sa akin ah.
"Ah sige Akeem mauna na ako...may dadaanan pa kasi ako eh." narinig kong paalam ng babae sa kanya.
"Ah sige Lex..kita na lang tayo bukas." sagot ni Akeem sa babaeng Lex ang pangalan. Dali daling umalis ang babae na halatang takot talaga sa akin.
Ewan ko nga kung bakit natatakot ang mga tao sa akin eh. Dahil ba ako ang Presidente ng isang Fraternity dito sa Unibersidad na pinag-aaralan namin? Bakit?! Wala namang ginagawang masama ang nasasakupan ko ah.
Tsk..!
Ang alam kasi ng ibang tao kung member ka ng Fraternity eh puro basag ulo at rambol lang ang alam, hindi nila alam na nakakatulong din kami sa pamayanan tulad ng tree planting, mga pakain sa mga batang lansangan at marami pang iba.
"Anong kailangan mo!?" May angas na tanong niya sa akin. Ok din tong lalaking to ah..hindi siya gaya ng ibang tao na kapag tinatawag namin eh kumakaripas na ng takbo.
"Oh relax ka lang naman bro. Wala naman akong gagawin sayong masama eh." Pagpapakalma ko sa kanya. Halata kasi na naiinis siya sa akin eh.
"Eh ano nga ang kailangan mo?!" Ulit niyang tanong sa akin. Nilapitan ko siya sa kanyang kinakatayuhan.
"Hatid na kita sa inyo para wala akong utang na loob sayo" Ani ko sa kanya pero…hindi pa rin nagbabago ang impresion niya.
"Salamat na lang pero may sasakyan ako."Tugon niya sa akin. Oo nga pala may sasakyang ang gag*. Nakalimutan ko eh.
"Sige sabay na tayong pumunta sa parking lot." sabi ko na lang sa kanya.
Naglakad na siya at sinundan ko na lang. Hindi pa ako hinintay. Tuloy tuloy lang ang pagsunod ko sa kanya hangang makarating kami sa parking lot.
Pumasok na siya sa kulay itim niyang sasakyan at pinaandar na niya ito. Nanatili muna akong nakatayo sa kinatatayuhan ko habang hinihintay ang pag-alis niya.
Pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi niya mapaandar ang kotse niya. Napangiti naman ako ng dahil dun. Mukhang umaayon ang tadhana sa akin eh.
Bumaba siya sa sasakyan niya at binuksan ang harap nito para makita ang makina.
Napahawak naman siya sa kanyang noo na halatang hindi alam kung ano ang gagawin.
"Hatid na kita kasi." nakangisi kong anyaya sa kanya. Napatingin naman siya sa akin na nakalisik ang mga mata.
"Oh ano desisyon mo? Ayaw mo talaga? Bahala ka diyan." Ani ko at pumunta na ako sa aking sasakyang. Bubuksan ko na sana ang kotse ko ng pinigilan niya ako.
"Sandali lang." Sabi niya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa kanyang itsura na halatang napipilitan lang.
Lumapit ako sa kanya at pinagbuksan siya ng pinto ng kotse. Napataas naman ang kanyang kilay dahil sa aking ginawa.
Tsk..
Narinig kong sambit niya ng pumasok siya sa aking kotse. Pagpasok niya ay sinara ko na ang pinto at pumasok na ako sa driver seat at pinaandar ang aking kotse.
Habang umaandar ang sasakyan ay namayani ang katahimikan. Talaga ba ganitong tao tong lalaking to?
"Kamusta?" Pagbasag ko sa katahimikan sa loob. Sinagot lang niya ako ng isang matalim na tingin. Malaki ba ang galit nito sa akin?! Wala naman akong ginagawa ah!!
"Bakit ba ganyan ka makatingin sa akin? Nakikipagkaibigan na nga ako ganyan pa ang trato mo sa akin" ani ko habang nakatingin sa daan.
"Ayaw kitang kaibigan" maikling sagot niya sa akin..
Mukhang mahihirapan ako sa plano ko sa kanya ah!
Paano ko liligawan tong gagong lalaking to kung ganyan ang pakikitungo niya sa akin?
Tama kayo ng narinig liligawan ko siya. Ang totoo ang unang plano ko ay ang ipatira siya sa ibang fraternity na alam kong hindi sila makakatanggi pero ng malaman kong wala si Yesha at siya ang nakita ko kanina, nagbago ang isip ko na ligawan na lang siya.
Hindi ko pa alam kung paano ko siya liligawan..kailangan mapasagot ko siya bago dumating si Yesha dito mula sa probinsya para hindi na siya manligaw sa kanya.
Di ba ang talino ko? Buti na lang nanood ako ng isang movie ni Vice Ganda na "this guy in love with you mare!"
Akeem's Pov:
Ang malas ko naman ngayon araw!!may balat yata sa pwet itong lalaking kasama ko ngayon eh!!
At eto ako ngayon nakasakay sa kanyang sasakyan..Ihahatid daw niya ako para makabayad ng utang na loob pero ang alam ko, meron siyang plinaplano sa aking masama.
yan mga kilos pa lang niya eh halatang halata na!!mga ngiti niya na parang nababadya ng gyera pero wag kayo ang gwapo niyang ngumiti.
Halos dalawangpong minuto na kami nagbyabyahe. Di ko napansin na iba na pala ang daan na tinatahak niya.
"hoy san tayo pupunta?"medyo pagalit kong tanong sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin na parang nagbwibwisit!!
"Sabi ko na nga ba may binabalak kang di kaaya aya eh!!itigil mo ang sasakyan bababa na ako!!"utos ko sa kanya.
Hindi niya parin tinitigil ang kanyang sasakyan at lalo pa niyang binilisan ito.
"Hindi mo ititigil? Tatalon ako sige ka!!" PAgbabanta ko sa kanya pero ngumisi lang siya. Ang sarap tanggalin ang labi ng lalaking to!!!bwisit na nilalang na to!!
"Itigil mo sabi ang sasakyan eh!!"ani ko sabay agaw ng manubela.
"Oy gago ka ba?! Maaaksidente tayo sa ginagawa mo!!" Ani niya sa akin.
"Wala akong pakialam kung ano pa ang mangyari sa atin ngayon!!basta ang gusto ko lang ay itigil mo ang sasakyan!!"matapang kung tugon sa kanya pero patuloy pa rin siya.
"Ano ba itigil mo sabi eh!!."sabay hawak sa kanyang mga balikat.
Ay p*tang ina naman oh!!!
Napasubsub ako sa matigas at mabangong bagay ng bigla niya itong ipreno.
Pagdilat ko ng aking mga mata, di ako makagalaw ng marealize kong sa katawan niya pala ako nasubsub!!sh*t ang bango niya ha!!
"Pwede bang wag mong ubusin ang bango ng katawan ko??!" Ani niya kaya napabalikwas ako.
"Ang bango daw eh parang imburnal nga ang amoy eh!!" Ang sagot ko sa kanya pero ang totoo mabango siya. Hindi yung amoy pabango talaga meron yung kakaibang amoy!!parang amoy lalaki!!ang sarap sa ilong!!
"Tsk......wag ka na kasing magulo!!kakain lang naman tayo eh bago kita ihatid sa inyo!"sabi niya sa akin.
"Eh sino ba kasing may sabing kakain tayo?!"tanong ko sa kanya.
"EH sa nagugutom ako eh!!" Sagot niya sa akin. Wala naman akong magagawa kasi nga sasakyan niya to!!
"Wala akong perang dala."sabi ko sa kanya.
"Don't worry!!treat kita " sagot niyang nakangiti.
Matapos niyang sabihin na treat niya daw ako......aba syempre nanahimik na ako noh! Sino ba ang ayaw ng libre diba?!grasya na kaya yun!!
Pinaandar na niya ulit ang sasakyan niya. Pagkalipas ng mahigit 20 minutes ay nakarating kami sa isang restaurant na halatang mamahalin ang mga pagkain.
Habang pinapark niya ang sasakyan niya at tinignan ko ang cellphone ko kung may nagtext oh nagpa miss call pero laking gulat ko ng kahit isa ay walang nagparamdam!!
Di ko rin maiwasan na mapatingin sa oras at mag-aalasais na pala. Hindi mapapansin sa paligid na alas sais na ng gabi dahil medyo maliwanag parin.
Pagbaba namin sa kanyang sasakyan ay pumasok na kami sa loob.
"Good evening sir."pagbati ng isang magandang babae sa amin.
"Table for two please!"pormal na sabi ni Kendrick sa babae..
"This way sir."sinundan namin ang babae. Habang nakasunod kami sa babae, hindi ko maiwasan ang mamangha sa loob ng restaurant.
May malawak na loob nito at marami ring ang mga parokyano nila at halatang mga galante ang mga tao.
"We're here sir." Sabi ng babae. Umupo na kaming dalawa ni Kendrick at umalis naman ang babae.
Pagkalipas ng ilang minuto, may dumating namang lalaki na may dalang isang uri ng wine at dalawang baso.ipinatong ng lalaki jng dalawang baso at Nilagyan niya ng wine..
Umalis din kaagad ang lalaki pagkatapos niyang malagyan ng wine ang mga baso.
Pwede ba kayong maging hurado kung sino ang unang pipikit ng mata?
paano naman kasi nagkatitig lang kami sa isat isa na hindi pinipikit ang mga mata..tignan lang natin kung sino ang matatalo!!!
"Aray!"daing ko. Parang may pumasok sa alin mata lya napakuskus ako.
"Hahahahaha talo siya!!" Tawa niya sa akin. TSk may pumasok kasi sa mata ko yan tuloy natalo ako. Pero teka??kailan kami nag-umpisa eh.
"Anong pinagsasabi mong talo ako?nababaliw ka na ba?" Ani ko sa kanya.
"Wouh!!!di ba nagpapatagalan tayo ng titig? Eh ikaw yung unang kumirap kaya talo ka!!hahaha" sagot niya
Di na lang ako sumagot at napanguso na lang ako. baliw na yata ang lalaking to eh!!
"Oh bat ganyang ang mukha mo?" Tanong niya sa akin.
"Wala kang paki alam!" pagtatampo ko sa kanya.
"Ang cute mo naman.." ani niya sabay pisil ng dalawang mahiwagang pisngi ko!!
Sino ang nagbigay pahintulot na hawakan ng lalaking to ang aking mga pisngi!?
Tinapik ko ang kanyang mga kamay na pumipisil sa akin mga pisngi at binaling ko ang tingin sa ibang direksyon.
Ilang minuto pa ang nakakalipas ay mayy dumating na namang isang lalaki. Nag-abot siya ng tig isang menu book(Di ko cgurado kung tama ba tawag dun.) At nag order na kami.
Makalipas ang ilang minuto ay may naghatid na ng mga order namin..
Kumain lang kami ng tahimik at nang matapos ay umalis din kami kaagad.
Yung akala kong ihahatid na ako sa aming bahay ay isang malaking maling akala dahil nagpunta pa kami sa isang park na malapit sa kinainan namin kaninang restaurant.
"Anong ginagawa natin dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ano na naman ba ang plinaplano ng lalaking to?
Nang makapasok kami sa park, dumeretsyo kami sa isang bench na nasa ilalim ng puno.
Umupo kami dun at namayani na naman ang katahimikan sa aming dalawa.
Kendrick POV:
Habang nakaupo kaming dalawa ni Akeem dito sa isang bench, walang nagsasalita sa aming dalawa. Tanging ang mga tawa ng mga batang lansangan ang aming naririnig.
"Akeem..." pagtawag ko sa kanya.
Napalingon naman siya sa akin at tinitigan na parang nagtatanong.
"May sasabihin sana ako sayo." ani ko at kitang kita ko sa kanyang mukha ang pagtataka...
"Pwede ba kitang ligawan?" Tanong ko sa kanya. Mas lalong lumaki ang kanyang mga mata ng sabihin ko ang mga katagang yun.
Sabi ko nga kanina na liligawan ko si Akeem para maibaling niya sa akin ang pagtingin niya kay Yesha tapos kapag napaibig ko na siya, tsaka ko siya iiwan!!
Oo na masama na kung masama pero ang gusto ko lang namang makamit ay ang babaeng nagpapatibok at nagpapasaya ng puso ko eh.
Kapag ang tao ay nagmahal, gagawin niya lahat para makuha ito kahit na ano pang paraan ang gamitin niya.
Ang pagmamahal ay may nakaakibat na sakripisyo..sa sitwasyon namin tatlo ngayon!!si Akeem ang magiging sakripisyo!!