Chapter 4

1876 Words
Chapter 4 Akeem’s Pov: Ano daw ang sinasabi ng lalaking to sa akin!? Liligawan daw nya ako?!ano to?nakasingyot ba ito ng maraming katol o talagang matindi na ang pagkaluwag ng tornilyo sa kanyang ulo!! "Nagpapatawa ka ba ha Kendrick?" Sagot ko sa kanyang sinabi kanina. Baka kasi nagpapatawa lang at gusto niya akong pagtripan eh. Isipin niyo ha! Ang isang Kendrick Villanueva? Manliligaw ng isang gwapong lalaking katulad ko? Ano to? Lukuhan! "Hindi ako nagbibiro Akeem." Seryoso niyang sabi sa akin. Hindi nababakas sa kanyang mga mukha ang pagbibiro. Parang seryoso talaga tong lalaking to pero parang may mali..parang may binabalak siyang hindi maganda. "Ano yan binabalak mo? Ngayon pa lang sinasabi ko na sayo na hindi ka magtatagumpay" Ani ko sa kanya. Kung ano man ang kademonyohan niya, sinisigurado kung hindi siya magtatagumpay. Ako pa talaga ang hinamon niya eh. Marami na akong pelikulang napanood na ganyan. "Bakit? Ganyan ba kasama ang tingin mo sa akin?." Tanong niya. "Oo!ang taong katulad mo ay hindi pinagkakatiwalaan." Mabilis kong sagot ko sa kanya. Talaga naman eh. Ang gaya ni Kendrick Villanueva ay hindi dapat pagkatiwalaan. "Kung ganun, bakit hindi mo na lang ako payagan para malaman mong walang katotohanan lahat yang bintang mo sa akin." Hamon niya sa akin na seryosong nakatingin sa aking mga mata. Hindi na lang ako sumagot sa kanya at tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko kasi alam kung ano ang iisipin ko eh. Namayani ulit ang katahimikan sa aming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko. Meron sa akin loob na parang kinikilig pero sa utak ko ay sinasabing may plano itong di maganda at pwede pa akong mapahamak. "Paano si Yesha pag nagpaligaw ako sayo? Alam mo naman na gusto ko si Yesha di ba at gagawin ko lahat para lang mapasagot siya tapos ikaw na karibal ko manliligaw ka sa akin? Tsk lukuhin mo lelong mo g*go!!" Pagbasag ko sa katahimikan sa amin. "Hindi ko nga din alam eh! Pero bigla ko na lang naramdaman ang lahat ng ito sayo. Ewan ko ba kung anong meron ka o ano ang ginawa mo sa akin. Basta na lang bumilis ang t***k ng puso ko kapag malapit ka. Sa tuwing inaaway kita mas lalo akong nahuhulog sayo. Sa mga titig mong parang gustong pumatay eh parang isang palaso na tumutoyog sa akin puso. Ang mga boses mo kapag nagagalit ka sa akin eh parang isang anghel na umaawit sa aking mga taenga.Sa tuwing naglalakad ako at nasasalubong kita eh parang lumilipad ako sa alapaap." Taimtim niyang sabi sa akin habang nakatitig sa aking mga mata. Ewan ko ba pero parang may kung anong kumikiliti sa akin. Parang may nagsasabi sa aking puso na bigyan ko siya ng pagkakataon pero ang utak ko ay nagsasabing hindi pwede kasi si Yesha ang mahal ko. Pero sa kanyang mahabang sinabi kanina, parang may kilig akong naramdaman. Pinipigil ko lang ang aking sarili para hindi mahalata. "Tsk……ewan ko sayo!!" Ang tanging sagot ko sa lahat ng kanyang sinabi. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin kung magpapasalamat ba ako o maiinis dahil alam ko naman na isang malaking laro lang itong ginagawa niya. Pero ewan ko kung bakit parang umaasa ako na totoo lahat ng kanyang sinasabi. "Pwede bang bigyan mo ako ng pagkakataon para mapatunayan ko ang aking sinasabi sayo?" Napatingin ako sa kanya dahil sa kanyang sinabi. Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang kanyang sensiridad sa lahat ng kanyang sinasabi. Ewan ko pero parang unti unti na akong naniniwala sa kanya. "Bahala ka sa buhay mo!." tanging sagot ko sa kanya. "Pwede bang ihatid mo na lang ako"dagdag ko pa sa kanya. Tumayo na kami at lumabas ng park. Tinungo ang kanyang sasakyan at inihatid niya ako dito sa bahay. Kendrick’s Pov: Nakangiti akong dumating dito sa bahay. Dumeretsyo ako dito sa kwarto ko at humiga. Di ko lubos maisip ang mga pinagsasabi ko kay Akeem kanina sa park. Ewan ko kung saan galing lahat ng sinabi ng aking bibig. Pero sa aking palagay ay naaapektuhan siya kanina sa lahat ng aking sinasabi. Kahit na hindi siya  magsalita o kinikilig pero ramdam ko ang nararamdaman niya. Itinatago lang niya ito sa akin para hindi ko mahalata. Minsan naisip ko na may pag asa akong mapagtagumpayan ang aking mga plano para mailayo siya kay Yesha. Dalawang linggo na wala ang babaeng pinag aagawan namin. Sa loob ng dalawang linggong yun ay kailangan ko siya mapa ibig at kung hindi ay mababalewala lahat ng aking nasimulan. Hindi ako papayag na masayang lang ang aking nasimulan na pagpapaibig sa kanya. Sisiguraduhin kong mapapa ibig ko siya at pag nangyari yun ay masosolo ko na si Yesha. Nasa ganun akong pag iisip ng may magsalita at tinawag ako. "Sir baba daw kayo sabi ng iyong ama." pagtawag ng isang katulong sa akin. "Tsk……ano na naman kaya kailangan ng aking ama?"tanong ko sa isip ko. Dali dali na akong nagpalit ng pambahay at pagkatapos nun ay bumaba na ako. Nakita ko ang aking ama sa may sala na umiinum ng alak habang nanonood sila ni mama ng isang korean movie. "Ano po ang kailangan niyo sa akin pa?" Tanong ko sa kanya. Uminum muna siya ng alak mula sa baso bago nagsalita. "Upo ka muna anak."utos ni papa sa akin. Umupo ako sa gilid nila ni mama at tinignan ko sila. "Gusto ko lang sabihin sayo anak na sa susunod na araw ay may pupuntahan tayong isang party " ani ni papa sa akin. Ano pa nga ba ang magagawa ko. Ako lang naman ang kasa kasama ni papa pag mga ganyang mga bagay eh. "Sige po pa..makakaasa ka." Ang sagot ko sa kanya. Tumayo na ako sa pagkakaupo at dumeretsyo sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapostkung uminom ay bumalik na muli sa aking kwarto at humiga sa kama. Akeem’s Pov: Nagising ako dahil sa sikat ng araw na dumadampi sa aking mukha.Dumilat ang aking mga mata at nakita ko ang oras.Dali dali akong bumangon at nagtungo sa banyo para maligo..Kung di pa ako gagalaw ngayon ay ma le late ako sa akin first period.Hindi kasi ako nakatulog kagabi dahil sa mga pinagsasabi ni Kendrick sa akin. Nagdadalawang isip pa rin ako kung talagang seryoso siya sa kanyang mga sinabi o isang malaking kagaguhan lang ang lahat ng yun.Habang dumadampi ang malamig na tubig sa akin katawan ay patuloy pa rin ako sa pag-iisip sa mga iyon. Paano kaya kung gamitin ko yung sinabi niya na liligawan niya ako. Oo nga noh? Kung magpapaligaw ako sa kanya, mawawala na sa isip niya si Yesha!!at kung mangyari man yun ay masosolo ko ang babaeng pinapangarap ng mga kalalakihan sa mundo. Tama nga.!!pero parang ang sama ko naman sa inisip ko! Parang magiging hindi ako patas lumaban sa kanya kung sakali. Pagkatapos koong maligo at magbihis ng uniform ko ay bumaba na ako.. Agad akong tumakbo para lumabas ng bahay pero napatigil ako ng may tumawag sa aking boses. "Akeem!!" Napalingon ako kung saan galing ang boses at nakita ko si mama na papalapit sa akin. Tinanong ko kung ano ang kanyang sadya ng makalapit siya sa akin. "Hindi ka ba muna mag-aagahan bago ka pumasok?" Tanong din ni mama sa akin. Talagang ganyan si mama sa akin, lahat ay gagawin para lang sa akin. "Ah hindi na po ma…male late na rin kasi ako eh" tanging sagot ko kay mama. Nakita ko naman na medyo nalungkot ang mukha ni mama sa aking sinabi. Siguro pinagluto pa niya ako pero malelate na talaga ako eh. "Sige pero kailangan ka daw makausap ng iyong ama." Ani ni mama sa akin na halatang may lungkot sa kanyang boses.. "Sige ma, nasan po ba si papa?" Tanong ko sa kanya. "Nasa garden siya nag-aagahan." Sagot niya sa akin. "Sige ma puntahan ko na muna saglit si papa" pagpapaalam ko. Habang naglalakad ako, hindi ko maiwasan ang magtanong sa aking sarili. Ano kaya ang sasabihin ni papa? Nalaman na kaya niya na may nililigawan akong babae o baka naman pagagalitan niya ako kasi medyo gabi na akong nakauwi kagabi? Naku!!kung yun ang dahilan, mapapatay ko ang Kendrick na yun!? Pagdating ko sa garden, nakita ko si papa na nagbabasa ng dyaryo at umiinum ng kape. Ganyan ang lahi niyang ginagawa kapag umaga. Hindi na nawawala sa kanyang routine ang magkape at nagbasa ng diyaryo. Nilapitan ko kung saan siya nakaupo. Ibinaba niya ang dyaryong binabasa niya ng mapansin niya ako sa kanyang harapan. "May sasabihin ka rraw sa akin papa." Ani ko sa kanya. Uminum muna siya ng kape bago siya magsalita. "Ah…oo dapat kagabi ko sana sasabihin sayo pero late ka  na nakauwi." Paninimula niya… "May magaganap na isang salo salo bukas ng gabi at naisip ko na kung pwede ay isasama sana kita para malaman mo at makilala mo ang mga taong makakahalubilo mo pag nag graduate ka. " dagdag pa niya. "Ah ganun po ba pa? Sige po sasama po ako sa inyo." Ang tanging sagot ko sa kanya. Wala naman akong magagawa kundi ang pumayag eh. Palagi naman niya akong sinasama ni papa kapag mayroong ganitong mga importanteng dapat puntahan. "Sige pa mauna muna ako kasi malelate na po ako sa klase ko." Pagpapaalam ko sa kanya. "Sige anak…ipapahatid na lang kita kay manong kasi di pa naaayos ang sasakyan mo" tugon niya sa akin. Hindi pa daw kasi naayos ang sasakyan ko eh kaya wala akong ibang pagpipilian kundi ang magpahatid. "Sige pa…" pagsang-ayon ko na lang sa kanyang sinabi. At umalis na ako sa garden. Paglabas ko ng bahay, hinintay ko si manong na maghahatid sa akin pero laking gulat ko ng makita ko ang lalaking dahilan ng di ko pagkatulog kagabi. "Ano!?titignan mo na lang ako oh sasakay kana?" may paksarkastikong tanong ng lalaki sa akin. Paano siya nakapasok dito?!at bakit siya nandito?!! "Anong ginagawa mo dito?!."nagtatakang tanong ko sa kanya. "Eh ano pa ba?!eh ‘di sinusundo kita..alam ko naman sira ang sasakyan mo eh." Sagot niya sa akin. Napahawak naman ako sa aking ulo dahil sa mga sinabi niya. Susunduhin daw niya ako? Ano ako? Babae? Tsk..talagang malala na yata ang saltik ng lalaking to. "Eh paano ka nakapasok dito?" Nagtatakang tanong ko sa kanya "May nagbukas ng gate niyo kanina eh!eh ‘di pinasok ko na…" pilosopo niyang sagot… Habang nakatayo ako at tinitgignan ko ang lalaki, biglang may nagsalita sa likod ko. "Ah anak...." di na niya natuloy ang sasabihin niya ng makita niya si Kendrick. "Ah nagkita na pala kayo anak…sinusundo ka ng kaibigan mo kaya pinapasok ko na lang."Dagdag pa niya. Nakita ko naming napangiti si Kendrick dahil sa sinabi ni mama sa akin. "Ano na Akeem? Malelate na tayo oh!" Pagmamadali ni Kendrick sa akin. “Sinong kasing may sabing sunduhin mo ako!? Wala naman di ba!?” Sino kasing may sabing sundughin niya ako?tapos magprereklamo siya malelate na siya? Tsk… kung ayaw niyang malate, sana hindi na siya nag-abala pang sunduhin ako. "Oh anak bilisan niyo na malelate na kayo" utos ni mama…… Wala na akong nagawa kaya sumakay nalang ako sa sasakyan niya…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD