Sanga Ng Akasya (Last Part)

2933 Words
By: Michael Juha email: getmybox@h*********m fb: Michael Juha Full blog: h***:://michaelsshadesofblue.blogspot.com -------------------------------------------------------------- Pakiramdam ko talaga sa sariliko ay simputi ng papel ang aking mukhasa sobrang pagkahiya. Naalala ko ang paghalik ko nang todo kay Marjun, bagamat natuwa at kinilig din ako na gumanti siya sa halik ko kahit nasa harap pa kami ng mga kaibigan niya. "Shockssss! Nakakahiya!" sa isip ko lang. "At ang sabi pa ni Marjun na ang galing mo daw gumawa ng kuwento na pati siya ay naaapektuhan kahit puro lalaki ang mga bidang may pag-iibigan. Hangang-hanga daw siya sa galing mo. Dahil daw sa iyo kaya nag-iba ang pananaw niya sa mga bakla." Ang sabi ni Mario. "Oo... At alam mo, Aldred, iyang si Marjun, takot iyan sa mga bakla. Muntik na kasing ma r**e iyan ng bakla noong bata pa. Kaya umiiwas iyan sa mga bakla. At kapag nagpagupit, ayaw sa mga parlor. Nagbitiw pa nga iyan ng salita na kung bakla lang daw ang makatikim sa kanya, ipaputol na lang daw niya ang kanyang t**i. Kaya laking gulat talaga namin noong nakitang gumanti siya sa pakipaglaplapan ninyo." Dugtong naman ni Ver. "At... masayang-masaya siya na naging kaibigan ka. At laging ibinibida ang mga itinuturo mo sa kanya, ang pamamasyal ninyo daw. Palagi na ngang nakangiti sa trabaho eh. Parang inspired. Kaya binibiro din namin na baka na inlove siya sa iyo. Biro lang naman iyon. Kasi ang buong akala namin ay wala talaga. Pero iyon pala, sa birthday niya din dalawa ang napa-in love..." sabay tawa ng dalawa. Hindi na ako nakasingit sa kuwentuhan ng dalawa. Nakitawa na lang ako. At sa loob-loob ko, lalo akong naawa kay Marjun. "Ang sama ko talaga!" sa isip ko lang. Babalik na naman sana sila sa kanilang trabaho noong inimbitahan ko silang mag-inuman sa apartment ko pagkatapos ng kanilang trabaho sa araw na iyon. Tuwang-tuwa naman sila. Sobrang sarap ang aking pakiramdam. Pakiramdam ko ay guman ang aking kalooban. Ang problema ko na lang ay kung paano ko susuyuin si Marjun upang bumalik siya sa trabaho at sa pagtira na rin sa bahay ko. Noong mabaling ang paningin ko sa aking laptop, bigla kong naisip ang kuwento; kung itutuloy ko pa ba ang trahedya na pagtatapos nito o ibibitin ko na lang ba kung saan tatatak sa isipan ng mga mambabasa ang isang katanungan kung ano ba ang puwedeng mangyari kina Byron at Lester. Binukasan ko ito upang ipagpatuloy na sana ang pagtipa sa huling kabanata. Ngunit ako din ang nagulat noong may karugtogn na pala ito. Marahil habang noong nasa galaan ako at hinihintay ni Marjun, naisip siguro niyang dugtungan na lang ang kuwento. Sa ilang linggong hindi pagsipot ni Byron, napagdesisyonan ni Lester na tatpusin na niya ang paghahanap kay Byron. Ngunit i-announce niya ito muli sa tulong ng media at mga paskil sa mga bulletin. At dahil may mga patuloy pa ring tumulong kay Lester, may gumawa pa rin ng billboards para dito kung saan ang dalawang mukha nila ni Lester at Byron ang nandoon at kung saan, nakasulat ang huling mensahe ni Lester para ka Byron – "Dear Byron, sa darating na Linggo na ang huli kong paghihintay sa iyo sa ilalim ng puno ng narra. Muli, manghingi ako ng tawad sa iyo sa aking mga ginawang kasalanan. Ngunit gugustuhin ko mang ipagpatuloy ang paghihintay sa iyo, wala ring mangyayari dito kung ikaw mismo ay ayaw nang buksan ang pintuan mo para sa akin. Uulitin ko, ngayon ko lang naramdaman ang ganito para sa iyo. Mahirap paniwalaan ngunit ito ang naramdaman ko. Kung alam mo lang kung paano naghirap ang kalooban ko sa pagharap sa ganitong klaseng pag-ibig. Ngayon ko naranasan ang naramdaman mo; ang paghihirap mo... sa mga pangungutya at pagtatawanan ng mga tao. Ngunit gusto kong manindigan; gusto kong ipakita sa iyo na kapag nagmahal ka, ipaglaban mo ito sa kabila ng mga masasakit na panlalait, pangungutya... Narealize ko na ang pag-ibig ay hindi kumikilala ng kasarian o pagkatao. Kapag tumibok ang puso, sapat na ito upang manindigan. Sana lang ay panindigan mo ang pagmamahal mo sa akin at siputin mo ako ngayong darating na Linggo. Patawarin mo na ako. Bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon. Isang tao lamang ako na nagkakamali. Lahat naman tayo ay nagkakamali di ba? Sa diary mo, ilang beses mong sinabing wala nang taong magmamahal pa sa iyo; na ipangkait sa iyo ng tadhana ang pagmamahal at ang taong siyang para sa iyo. Sinabi mo ring ang lahat ng mga lalaki ay manloloko, manggagamit, pianglalaruan ang iyong damdamin. Gusto kong patunayan sa iyo, sa harap ng mundo na hindi totoo iyan. Dahil nandito ako, naghihintay sa iyo. -Lester- PS. Hindi ako ang nagpost ng kopya ng diary mo sa bulletin board ng kumpanya; isang babaeng staff na nagkagusto sa akin at may itintagong galit sa iyo . Tinanggal na siya ng boss ng kumpanya at pinapabalik ka na rin. Sana babalik na tayo sa dati. Nahirapan na rin ako. Pati mga kasamahan natin sa trabaho, hinahahanap ka... At pati ang puno na itinanim ko para sa iyo, malaki na. INaalagaan ko ito para sa iyo. Alam ko, kung nakakapagsalita lamang ito, sigurado ako na ang sasabihin niya ay sana bumalik ka na..." At ang sulat na ito ni Lester ay ipina-flash sa TV at binabasa rin ng ilang mga estasyon ng radio dahil marami pa ring nag-aabang sa maaaring mangyari. At ang fanpage ni Lester sa f*******: ay umaabot na nag halos milyon na like at ang admin mismo nito ay nanawagan na pumunta uli sa central plaza sa ultimatum na ibinigay ni Lester kay Byron. At sa pagkakataong ito, ang panawagang dalhin nila ay mga seedlings o saplings ng kahit anong puno. Dumating ang araw na itinakda at muli dumagsa ang maraming taong sumuporta kay Lester. At sa pagdagsa nila, namumutiktik din ang napakaraming iba't-ibang sapling ng puno na animoy isang exhibit ito ng mga pananim. At may mga tatak pa ang karamihan dito; may nakalagay na "Byron" may "Lester", may "Lester and Byron" at ang karamihan ay may mga nakasulat na "Puno Ng Pag-ibig" At nandoon pa rin si Byron, nag-isang nakaupo sa sementong upuan na iyon. Nababalot ng pangamba, ng takot, nag pag-agamagam.... Ngunit hanggang doon na lamang ang idinugtong niya. Natamaan din ako sa mga sinasabi niya. Ang pagkakamali ni Lester, ang panghingi niya ng tawad, ang sinabi niyang "lahat tayo ay nagkakamali...". Syempre, nasa akin ang lahat ng kamalian dahil sa hindi ko man lang muna siniguro kung ako nga ba pinagpupustahan. Nagra-rush kasi ako ng judgment na base lamang sa aking narinig na hindi ko man lang kina-klaro ang totoo. At sa pagkabasa ko sa idinugtong niya, parang may malakas na nag-udyok sa aking puntahan si Marjun sa probinsya nila. Kinutuban kasi ako. Pakiramdam ko ay naghihintay siya sa akin; na ang isinulat niya sa kuwento ay hindi bilang si Lester na nasa kuwento kundi siya mismo; para sa akin ang sulat, at naghintay siya na sunduin ko. Dali-dali kong nilapitan sina Mario at Ver na nagmamasa pa rin ng semento sa harap ng kalsadang kaharap lang ng cottage kung saan ako naglalaptop. "Mario, Ver... gusto ko sanang puntahan ang bahay ni Marjun?" "Ha? Ngunit malayo iyon Aldred. May tatlong oras din ang biyahe patungo roon." "Kahit na, gusto kong puntahan siya. Tulungan niyo naman ako please..." Nagkatinginan sila. "O... sige ako na ang magpaalam sa boss natin. Sasamahan ko si Aldred. Kapitbahay ko lang kasi iyon." Ang sambit ni Mario. "Sama na rin ako..." ang pagsingit din ni Ver. Pinayagan naman sila. Malapit na rin kasi ang kanilang off kung kaya napagbigyan sila. Halos magkandaugaga kami sa pagmamadaling makapunta ng terminal. Naghahaf-bath na lang ang dalawa sa aking apartment. Pinagamit ko na lang sa kanila ang aking short at t-shirt, at hindi na lang ata sila nakapagbrief. Sa sasakyan ko na ibinunyag sa kanila ang tunay na nangyari; na ang buong akala ko ay ako ang pinagpustahan nila at dahil sa galit ko kay Marjun kung kaya nakisakay na lang ako at hinalikan siya ngunit noog makaalis na sila ay pinalayas ko naman. "Kaya naman pala eh... Kawawa naman ang pinsan ko. Napahamak tuloy sa pusta-pustahan natin." ang sabi ni Mario. "Kaya nga eh... sobrang pagsisisi ko talaga. Ambait pa naman ng pinsan mo sa akin." "Kahit kanino naman Aldred, mabait talaga ang pinsan kong iyan. Kaya maraming nagmamahal d'yan." Mag-aalas otso ng gabi noong makarating kami sa bahay nina Marjun. Wala silang koryente, kawayan at nipa lamang ang bahay nila at halos babagsak na ang bubong. Nanay niya ang nandoon, sumalubong sa amin. "Umalis kanina lang si Marjun, may 2 oras na ang lumipas. Luluwas daw siya ng syudad. Hindi ba kayo nagpang-abot?" ang sabi ng inay ni Marjun. "Hindi po eh." Ang sagot kong kinakabahan tuloy na baka nagpunta iyon ng bahay at wala ako. "Eh... kung ganoon po, aalis na lang uli kami. Baka nandoon siya sa bahay at walang tao" ang sagot ko na lang. Pinapasok pa sana kami ng nanay ni Marjun sa loob ng bahay ngunit dahil nagmamadali kami at gabi na rin, baka wala na ring masakyan kung kaya hindi na niya kami pinigilan. Alas 11 ng gabi noong makarating kami ng bahay. Halos takbuhin ko na lang ang layo galing ng bus terminal papunta ng apartment. Pakiramdam ko ay hindi na ako makapaghintay pa ng tricycle. Noong maratin naman namin ang bahay, hindi ako magkandaugaga sa pagbukas ng gate, exited na baka nandoon na sa loob si Marjun, dumaan sa may likurang pader kung saan ay puwede niyang akyatin. Ngunit wala ni anino niya ang nakita ko sa loob ng bahay. Npakatahimik nito sa loob na pati ang kurtinang wumagayway sa hangin ay hindi magawang gumagawa ng ingay. Para akong biglang naubusan ng lakas. Napaupo ako sa sofa sa sobrang lungkot. Ramdam ko naman ang pagkaawa sa akin nina Mario at Ver. "Baka nasa boarding house natin" ang sabi ni Mario "Ano naman ang gagawin niya doon? Wala na siyang tulugan doon" sagot naman ni Ver. "Baka naghintay sa atin." "Sabagay.... Sige puntahan ko baka nandoon nga. Mahirap nab aka lapain ng balahurang anak ng landlady natin!" ang pabirong sabi ni Mario upang mapatawa ako. Ngumiti lang ako bagamat sobra ang pag-alala ko para kay Marjun. "S-sana nandoon siya" ang sagot ko na lang. "Sige tol... puntahan mo. Dito lang ako, samahan ko si Aldred." Ang pagsang-ayon naman ni Ver. Noong kami na lang dalawa ang natira ni Ver. "M-mag-inuman na lang tayo, Ver... Bili ka ng maiinum natin sa labas." ang malungkot kong sabi. "O-ok ba..." Binigyan ko ng pera si Ver at lumbas ito ng bahay. Noong ako na lang mag-isa, sobrang kaba naman ang aking naramdaman. Nalala ko na naman ang idinugtong ni Marjun sa kuwento ni Lester, nag naghintay siya sa ilalim ng puno ng narra. May kung anong kakaiba akong naramdaman. Parang kaba, takot... Bigla akong napatayo at dali-daling lumabas ng bahay. Bagamat mag-aalas-dose na iyon ng hatinggabi, wala akong takot na sumakay ng tricycle. "S-sa central plaza po..." ang sabi ko sa driver. Mistulang isang ghost town ang central plaza noong nadatnan ko ito. Bagamat malamig ang simoy ng hangin, napakaaliwalas nito. At tanging ang mga alon sa dagat sa di kkalayuan ng central park ang maririnig mo habang humahampas sila sa dalampasigan. Habang binaybay ko ang maliit na sementong pathwalk, palakas ng palakas naman ang kalampag ng aking dibdib na halos nakakabingi na ito noong palapit nang palapit na ako sa mismong puno ng narra kung saan kami ko kinunan ng litrato si Marjun para sa aking libro. At kung gaano kalakas ng kalampag ng aking dibdib bago ko makita ang puno ay siya namang tindi ng pagkaawa ko sa aking nasaksihan sa sementong upuan sa ilalim nito. Si Marjun. Nakatulog siyang nakatihaya at sa ibabaw ng kanyang dibdib ay yakap-yakap niya ang kanyang bag. Sa porma niya, mistula siyang isang homeless na taong palaboy-laboy sa lansangan, nakakawa ang hitsura, madungis, naka-tsinelas... "Marjuuunnnnnnnn!!!!" ang sigaw ko habang kinalabit ko siya upang magising. "Anong ginawa mo dito?" Nagising siya at noong makita ako, binitiwan niya ang isang napakagandang ngiti. "Hinihintay kita..." ang sambit niya. "Pwes nandito na ako... Patawarin mo ako Marjun." sabay yakap sa kanya. Nagyakapan kami na parang hindi na namin masisilyan pa ang bukas. Naglapat an gaming mga labi na parang wala nang katapusan. Iyon ang pinakamatamis at pinakamahigpit na yakap na naranasan ko sa tanang buhay. Noong dumating kami ng bahay, nandoon na sina Mario at Ver. Nag-inuman kami. Kuwentuhan, kantyawan. At sa pagkakataong iyon, hindi na ako nahiya pa sa kanilang halik-halikan si Marjun. "Insan, pasensya na ha? Napahamak ka tuloy sa pustahan natin sa babaeng iyon... Buwesit talaga ang babaeng iyon." ang sabi ni Mario. "Woohhh! Busted ka lang eh." Sagot namang bito ni Marjun. "At hindi buwesit ang pustahan na iyon dahil kung hindi doon, hindi ako makatikim ng torrid na halik kay Aldred. At sa harap niyo pa! May witness!" Kinurot ko naman ang gilid ni Marjun. Tawanan. At bumalik nga sa pagtatrabaho si Marjun. Isang Linggo ng hapon, habang wala kaming parehong pasok, ipinagpatuloy ko ang pagtapos ng kuwento, sa cottage pa rin sa ilalim ng lilim ng punong acacia sa gilid ng kalsada harap ng aking apartment. Ako ang nagtype, ang mga mata ni Marjun ay nakatutok sa monitor ng computer, binantayan ang aking pagsusulat. Dumating uli ang takdang oras na binanggit ni Lester. Kabado ang lahat habang ang iba ay nagmamatyag kung may lalapit sa puno at magpakilalang siya nga si Byron. Pati ang mga tv crews at mga reporter at halata sa mga mukha nila ang excitement. Subalit, sa pangalawang pagkakataon, bigo na naman ang lahat. Walang Byron ang sumipot..." "Teka, teka... akala ko ba happy ending iyan? Bakit hindi mo pinasipot si Byron?" ang pagtutol ni Majun." "Relax ka nga lang. Masyado kang excited!" ang sagot ko naman sabay kurot sa pisngi niya na sinuklian naman niya ng mabilisang paghalik sa aking labi. Ipainagpatuloy ko ang pag-type. "Isang oras ang lumipas, dalawang oras, tatlong oras simula noong nag lapse ang nabanggit na oras ni Lester. Ngunit nanatili pa rin si Lester sa inuupuan nito bagamat pansin na ang pagtulo ng kanyang luha. Paisa-isang nagsiuwian na rin ang mga tao, kitang-kita sa kanilang mukha ang ibayong lungkot at pagkaawa kay Lester. Mag-aalas dose na ng gabi. May iiilang tao pa ring nakisimpatiya kay Lester lalo na ang isang samahan ng mga bakla at lesbian kung saan nakatulog rin mismo sa central park..Nakatulog na rin si Lester. At sa di inaasahang pagkakataon, palihim na lumapit ang isang tao, tila nagtatago sa mga tao at camera. Noong nakaapit na, ginising niya ang natutulog na si Lester. "Lester... Lester..." At noong magising si Lester, laking gulat ito noong nakita ang mukha ng taong gumising sa kanya. "Byronnnnnnnn!!!"ang sigaw niya sa sobrang tuwa. Nagising ang lahat sa lakas ng sigaw ni Lester. Biglang nag-ilaw ang nag-iisang tv crew at pati ang mga nakatulog na mga taong sumuporta kay Lester ay nagising. At dahil sa pag-ilaw ng mga camera, nasaksihan ng lahat ang kaganapang ng pagtagpo nina Byron at Lester; nakunan ang eksena kung saan masayang at sabik sa isa't-isang nagyakapan ang dalawa, nag-iyakan, nagtawanan, at naghalikan." Palakpakan ang lahat. Sigaqwan, hiyawan.Mistula itong isang celebrasyon ng bagong taon kung saan ang lahat ay nag-iingay. At sa mga taong nakasaksi, hindi naiwasan ng marami ang hindi mapaiyak sa tuwa sat paghanga sa wagas na pag-ibig na ipinamalas ni Lester. At masayang nasama sina Lester at Byron hindi lang sa kanilang tinatrabahuhang kumpanya kundi sa sa iisang partment. At ang punong itinanim ni Lester para kay Byron? Patuloy pa rin nila itong inaalagaan. At noong lumaki na, inukit ila ang kanilang dalawang pangalan sa loob ng isang hugis-puso na may nakasulat na "Lester Loves Byron Forever" Wakas. "Waaahhhh! Parang pamilyar sa akin ang eksena sa pagsulpot ni Byron at paggising niya kay Lester!!!" "May naalala ka? Sa central park din iyon di ba?" sagot ko sabay tawa. "Oo... wala nga lang reprters, TV crew at mga tao na nakasaksi..." "Di bale, kapag natapos an ang libro na ito, magkakaroon ka na rin ng maraming tagasuporta, kagaya ni Lester." Natawa na lang siya, ayaw maniwala. Natapos din ang gusali na ginawa nila ni Marjun. Maganda ito, matayog, matatag, pulido, mga katangiang hinahangad ko rin sa aming pag-iibigan na kagaya rin ng gusaling pinaghirapan, ay pinaghirapn ding buuin ni Marjun para sa aming dalawa. At kahit tapos na ang gusali, nanatiling nakatira si Marjun sa apartment ko. Tungkol naman sa libro, best seller ito. Kahit saan kaming bookstore kami magpunta para sa autograph signing, dinadagsa ang mga nagpapapirma ng autograph hindi lang sa akin kundi pati na rink ay Marjun. At base sa inaasahan ko, dummi ng dumammi ang mga fans ni Marjun na kahit sa f*******: ay mayroon siyang sariling fanpage. Paborito pa rin naming pahingahan ang cottage sa harap ng aking apartment. Doon, malamig ang simoy ng hangin, nakaka-relax ang ambiance, nakakawala ng stress at problema. At kapag ganyang kaming dalawa ay nagpapahangin doon at ini-enjoy ang aming pagiging magkasama, hindi ko maiwasang hindi maalala ang sinabi sa akin ng manghuhula tungkol sa acacia na nagbigay lilim sa cottage na iyon, "Ang puno ay may kinalaman sa iyong tagumpay at pagkabigo. Alagaan mo ang puno ng acacia na iyan. Iyan ay puno ng pag-ibig..." Napangiti na lang ako, humahangang tumingala at pinagmasdan ang mga sanga ng acacia na tila wumawagayway pa sa bawat paghampas ng hangin at nakatingin sa amin ni Marjun na ang ulo ay isinandal sa aking balikat at ang isa niyang kamay ay marahang ihinahaplos-haplos sa aking mukha... Wakas.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD