NAND DUMATING ANG kinaumagahan, pakiramdam ni Shanelle ay parang hinalukay ang kaniyang tiyan. Kaagad siyang umalis sa kama at mabilis na pumasok sa banyo na nasa loob din ng kuwartong kinalalagyan niya. Nang makapasok ay nagtungo siya sa lababo at doon sumuka. Nang matapos, nagmumog siya at pinakatitigan ang sarili sa salamin. Bakit niya ito nararamdaman? Bakit siya sumuka? Bakit parang pakiramdam niya ay matutumba siya sa kinatatayuan? Hindi niya alam ang gagawin ng mga oras na iyon at muli na namang hinalukay ang kaniyang tiyan. Mabilis siyang tumungo para sumuka. Kimapos siya ng hangin nang ini-angat niya ang ulo at muling pinakatitigan ang sariling repleksyon. Malalim ang iniisip niya hanggang sa sumingit ang nangyari sa kanila ni Elvin. Hindi niya alam kung maiinis o masusura siya