=DISCLAIMER=
©2022 I LOVE YOU, MASTER (MCS1) written by JL Dane
All rights reserved. This is a work of fiction. Names, places, businesses, characters, and incidents are either the product of the author’s imagination or are used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons living or dead, actual events or locales is purely coincidental. PIRATING CONTENT IS ILLEGAL: If this content is captured and published, the offender can be traced and will face the full extent of the legal ramifications stated by the law.
Please follow/subscribe, comment, and add this to your library.
***************
NANGINGIBABAW ang boses ni Don Manolo matapos malamang nakawala ang isang batang babae nang pumunta ang kanyang mga tauhan para patayin ang mga magulang nito ng malaki ang pagkakautang sa kanila. At ang batang babae na nasa walong taong gulang ay siyang anak na nakaligtas at nakatakas.
“Hanapin mo ang batang iyon, Davil. Ikaw lang ang alam kong makagagawa niyon. Nais kong tapusin mo na ang buhay niya bago pa tayo maisuplong.”
Napipilitang tumango ang twenty-three year old na si Davil sa utos ng kanyang ama. Sa kanilang angkan ay palaging siya ang inaasahan sa kanilang business sa halip na ang kanyang kuya Draco.
“Mukhang hindi siya papayag, papa. Ako na lamang ang gagawa,” sabi ni Draco na dalawang taon ang tanda sa kanya.
Kilala niya ang kanyang kuya, wala itong aatrasan kahit ang humarap sa kamatayan basta magawa lamang ang iuutos ng kanilang ama. Wala itong awa, walang puso kaya pagdating sa trabahong pagliligpit ay ito ang gumagawa, malinis at maayos.
Kumpara naman sa kanya na kahit paano ay may natitira pang puso na minsan ay nananaig ang awa.
Alam namin ni Davil na hindi dapat puso ang umiral lalo na sa kakaibang business nila dahilan kung bakit sila lalong yumayaman.
**************
NALAMAN ni Davil na isa sa kanilang tauhan na si Jonathan ang kumuha sa batang babae at hindi niya alam kung ano ang mas mainam. Pinabantayan niya ito kay Athan habang lumalaki.
“May naiisip akong paraan, Davil. Bakit hindi n’yo na lang siya gawing asawa pagdating ng eighteen years old niya nang wala na kayong rason pa para patayin siya?”
Napaisip si Davil sa sinabing iyon ni Athan.
“Puwede. Bantayan mo siya hanggang tumuntong siya sa edad na eighteen at iaayos natin ang papers para makasal kami.”
**************
MAKALIPAS ang sampong taon ay pa-graduate na rin sa kolehiyo si Alissandra o Alice. Para pa ring kinukurot ang kanyang puso tuwing maalala ang kanyang kabataan.
Nagpapasalamat siya kay Sir. Athan sa pagsuporta nito sa pag-aaral niya.
Nakalabas na nga siya sa school nang may sasakyang humarang sa daraanan niya. Puting van at tila pamilyar ang klase ng van na iyon.
Lakad-takbo ang ginawa ni Alice upang matakasan ang van. Hinihingal na nakahanap siya ng matataguan. Napakalakas ng kabog ng kanyang dibdib na pakiramdam niya ay lalabas iyon anumang oras o maririnig ng mga taong humahabol sa kanya.
Nanginginig ang mga kamay niya kahit ang mga tuhod na parang wala na siyang lakas upang tumayo at tumakbo.
Isinilid ni Alice ang sarili sa lumang tambakan ng mga drum.
Halos mapatili si Alice nang may biglang tumakip sa kanyang bibig.
“S-Sir. Athan…”
“Panahon na Alice.”
Nagulat na lamang siya nang takpan nito ng panyo ang bibig niya at hindi na siya nakaalma pa.
NANG magdilat ng mga mata si Alice ay natagpuan niya ang sarili na naroon pa rin sa isang tila bahay kubo. Nakahiga siya sa kahoy na three-seater. Agad siyang bumangon at tumambad sa harapan niya ang isang lalaki.
May edad na ito na parang kasing edad ni Athan. May maninipis na balbas at bigote, matangos ang ilong, maganda ang mga mata, mapilantik ang mga pilik at may makakapal na kilay.
“S-Sino ka?”
“Hi, Alice. Hindi ko akalaing ganyan ka na kaganda.”
“Sino ka sabi! Magpakilala ka! Bakit mo ako dinala rito?”
Umayos ng tayo ang lalaki na kanina ay bahagyang nakaupo upang magtama ang mga paningin nila. Umupo rin ito sa bakanteng upuan sa tapat niya. Iniangat nito ang paa at ikinawit upang dumekwatro.
“I am sure you know how to understand. I give you the world, everything you wanted. Money, luxurious life, everything. Basta ay magpapakasal ka sa akin.”
Pinandilatan niya ito ng mga mata. Sino naman ang papayag na magpakasal na lamang basta lalo na kung hindi naman niya mahal? Para itong nagbebenta ng pagkain na tila agad siyang mapapapayag na bumili.
“Ano ka, sinuswerte? Bakit naman ako magpapakasal sa taong hindi ko kilala?”
Tumayo siya at lumabas ng bahay na iyon at nagulat siya nang makitang tila nasa isa siyang isla.
“Nasaan ako? Anong ginawa mo sa akin? Bakit ako narito?” sunod-sunod na tanong niya na hindi na maintindihan ang nangyayari sa mundo.
“Marry me and you’ll live.”
“May saltik ka ba sa utak? Bakit naman kita pakakasalan?”
“Marriage is the only way for you to live.”
Natawa si Alice. Baka mayroong malaking joke ang kaklase niya. Nagtaas siya ng kilay. “No! Hindi. Ako. Magpapakasal sa iyo, clear? O gusto mong english-in ko pa. I will not marry—Ahh! Bitiwan mo ako! Ano ba, ibaba mo ako!”
Umangat siya sa buhangin nang buhatin siya nito at isampay sa balikat.
“Athan is right. It will be hard to tame you. Maybe you wanted something. You are looking for trouble, Alissandra.”
Bahagya siyang nagulat sa sinabi nito. Kahit buo niyang pangalan ay alam nito. At si Sir. Athan? Ito ba ang may pakana sa pagkaka-kidnap niya? Oo. Hindi na ito reality show. Dahil na-kidnap nga talaga siya.
Dinala siya nito pabalik sa loob ng bahay at ibinaba sa kama saka nito sinarado ang pintuan.
“T-Teka lang, anong ginagawa mo? Stop it! Bakit ka naghuhubad?”
Itinapon nito ang t-shirt sa kung saan at nagulantang ang buo niyang pagkatao nang binubuksan na nito ang zipper ng sariling pantalon. Ngayon lang din niya napansin ang naglalakihang muscles nito sa katawan at ang pandesal na abs.
“Hoy! Hindi uubra sa akin ang malaki mong kataw—”
Nandidilat ang mga mata nang dumagan ito sa ibabaw niya. “You like it rough, don’t you?”
“A-Ano? Ano bang sinasabi mo? Pakawalan mo nga ako.”
Hawak siya nito sa magkabilang braso habang naka-pin iyon sa kama. Sa sobrang lakas nito ay hindi man lamang niya magalaw ang buong katawan para makapanlaban. Nilamon nito ang buo niyang lakas.
Kahindik-hindik ang hitsura nito na talaga namang nakatatakot.
“Ipakukulong kita! Huwag mong gawin ito!”
Ngumisi ito. “Napakatapang mo. I can’t believe that Athan taking care of a tiger like you.”