Simula
Simula
Naranasan mo na bang maglibang sa mga dating site or apps?Pampalipas oras bukod sa paglalaro ng online games?Kung oo kamusta naman ang mga naging ganap sa pag-explore?Kung ako ang tatanungin nyo, yes ang sagot ko din kasi ginawa ko na din ang bagay na yan at sheyt na malagkit mga folks sari-saring nilalang ang nakasagupa ko sa dating apps.Nandyan ang half matino, mga manyak na unang video call nyo pa lang ay mapapa wow long hotdog kana agad kasi naman ang maghehello sayo agad ay ang malaking d**k! Meron din mga multo kahit hindi naman kamag-anak ni ghostbuster at ito pa hindi din mawawala ang mga pa fall at scammer. Yung tipong papaibigan ka gamit ang love bomb na mga matatamis na salita at words tapos sa huli iiwan ka sa ere at ‘yung gagawin kang sowgar mummy kahit na hindi ka pa naman mukhang mashonda para huthutan ng kung ano-ano. Oh di ba ang husay ng mga impakto! Bihira ka lang makahanap o makatagpo ng matino at totoong tao sa online world.Yung tipong mapapakanta ka nang… “Ikaw na ba si Mr. Right…The love of my life…”ganern keneme.
Anyway ako nga pala si Mabelle Jade a.k.a Belle para maikli lang at saka mas sanay akong tawagin sa nickname ko.Bente singko anyos, hindi katangkaran sa taas na 5’2 at hindi din kaputian,kakinisan dahil ang balat ko ay kayumanggi.May katamtamang pangangatawan na hindi man panlaban sa Miss Universe ay pwede naman ilaban sa wrestling at bardagulan! Joke lang mga folks.Hindi naman sa mataba ako kundi sadya lang malusog at sexy este siksik pala.Bahala na kayo mag-isip kung anong itsura ko basta ang mahalaga ay importante mukhang tao pa din ako at may appeal din akong taglay, yun nga lang medyo tagilid kasi madalas sa mga manyak pa nadadale. Di bale sana kung papasa sa kategorya ng pagiging sowgar daddy ang mangmamanyak, yung tipong matikas, gwapo, yummy na may abs not tabs at syempre amoy dolyares kaso hindi eh. Bukod sa amoy kulob na butete na nga ay malapit ng sunduin ni kamatayan!
Sinusubukan ko lang naman maghanap ng totoong pag-ibig pero mukhang malas lang talaga ako at may balat sa pwet kaliwa’t-kanan kahit wala naman talaga. Pero hindi mo talaga masasabi kung kailan magbibiro ang tadhana sa buhay natin noh, dahil kung kailan may makatagpo na ako ay saka naman naging komplikado.
Pag-ibig na hindi mo alam kung hanggang saan mo kakayanin na dalhin at panindigan.
Pag-ibig na hindi mo alam kung saan ka ba dapat lumugar sa buhay ng isang tao, lalo na kung sobrang hulog na hulog kana sa kanya!