PROLOGUE
He is looking now at Bea, who is happily talking to his cousin, Timothy. Napahigpit ang kapit niya sa hawak niyang wine glass. She is busy having her happiness around, while he is here now in this corner. Agonizing the pain he has inside.
Bea has changed a lot, from her physique to just the way she is. Ibang-iba na ito sa dalagita na nakilala niya dati. Iyong masungit, kikay, at sweet. She is now a grown-up woman. Very beautiful, sophisticated, and over bagging with confidence.
"Hey! Isaac, come over here and let's enjoy!" Tawag ni Dean sa kaniya nang makita siya nito sa isang sulok. Itinaas lang niya ang kaniyang wine glass kay Dean, tanda na okay lang siya kung nasaan siya.
Kasal ngayon ni Nathan at ni Amara. Lumipad na ang dalawa kanina para sa kanilang honeymoon. At sila naman ay naiwan doon sa venue. At nang umalis na ang mga bisita ay nagkakayayaan sila na ituloy ang kasayahan nila rito sa Hotel El Contreras, na nandito mismo sa loob ng farm ng mga Contreras. Silang magpipinsan at ang magpipinsan na Contreras din at ang mga taga Underground Armored ang naririto ngayon sa function hall ng hotel na ito.
Kanina pa siya nakamasid kay Bea, but she didn't even bother to take a glanced in his way, even for just a second. Para itong diri na diri sa kaniya na matingnan lamang siya nito ay masusuka na ito. He is feeling betrayed right now. Parang gusto niyang lapitan si Timothy at pagbubugbugin iyon hangga't mawalan ito ng buhay. But that would be insanity. Nakakahiya na ang nakaraan niya at ayaw na niya ngayong maranasan ang kahihiyan na 'di na niya kakayanin pang maranasan.
"Hey, handsome. Don't just sit there and look blankly. Maganda ang tugtog. Come and let's have fun!" Muntik pa niyang mabitawan ang hawak niyang kopita nang hilahin siya ng babae.
Tiningnan niya ito. She seductively smiles at him. Napangiti na rin siya nang makita niya ang mapuputi at makinis nitong mga hita sa ikli ng suot nitong bestida. Siya pala si Karen Smith. Half Filipina-American. Isa itong modelo na kinuha ng mga Contreras na isa sa mga endorser ng hotel nila, kung bakit ito nandito ngayon. Matagal na itong nagpapapansin sa kaniya pero iniignora lamang niya ito. In other word, hindi niya ito type. Pero dahil medyo mainit ang ulo niya ngayon ay papansinin na niya ito ngayon.
"Sure, why not!" Sabi niya sabay tayo. Sakto naman na nakita niya sa sulok ng mga mata niya na napatingin si Bea for the first time sa kaniya, kaagad niyang hinapit ang maliit na beywang ng babae at inakay ito sa gitna ng dance floor.
"Thanks for not ignoring me tonight, Isaac Hendrick Castillo." Naramdaman na lamang niya ang mainit nitong dila sa kaniyang leeg and he cursed secretly dahil sa ginawa na 'yon ng babae. She is wild and shameless.
"You deserve to book a room with that lady tonight, dear brother." Hindi niya napansin ang paglapit ng kapatid niyang si Adam sa kaniya. Nanunukso itong bumulong sa kaniya. Itinulak pa nito ang likod niya bagay na napadikit pa lalo ang katawan niya sa babae. Tumawa naman ito na parang natuwa pa sa pagkakadikit ng mga katawan nila.
"Slow down, Mr. dream boy!" Napahagikgik naman ito at biglang hinila ang ulo niya at mapusok na hinalikan ang mga labi niya.
Sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita niya na nakatingin sa kanila si Bea, at kitang-kita niya kung paano itong matigilan sa pakipag-usap nito sa pinsan niyang si Timothy. He grabbed the chance that she is paying him attention. Gumanti siya ng halik kay Karen, at narinig niya ang malakas na hiyawan ng mga pinsan niya dahil sa ginawa niya. Pero mas malakas ang boses ng Kuya Adam niya.
"He is my Brother!" Sigaw nito na ikinatawa pa lalo ng ilang nandoon.
"Matitibag na ang yelo sa 'yo ngayong gabi, Isaac!" Kantiyaw sa kaniya ni Dash na talagang umiinom na ito sa bote ng alak. Alam niyang may tama na ito dahil kanina pa niya nakikita na ilang bote na ng alak ang natungga nito.
"Kill your loneliness tonight, Isaac!" Sumabat din ang pinsan niyang si Mayor Corvette. Nakaupo na ito sa ibabaw ng mesa. Ang function hall ng hotel ay nagmumukha ng bar ng Kuya Adam niya dahil sa may mga tama na halos lahat ang nandoon. Ang mga asawa naman ng mga Contreras ay inihatid na nila kanina kaya malaya na rin silang nagsasaya.
Binitiwan niya ang babae nang makita niyang mabilis na lumakad palayo si Bea sa lugar na 'yon. He will go after her at wala na siyang pakialam pa kay Karen.
"Where are you going?" Pahabol na tanong sa kaniya ni Luke, pero hindi niya ito pinansin nang makita niya ang mabilis na paglakad ni Bea sa hallway.
"Bitiwan mo ako!" Asik nito sa kaniya nang maabutan niya ito at mahawakan niya ang isang braso nito. Pero hindi niya ito binibitiwan kahit na nagpupumiglas pa ito. Nang humarap ito sa kaniya ay parang binuhusan siya ng malamig na tubig nang makita niya ang butil ng luha sa pisngi nito. Parang nawala rin ang pagkahilo na nararamdaman niya kanina dulot ng alak.
"Let's talk." For the first time na naghiwalay sila nito bilang mag-asawa ay ngayon lang niya lalakasan ang kaniyang loob na kausapin ito.
"You at least have a little decency. Kung hindi man lang para sa sarili mo inisip mo man lang sana ang kahihiyan na mararamdaman ko habang naglalandi ka sa harapan ko. Wala akong pakialam sa buhay mo, Isaac, but please, be discreet sa kahalayan mo." Pilit nitong binabawi sa kaniya ang isang braso nito. Maagap niyang hinawakan ang dalawang balikat nito at isinandal ito sa pader.
"It's not my intention to do it, Princess. Kung nakatingin ka sana sa akin ay nakita mo, na ang babaeng 'yon ang unang humalik sa 'kin." Ibinaba niya nang konti ang mukha niya sa mukha nito para magpantay ang mga ulo nila. And he is f*****g mad when his eyes landed on her lips. Parang biglang gusto niya itong kabigin at halikan sa mga labi. He is the only one who knew how much he missed that soft and sweet lips of her.
"Ilang beses ko bang sabihin sa 'yo na wala nga akong pakialam?! Just wait for me to send you our annulment paper. Ipapagawa ko 'yon kay Atty., and if our marriage will be null and void, you can do everything you want in life, Mr. Isaac Hendrick Castillo. At aasahan mo na hindi na rin ako makikialam kahit na ilang babae pa ang kakalantariin mo sa harap ko. Just please give me enough time to fix it. Just a little more time, Isaac, hindi mo na ba talaga mahihintay pa 'yon?" Halos madurog ang kamao ni Isaac na nakakuyom nang marinig niya ang sinabing iyon sa kaniya ng asawa niya.
Yes, she is still his wife. They married three years ago. Ang pagsasama nila sa iisang bubong ay nagtagal lang ng halos tatlong buwan. They separated in not good terms, or no closure. Isang araw ay umuwi na lamang siya sa kanilang bahay na wala na ito roon pati na ang lahat ng mga gamit nito. Wala rin ito sa condo nito o sa bahay ng mga magulang nito. He tried all his best to find her, pero hindi niya ito nakita. Totoo nga ang sinasabi ng iba na mahirap hanapin ang isang tao na ayaw magpahanap. Hanggang sa nawalan na lamang siya ng pag-asa na mahanap pa niya ito.
And just last year, he found out something that ignites his anger. Nalaman niya na mag-on na ito at ang pinsan niyang si Brent Timothy, at si Bea. Halos magpatayan sila ni Timothy nang malaman niya ang bagay na 'yon, pero wala pa ring nagbago sa katotohanan na sa simula pala ay si Tim na ang mahal nito. Now, who's talking betrayal? As if siya ang masama. As if siya ang may kasalanan sa lahat. He tried to save their marriage, though he knew that the foundation of it was too shaky and not strong, dahil alam niya na wala itong konting pag-ibig para sa kaniya.
"You are referring that to yourself. You are talking decency, while you don't have it with you? Do you think it wasn't shame on me that my wife is busy chatting to her lover right under my nose. And you don't even given me a little humiliation with your affair with Timothy my cousin, your lover!" He could almost hear his own teeth gritted with so much anger nang maalala niya ang relasyon nito kay Tim.
"You don't know what are you talking about. And don't accuse me, dahil nakikita mo lang kung ano ang alam mong mali ko, hindi ang pagkakamali mo. Let me remind you, ikaw ang gumawa ng rason why we tied with this s**t kind of marriage! Hindi natin pareho gusto ang isa't-isa at wala ring pagmamahal sa pagitan natin!" Madiin din ang bawat salita nito.
"And how can you define your 'I love you, Isaac' during our lovemaking when we both full filling the duty of a husband and wife after our marriage?" Idiniin niya talaga ang salita ng pagpapaalala niya rito sa nakaraan. At kitang-kita niya sa kung paanong kumalat ang pamumula sa buong mukha nito. He smiled at her with so much disgust.
"T-That was... T-That was because of delight dulot ng sinasabi mong l-lovemaking. And do you called it lovemaking while that was actually a good s*x?" Matapang siya nitong hinarap at parang pumutok ang ulo niya sa matinding galit. How could she call it a good s*x while that moment was so magical for the both of them?!
"Send me a copy of an annulment paper and I will tear it. Pupunitin ko iyon nang paulit-ulit kapag binigyan mo ako n'on nang paulit-ulit din. I will tell you now, hindi ako pipirma sa annulment na gusto mong mangyari. And take my words so carefully, you are still my wife. And you always will, Freya Beatrice Contreras Castillo! You will bear my name forever!" Iyon lang at binitiwan na niya ito. Mabilis siyang lumakad palabas sa hotel na iyon. Kung saan siya pupunta ay hindi niya alam.