Takasan

1755 Words

Natigilan ako nang makapasok sa apartment at muling naamoy na naman ang pamilyar na amoy ng pabango ng lalaki sa loob ng kwarto ko. Walang pagdadalawang isip na tumuloy ako sa banyo at agad na napasinghap nang nakitang wala na halos natira sa mga underwears na nakasampay doon! “Shìt…” mahinang mura ko. Hindi ako makapaniwalang kahit may araw pa ay nagawa pa rin ng kung sinong magnanakaw na iyon ang pumasok sa loob ng apartment para magnakaw ng underwear! Napaatras ako sa takot at agad na nakalimutan ang dahilan kung bakit ako pumunta ngayon dito. Sa pag-atras ko ay bumangga ako sa kung sino kaya agad na napatili ako at itutulak na sana ang kung sinong nasa likuran ko kung hindi lang siya agad na nagsalita at nagpakilala. “It’s me, Jared. What happened? Bakit mukhang takot na takot ka?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD