Kuya

1826 Words

Nang matapos ang ginagawa namin ni Arnold ay pinauna na kaming umuwi ni Jace. Pero sa mga tingin n’ya sa akin ay mukhang may gusto pa s’yang sabihin kaya bago kami umalis ni Arnold ay nilapitan ko pa s’ya para magtanong. “May sasabihin ka ba?” lakas loob na tanong ko na. Isa pa ay gusto ko rin s’yang makausap tungkol sa aksidente na pagkikita namin kanina ng kapatid n’ya kanina. Nakita kong napatingin sa akin ang mga tauhan n’ya na hindi ko alam kung bakit bumalik kanina. Dumukot s’ya ng kung ano sa bulsa at ilang sandali lang ay nilabas na n’ya ang phone n’ya at inabot sa akin. Nagtatakang napatingin ako doon bago nag-angat ng tingin sa kanya. “Anong gagawin ko dito sa phone mo?” tanong ko. “Type your number,” utos n’ya kaya maang na napatitig ako sa kanya. Tumaas ang kilay n’ya sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD