Kahit ilang beses niyang i-deny sa sarili. Masakit pa rin para kay Seb ang kinahantungan ng pag-iibigang meron sila ni David noon. Ang akala niya ay sila na talaga ang para sa isa't isa kahit bata pa lang sila.
Akala niya ay faithful ang kanyang nobyo. Pero nagkamali siya. Dahil isa lang pala itong test sa buhay niya. A test that can break his heart.
Wala na siyang magagawa pa. Tapos na. Hindi na niya maibabalik pa ang nakaraan. Parte na lang siya ng alaala at ng isang leksyon ng nakaraan.
May mga bagay pa siyang dapat pagtuunan ng pansin. Tulad ng-kung saan siya tutuloy ngayon? Babalik na lang ba siya sa mansion? Ibaba niya na lang ba ang pride niya?
---
Nagpalipas muna siya ng buong magdamag sa isang five star hotel. Ginamit niya ang perang ipon.
Kinabukasan ay napagdesisyunan ng magcheck-out ni Seb sa hotel. Ang desisyon niya? Hinding hindi na siya babalik pa sa impyernong mansion na 'yun. Para saan pa kung lagi naman niyang nararamdaman na hindi siya tanggap ng pamilya. Kung tutuusin ay alam naman niya ang lugar sa loob ng pamamahay nila. Isa lang siyang hamak na ampon. Mas masakit nga lang dahil ipinamukha pa sa kanya ito ng papa niya.
Hindi rin niya maalala kung anong puno't dulo ng hindi nila pagkakasundo ng kapatid niya. Sa tagal na rin ng panahon. Nakalimutan na niya. Siguro ay pinaglipasan na ng panahon.
Ang daddy niya ang kaisa-isang taong nakakaunawa sa kanya. Dito niya mas nararamdaman na tanggap siya bilang anak. Pero hindi naman niya palaging kasama ito, dahil busy sa trabaho.
Hindi naman niya maaasahan ang mga kasama sa banda. Dahil siguradong pagtatawanan lang siya nito dahil sa kadramahan niya sa buhay. Ang mas masakit, lalong pinatunayan ng mga ito ang pagiging hindi maaasahan. Binaliwala lang ang paghingi niya ng tulong.
Wala siyang mapaglabasan ng sama ng loob. Kaya mas maigi na solohin na lang niya kaysa humingi ng tulong sa mga taong hindi naman siya maiintindihan.
Napabuntong hininga si Seb habang naghihintay ng bus pa-Maynila. Sa totoo lang, hindi niya alam kung saan siya pupunta. Bahala na. Magbabakasakali na lang siya.
Init na init siya habang nakapila para bumili ng ticket. Hindi siya sanay sa ganitong temperatura. Pa'no ba naman... lumaki siya na sanay na naka-aircon. Sanay rin siya na laging nakakotse. Hindi rin siya sigurado kung safe ba sa lugar na ito dahil wala man lang siya nakikitang guard o pulis sa paligid.
Sa madaling salita, first time niya mag-commute.
Biglang nag-ring ang cellphone ng binata. Itinapon niya sa tabi ang hawak-hawak na palamig. Hindi niya nagustuhan ang lasa nito. Bukod sa matabang ito, hindi siya sigurado kung safe bang inumin. Dinukot niya ang iPhone 6 sa bulsa. Nang sasagutin niya ito ay may bigla na lang humablot ng cellphone niya.
Nagulat siya sa bilis ng pangyayari sa pila. Agad siyang umalis ng pila para habulin ang snatcher pero mabilis itong nawala. Nagpaikot-ikot na siya sa buong terminal at sa mga kalapit na pwedeng puntahan nito. Wala na. Wala na talaga siyang cellphone.
Sa una ay hindi siya nanghihinayang. Maya-maya lang-a split of reality hits him. Wala na siyang pamalit sa nanakaw na cellphone.
Kailangan niyang magtipid. Tipirin ang pera para sa pamasahe, pagkain at matutuluyan.
Bumalik ulit siya sa pila. Nanlumo lang siya sa nakita dahil lalong humaba ang pila at halos nagkukumahog na ang lahat. Pagabi na kasi.
Nang may papalapit na bus. Agad siyang sumampa at hindi na niya pinansin ang reklamo ng ibang mga nakapila. Kailangan niyang makapunta agad ng Maynila dahil ayaw niyang abutan ng gabi.
Nilibot niya ang paningin sa loob ng bus. Wala siyang maupuan. Halos lahat kasi ng pasahero ay nakatayo na. So, no choice talaga na tumayo.
Pumwesto siya sa pinakalikod ng bus habang nakatayo. Maya-maya lang ay may umakyat na kundoktor. Isa-isa na nitong kinokolekta ang ticket ng bawat pasahero. Kinabahan siya bigla. Bukod sa first time niya sa public bus vehicle, wala pa siyang biniling ticket. Pwede siyang pababain ng kondutor at sumakay na lang sa next trip.
Nagpalinga-linga siya sa gilid. Nakita niya ang isang lalaking nakatayo rin malapit sa kanya. Siguro ay mga nasa mid-20's na ito. "Brad, may kasama ka ba?"
Napalingon ito sa kanya at saka umiling. Nagtaka bigla ang lalaki. "Bakit?"
"Brad, baka pwede kong bilhin 'yang ticket mo."
"Seryoso ka?"
Tumango si Seb. "Sige na brad, kailangan ko kasing makauwi ng Maynila. Malala na ang sakit ng tatay ko. Sabi ng tita ko sa Maynila ay malapit ng malagutan ng hininga si tatay, kaya pinapupunta niya kaming mga anak niya. Para sa huling sandali ay makita niya kami ng mga kapatid ko." Pagsisinungaling niya. "Please?"
Sana ay maaawa ito sa kanya dahil palapit na ng palapit ang konduktor sa pwesto niya. Limang tao na lang ang hindi nito nakukuhaan ng ticket, at kasama siya. Kailangan magmadali.
"Naku pasensya na. Kailangan ko na rin kasing makauwi eh. Bumili ka na lang ng ticket."
"500." He bargained.
"Ha?"
"1,000. Sige na brad, bilhin ko na."
"Kung ako sa'yo bibili na lang ako sa baba."
Dumukot siya sa wallet. "Fine. Three thousand pesos siguro pwede na 'yan."
Nanlaki ang mata ng lalaki at na ngiti. Ibinigay ng lalaki ang hawak na ticket kay Seb. "Ito oh. Mabuti na lang din at cute ka." Kumindat ito sa kanya bago bumaba. "Ingat."
'Bading si kuya?' natawa siya bigla sa isip.
That the time, natuwa siya dahil successful ang plano niya na magkaroon ng ticket. May pera pa naman siya sa ATM at credit cards niya. Magwi-withdraw na lang siya pagdating ng Maynila.
Maya-maya lang ay dumating na ang konduktor sa pwesto niya at kinuha ba ang ticket niya. Ramdam na rin niya ang gutom. Nakalimutan kasi niyang bumili ng pagkain dahil sa kamamadali.
Worth it ang paghihintay.
---
Ilang oras na siyang nakatayo pero wala pa ring nagsisibaba.
"Mga bababa d'yan! May bababa. Pumwesto na lang sa pinto!" sigaw ng kundoktor.
May tumayo sa bandang likod niya at pumunta ito sa pinto. Agad na umupo si Seb sa inalisan ng babae. Kanina pa ngawit ang mga binti niya katatayo. Umupo siya ng komportable at maya-maya ay nakatulog na siya.
---
Nagising si Seb dahil sa ingay ng mga nagbababaang mga pasahero. Nasa Maynila na siya panigurado. Wala siyang mga bagahe tulad ng ibang mga pasahero kaya madali na lang para sa kanya ang bumaba. Medyo siksikan nga lang.
First time niya lang makarating sa lugar ng mag-isa. Kahit na kailan ay hindi pa sila napapasyal dito. Kung mamamasyal naman sila ay laging sa probinsya lang o kaya naman ay sa ibang bansa. Ayaw kasi ng papa Xander niya. Masyado na raw polluted ang lugar.
Naghanap muna siya ng convenience store para bumili ng makakain niya. Mas prefer sana niyang kumain sa restaurant kaso hindi naman niya alam ang pasikot-sikot sa lugar. Bumili siya ng pagkain na nakalagay na sa bento box.
Naisip bigla ni Seb ang daddy niya. Kakamustahin niya sana dahil miss na niya ito. Nang maalala niya na wala na pala siyang cellphone.
Daddy's boy talaga siya. Ini-spoiled kasi siya ni Nyle sa mga bagay na gusto niya. Maging ang atensyon nito ay nakukuha niya. Seb is so lucky to have a dad like his. Pero ngayon-malungkot dahil hindi niya ito kasama.
Binayaran niya ang kinain gamit ang credit card. Alam niyang dapat hinay-hinay lang sa pagsa-swipe dahil baka umabot ito sa limit.
Nag-abang naman si Seb ng taxi para magpahatid sa isang hotel. Wala naman kasi siyang alam na pwedeng tuluyan sa Maynila.
Habang nasa biyahe ay biglang pumasok ulit sa isip ang pamilya niya. Ano na kayang ginagawa nila? Ayos lang kaya ang mga ito kahit wala siya? O baka nga nagse-celebrate na ang mga ito dahil sa pag-alis niya (lalo na si Xander).
Basta. Hindi niya pinagsisisihan ang pag-alis lalo na kung gano'n pa rin ang sitwasyon sa mansion.
Naihatid na siya sa hotel na tutuluyan niya pansamantala. Alam niyang hindi siya pwedeng magtagal dito dahil paniguradong mauubos agad ang pera niya.
---
"Welcome Sir!" bati sa kanya ng magandang babae sa front desk. Maputi ito at chinita ang itsura.
"Miss, room for one."
Agad na nag-asikaso ang babae. Maya-maya lang ay binigay na sa kanya ang susi ng kwarto. "Credit card or cash?" tanong nito.
Iniabot niya ang credit card then the lady swipe it into the machine.
Kumunot ang noo ng babae. "Sir naka-freeze po."
"What?!" Gulat na gulat si Seb sa sinabi ng babae. Paanong na-freeze eh kagagamit niya lang nito kanina. "Try this one."
"Freeze din po."
Hinalungkat niya ang wallet para ibigay ang huling credit card na meron siya. Iniabot niya ang card.
"Sir naka-freeze din. Pwede niyo naman pong i-cash na lang."
Sinilip niya ang laman ng wallet. ATM card at cash na lang ang meron siya. Nakapanlulumo ang ganitong scenario para kay Seb.
Iniabot niya ang bayad sabay alis sa harap ng front desk.
Paano na siya ngayon? Saan naman siya hahagilap ng pera? Mukhang dito magsisimula ang cashless life niya.
Ibinagsak niya ang sarili sa malambot na kama. Inilibot ni Seb ang paningin sa buong kwarto. Iniisip niya kung anong susunod niyang gagawin. E, kung humanap na lang kaya siya ng mas mura tulad ng apartment. No. Hindi niya alam kung makakaya niyang tumira sa isang maliit at masikip na kwarto.
He have no choice. Kailangan niyang humanap ng trabaho para mabuhay. Dahil sa sitwasyon niya ngayon, sarili lang niya ang maaasahan.
Kailangan na niyang tumayo sa sariling paa. Wish him luck.