Pumunta siya sa bahay nina Laxus. Naabutan niya itong nagbabasa ng napakakapal na libro. Siya na mismo ang inaantok para sa kaibigan. Hindi niya matatagalan magbasa ng ganun katagal.
"Hindi ka ba bro inaantok sa pagbabasa? Kung ako nyan, siguro baka nakatulugan ko na 'yan." sinabayan niya ng pagtawa.
"Hindi. Dito naman ako masaya eh." sagot ni Laxus. Mukhang ayaw niya 'yatang magpa-istorbo. "Ano palang sadya mo?"
"Ahh... ehhh"
"Ano?"
"Ano kasi... p-pwede bang dito muna ko tumuloy? Don't worry may share naman ako."
Sinarado ni Laxus ang libro ng hindi tumitingin sa kanya. "Bakit?"
"Lumayas kasi ako sa 'min. Nagkaroon lang ng konting tampuhan. Konti lang naman. You know? Kaya ayun... nagalit si Papa. So pwede ba bro dito muna ako sa inyo?"
Lumingon si Laxus sa kanya. "Didiretsuhin na kita bro, sa katunayan niyan alam ko naman ang sadya mo dito eh. Bago ka pa nakarating dito ay tinawagan kami nila Mommy kanina ng Papa mo. Sinabihan kami na 'wag ka raw namin patuluyin dito sa bahay if in case na pumunta ka.
Nagbanta siya na tatanggalin sa trabaho si Daddy kapag sumuyaw kami sa kanya. Sorry bro ah. Trabaho kasi ni Daddy nakasalalay dito."
Hindi makapaniwala si Seb sa narinig. Hanggan ngayon, kahit wala na siya sa mansion ay kontrolado pa rin siya ng Papa niya.
"Sige bro alis na ko." Umalis si Seb ng hindi nililingon ang kaibigan.
Lalong kumulo ang dugo niya para sa ama niya. Hindi talaga siya nagkamali ng desisyon na umalis sa bahay na 'yun. Lalo tuloy pinatutunayan na masamang tao talaga si Xander. Kayang-kaya niya kontrolin ang mga tao sa paligid niya.
Wala kang puso!, giit niya dahil sa sobrang galit.
---
Ang kaninang maaliwalas na panahon, ngayon ay napalitan ng napakalakas na ulan.
Nagpalipas muna siya ng oras sa Starbucks habang hinihintay tumila ang ulan. Nakapwesto siya katabi ng glass wall. Alas otso na ng gabi. Kitang kita niya mula sa ilaw ng streetlights, kung paano magsitakbuhan ang mga tao para lang makahanap ng masisilungan. Nang maisip niyang tawagan ang isa pang kaibigan.
Nakakatatlong dial na siya nang sagutin nito ang kanyang tawag.
"Hello bro nasaan ka?" Rinig niya ang ingay sa background nito. Malakas na tugtog at sigawan ng mga tao. "Hello?!"
"Sino 'to?" Boses lasing na sagot ni Harvey. "Seb?"
"P're nasaan ka ba? Tulungan mo naman ako. Lumayas kasi ako sa amin eh."
"Ano?! Hindi kita marinig?" Lalong lumakas ang background music. Croaky na rin ang boses nito. "Mamaya na lang."
"Wait! Nasaan ka ba? Puntahan na lang kita dyan-" Biglang na putol ang linya ng usapan nila. Sinubukan ulit niyang idial ang number nito pero wala ng sumasagot.
Wrong timing. Nambababae na naman ang kaibigan niya. Nagsasaya ito habang siya naman ay namomorblema kung saan siya tutuloy. Ngayon niya kailangan ang tulong ng mga kaibigan pero mukhang hindi naman niya ito maasahan.
Lugmok na lugmok si Seb habang umiinom ng kape.
May isa pang taong pumasok sa isip niya pero nag-aalangan siyang tawagan ito. Hindi kasi siya komportable sa presensya nito. Kahit na sabihin na magkaibigan sila-awkward pa rin pagdating sa kanya.
Pero no choice na siya. Kailangan niya ng tutulong sa kanya.
"Hello David?"
Walang sumasagot sa kabilang linya. Handa na sana niyang ibaba ng may marinig siyang boses. "Yes Seb."
"Nasaan ka ngayon?"
---
Namalayan na lang niya ang sarili na naka-upo na siya sa sofa ng bahay nila David. Maganda at malaki ang bahay, intricate ang interior design nito na western style. Pero 'di hamak na mas magara at malaki ang mansion nila Seb.
Napalingon si Seb sa papalapit na si David habang may hawak itong dalawang sandwich at orange juice. Nakangiti na naman ito sa kanya.
Inilapag ang dalahin sa center table. "Meryenda sa gabi?"
Tango lang ang naging sagot niya. Imbis na sa katapat ito umupo ay sa tabi niya ito naglagi. Ngiting ngiti ito sa kanya. Parang nakararamdam si Seb ng kakaiba.
"Bakit na pa dalaw ka? Na-miss mo ba ko?" sabay halik sa pisngi niya.
Hindi na nagulat si Seb sa ginawa nito. Dahil alam naman niya ang kilos nito pagdating sa kanya. Nagsimula ang lahat noong first year highschool siya.
Silang dalawa ni David ang unang naging magkaibigan. Pumasok sila sa iisang eskwelahan dahil ayaw nilang mawalay ang isa't isa. Sabay silang pumapasok at sabay din silang umuuwi. Palagay ang loob nila sa isa't isa hanggang lumalim ang pagkakaibigang iyon.
Naging magkareslasyon silang dalawa ni David, bilang mag-boyfriend. Hindi alam ng barkada ang tungkol dito.
Sweet at maalagang boyfriend si David, lagi siya nitong pinadadalhan ng kung anu-ano. Minsan nararamdaman ni Seb na para na siyang tinatratong parang babae. Which is ayaw niya ng ganun. Pero dahil mahal niya si David kaya hinahayaan niya na lang.
Kaya naman, siya ang submissive partner at si David ang dominant. Kahit sa s*x, si Seb ang laging bottom sa t'wing magtatalik sila. Gusto niya kasing mapasaya ang nobyo at suklian ang lahat ng ginagawa nito para sa kanya. Si David rin ang naging superhero ng buhay niya.
Ngunit nagbago ang lahat. Nang minsang mahuli niya ang nobyo na may katalik itong iba sa loob ng mismong kwarto nito. Balak sana niyang surprisahin si David dahil monthsary nila noon pero siya ang mas nasurpresa. Ilang araw niyang hindi pinansin ang paghingi nito ng tawad. Mapa-text, tawag, maging ang pagbisita nito sa mansion nila.
Pero dahil mahal niya talaga ang nobyo ay pinatawad niya ito. Mas nag-effort si David sa mga sumunod na araw. Kung baga, bumabawi ito sa kanya.
Nagbakasyon noon ang pamilya ni Seb sa rest house nila sa Batangas ng isang linggo. Ayaw niya sanang sumama noon dahil mami-miss niya si David pero hindi siya pinayagan ng Daddy niya. Family bonding kasi nila 'yun.
Pagkalipas ng isang linggo ay umuwi na si Seb at dumiretso agad ito sa bahay ng boyfriend niya. Pero wala siyang David na naabutan. Hinintay niya ito hanggang makauwi ng bahay. Inabot na siya ng gabi sa kahihintay.
Maya-maya ay bumukas ang pinto at iniluwa nito si David na lasing na lasing pero ang mas ikinagulat niya ay may kasama itong lalaki habang walang tigil itong humahalik sa nobyo niya. Hindi kinaya ni Seb ang nakikita kaya't agad siyang lumabas ng bahay.
Ilang linggo hindi pinansin ni Seb ang ginawang panunuyo ni David. Kahit na gustong gusto na niyang patawarin ang nobyo ay hindi niya ginawa.
Para saan pa? Para maulit na naman ang pangloloko sa kanya. Maulit na naman ang pagtatalo nila. Parang sugat lang naging relasyon nila, gagaling tapos ay masusugatan ulit. Paulit-ulit na nilalagyan ng alcohol.
Sawang-sawa na siya sa ganoong set-up ng relasyon nila. Hindi na nagbago si David. So, mas magandang gawin ay tapusin na ang meron sila.
---
Agad na bumalik ang wisyo ni Seb ng maramdaman niya ang labi ni David sa labi niya. Pero hindi na ito tulad ng dati na matamis at may kilig. Para sa kanya, normal na dampian ng labi na lang.
"Ano ba?!" itinulak niya si David.
"Pakipot ka pa rin hanggang ngayon." sabay ngisi nito sa kanya.
"Aalis na lang ako." Tumayo siya pero naging mabilis ang paghawak sa kanya ni David. Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa hita ng dating nobyo.
Nginitian siya nito. "Sabi na nga ba at sa akin ka pa rin babagsak."
"Gumising ka na sa katotohanan, David. Kung anong meron tayo noon, wala na 'yun ngayon." Tumayo siya mula sa pagkakahiga.
"Pwede na naman tayong magsimula ulit, 'di ba?"
"Wag ka nang umasa, pwede rin ba?" sarkastikong sagot niya. "Aalis na ko."
"At saan ka pupunta? Uuwi ka? Alam ko ng nangyari, Seb. Pinalayas ka sa inyo. Dapat nga hindi na kita pinatuloy dito. Pero wala eh, miss na kasi kita." Tiningnan siya nito na parang handa ng manlapa ng tao. "Lalo na ng katawan ko."
Nanlaki ang mata niya. "Libog mo!"
Niyakap naman siya nito at hinalikan sa leeg. "Dito ka na matulog."
Nakaramdam siya ng panginginig ng katawan. Hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa pangingilabot. Hinding hindi na siya magpapaloko sa mga sinasabi ng lalaking 'to. Lahat ng sinasabi sa kanya ni David ay lumalabas lang sa kabilang tenga niya.
Pandidiri na lang ang nararamdaman niya.
Kumalas siya sa pagkakayakap nito at malakas na itinulak. Halata sa mukha ni David ang pagkagulat dahil sa ginawa ni Seb. Akala siguro niya ay madadala niya sa pang-aakit ang binata.
"Wag ako loko! Maghanap ka na lang ng bago mong maloloko."
---
Tumawa ng mapakla si David ng tuluyang mawala sa paningin niya si Seb. Masakit para sa kanya ang binitiwang salita nito bago umalis. Pero kahit na katiting ay hindi niya pinakita na nasaktan siya.
Oo... nagkaroon siya ng iba bukod sa nobyo niya, pero hindi naman 'yun ang mahal niya. Kung baga, ginawa niya lang iyong pampalipas oras. Noong panahon na wala si Seb sa tabi niya.
He was a biggest jerk that time... until now perhaps. Hindi niya pinahalagahaan ang relasyong meron sila noon. Maniwala man sa hindi, totoo nagmahal siya. Siguro ay hindi niya kayang labanan ang temtasyon. Sabi nga nila, kapag palay na ang lumapit sa manok, tukain mo na. Ayun ang ginawa niya. But that was his mistake.
To let him go.
Kung maibabalik nga lang ang oras ay baka ginawa na niya. Kung hawak niya lang ang puso ni Seb, baka siguro sinubukan na niyang angkinin ulit ito.
He take him for granted. Ang akala kasi ni David ay babalik pa rin sa kanya si Seb kahit anong mangyari. But time is already up. He cannot twist time. Malaya na siya, malaya na rin si Seb. Kahit ilang beses siyang humingi ng tawad dito ay siguradong hindi na siya nito pagbibigay ng pagkaktaon
Iba na si Seb ngayon. That incident change his ex a lot.