The 7th Rebellion

1658 Words

Nagising si Seb dahil sa sobrang init. Tagaktak na rin ang pawis niya sa katawan. Umungot siya ng may maramdamang kirot sa kanyang tagiliran. Kinapa niya iyon at saka tinignan. May nakabalot na tela sa tiyan niya at ilang piraso ng dahon. Isa-isa niyang hinugot ang mga dahon at nakita niya ang iilang bahid ng natuyong dugo. At iniwan niya ang tela. Nagtaka siya dahil sa pagkakaalam niya ay nasa Maynila na siya. Ano kayang naisipan ng gumamot sa kanya at nilagyan siya nito ng mga dahon? Baka naman albularyo ito. Kung hindi siya nagdahan-dahan sa pagbangon ay baka nauntog na siya. May plywood kasi na nakalagay sa itaas na nagsisilbi ring tulugan. Double deck ang papag na hinihigaan niya pero gawa lang ito sa plywood at kahoy na dos por dos. Gawa lang siguro ito ng karpintero. Hindi rin si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD