Nagising si Christian pasado alas siete ng umaga dahil sa lakas ng ulan, lalo na't maingay ang yerong bubong. Natuluan din siya ng ilang patak ng tubig galing sa siwang ng bubong. Kung hindi aagapan ay baka bahain na sila sa loob ng bahay. Nakita niyang wala na pala siyang katabi. Agad siyang bumangon para maghanap ng pwedeng ipangsahod sa tumutulong bubong. Nakakita siya ng timba sa gilid ng kusina at saka isinangkalan sa papalakas na tulo ng tubig. Panibagong araw para sa kanya at kakaibang uri ng alarm clock ang nagpagising sa kanya. Tinanong niya kay Lei kung nasaan ang kuya nito at sinagot siya ng, "Bumili ng almusal." Sumilip siya sa bintana katabi ng pinto. Kahit umaga pa lang ay makulimlim na ang paligid. May bagyo kaya? Napansin niya ang malakas na ragasa ng tubig sa harap ng b