I'm Christian. Sana kasabay ng pagbabago ng pangalan ay ang pagbabago rin ng buhay niya. Gusto niyang ibaon na sa nakaraan ang pangalang Seb kasama ng hindi magagandang pangyayari. Hiling niya. Na ito na ang bagong simula sa mas maganda at maayos niyang buhay. "Ikaw p're anong pangalan mo?" tanong niya. "Martin." Naglahad ito ng kamay at inabot naman niya iyon. Nakaramdam siya ng kakaiba pero hindi niya iyon pinansin. "Pa'no ka nga ulit nakapunta dito sa lugar namin? 'Di ba sabi mo dayo ka?" Nag-isip siya ng pwedeng isagot. "Tiga-probinsya talaga ako. Nakatira ako sa puder ng tatay ko. Mula ng maghiwalay sila ng mga magulang ko ay kay papa na ako sumama. Samantala 'yung kapatid ko naman ay na kay mama." "May kapatid ka?" tanong nito. "Oo meron, pero hindi naman kami magkasundo nun.