CHAPTER 2

1973 Words
Sa itsura ni Anthony ay hindi pa ito kumbinsido mula sa sinabi at idinahilan ng kanyang sekretarya. Tinaasan niya ito ng kanyang kilay at ang dalawang kamay naman ay inilagay magkabila sa kanyang likod at pinagsalikop saka dumukwang sa nakatayong sekretarya. Mas lumakas ang kaba ni Joyce ng dahil sa ginawang iyon ng boss niyang si Anthony. Sa isip ni Joyce, kung sa kakambal ni Anthony, na si Allan ang siyang gumawa nuon sa kanya ay tiyak na hinimatay na siya. Hindi sa kaba at takot na nararamdaman niya ngayon, kundi sa saya at pagkakilig sa gwapong vice presidente, subalit dahil ang Boss na arrogant ang gumawa nais na niyang mamatay dahil sa mababangis na titig. Napaurong pa siya ng dahil sa sobrang takot at hindi malaman na gagawin. “Ano bang nais nito at ganito makatingin?" siyang kanyang naibulong ng dahil sa mga titig ni Anthony sa kanyang mukha. Si Anthony na mapanuring tinitingnan ang kanyang bagong sekretarya. Mas inilapit pa muli ng mas malapit ang kanyang mukha sa mukha ni Joyce na substitute ng kanyang Secretary at Assistant na si Milca. “Ano bang kakaiba sa babaeng ito?" siyang kanyang iniisip-isip ng mga sandaling nailapit pa niya ng mas malapit ang mukha sa dalagang sekretarya. Bakit ito pa ang naisip na irecomenda ng aking sekretaryang si Milca. Paano ba ako napapayag na ito ang humalili sa kanya sa ilang buwan na hininging pagliban sa kanyang trabaho. Bubulong-bulong na sabi sa sarili ni Anthony habang tinititigan mabuti ang mukha ng babaeng bagong Secretary. “Malayong-malayo ito kay Milca na aking secretary." Kumunot pa ang mukha at nasambit pang muli ni Anthony, sa kanyang sarili. Mula sa itsura ay malayong-malayo talaga, sa pananamit pa lang ay ibang-iba, mukha ngang walang ibubuga ito kumpara sa kanyang kaibigang si Milca, na akin namang matagal ng Sekretarya. “Lalaki ata ang habol at hindi trabaho ang isang ito, mukhang nakakatakot pa siya sa mga Secretary kong sinesante noon dahil sa mga pang-aakit sa akin nuon." nasambit na sabi pa muli, habang mapanuring sinusuring mabuti ang bagong nitong secretary. Si Milca lang, ang babaeng secretary ni Anthony na tumagal sa kanya dahil sa ugali at itsura ng pananamit nito na ibang-iba sa mga naunang pinatalsik niyang sekretarya, higit pa roon ay magaling rin pagdating sa trabaho si Milca. Kumulang anim na taon na rin niyang naging secretary at assistant si Milca, nang wala siyang naging problema kahit isa pagdating sa trabaho nito. Consistent kasi si Milca pagdating sa kanyang trabaho, pero pagdating dito sa kaibigan ni Milca, mukhang magkakaroon siya ng malaking problema. Unti-unti pang yumuko si Anthony at halos magdikit na ang kanilang mukha ni Joyce, gulat na gulat si Joyce ng muntikan na rin siyang matumba sa kanyang pagkakatayo at mabilis na napalunok sa sobrang takot sa presidente ng company, dahil sa tindi ng pagnanais na maiwasan ito ng maglapit pa muli ang kanilang mga mukha at mapakapit sa gilid ng kanyang lamesa. Pero palaban naman si Joyce. Ambisyosa nga kung tawagin siya ng iba, dahil sa palaban at hindi nagpapatalo lalo kung mayroon siyang gusto. Hindi niya ito titigilan gang siya ang manalo o makuha ang gusto niyang makuha. Umayos siya ng kanyang pagkakatayo, ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga ni Anthony na nagdadala sa kanya upang mas labis siyang kabahan sa ginawa nito. Nirerelax niya ang kanyang sarili na huwag masyado maaapektuhan sa ginagawang iyon ng Demon na boss. Alam rin niya na sinusubukan lang siya ng kanyang Boss. Sa mga titig at mga klase ng tingin nito sa kanya ay nagawa niyang ngitian ito. Inayos niya ang kanyang pagkakatindig, tumayo siya ng maayos at tuwid na halos kanyang pantayan ang boss at sinalubong ang paglapit pa muli ng ibaba muli ang mukha nito sa kanyang mukha. Hinayaan lang niya ang ginagawa ni Anthony na halos ay matumba na rin sa pagkakadukwang nito ng katawan sa kanya. Pero nagawa naman itukod ang magkabila nitong braso sa mesa ni Joyce. Huminga siya ng malalim, si Joyce bumulong pa siya habang iniintay ang susunod na galaw ng arogante niyang boss. “Tingnan lang natin ngayon!" Lumaban siya ng titigan kay Anthony at kunwari pa ay pumikit. Ipinikit niya ang kanyang magkabilang mata, nakikiramdam kung ano gagawin ng kanyang boss. Andun na yung kaba at takot na baka sa ginagawa nito ay tuluyan na magdikit ang kanilang mga mukha at..... Huwag sana dumating sa punto na maglapat ang aming mga labi. paulit-ulit niyang panalangin. Dahil baka hindi na niya malaman ang gagawin sakali na dun umabot ang siyang ginagawang panunubok ng arogante na boss. Habang iniintay ang magiging reaksyon ng kanyang boss, bumulong muli si Joyce. “Makikita mo ngayon, kung sino ang unang susuko sa ating dalawa." Takot man, kinakabahan pero pilit na nilalabanan ni Joyce ng hindi siya ang unang sumuko sa kanilang dalawa. Napapangiti pa siya habang kanyang winika, habang iniisip-isip niya ang ilang mga bali-balita na takot si Anthony sa mga babaeng mapang-akit at nagbibigay ng kakaibang atensyon sa kanya. Sa madaling sabi ay natatakot siyang madala sa mga pang-aakit ng kanyang mga sekretarya at maseduce siya ng mga ito. Kaya't bago pa mangyari, inaalis na niya sa kanyang landas, ang mga babaeng sekretarya na alam niyang may kakaibang motibo sa pagiging sekretarya niya. Si Milca lang naman ang tumagal na halos anim na taon sa kanyang trabaho bilang sekretarya ni Sir Anthony. Dahil sa pustura at ayos sa pananamit nito ay malaking kaibahan kay Joyce na halos ilabas na ang lahat maipakita lang sa lahat ang kanyang angking ganda, lalo na pagdating sa perpekto nitong katawan. Joyce Imperial, age 28, 5’4” in height, single, maganda at ubod ng kaseksihan. Ilan lang sa mga natatangi niyang angking katangian na malaki ang pinagkaiba kay Milca. Pero matalino itong si Milca, kahit may pagkanerdy at baduy kung manamit, malaki rin ang pinagkaiba sa kanyang malapit na kaibigan, si Joyce. Si Joyce ata ay pinanganak na bobo, ganda lang ang meron siya. “Bobita talaga?" natatawa sa bagay na naisip niya. “May talino naman, unti lang!" Gilalas niyang nasambit pabulong, dahil hindi siya gaya ng kanyang kaibigang si Milca, pinanganak na may angking talino subalit bobita pagdating sa pag ibig. Isang bagay na pinagkaiba rin nilang dalawa ni Milca, na hindi maipagkakaila sa kanilang dalawa. Kaya nga siya nagleave, nang dahil sa nobyo nitong nais makipaghiwalay matapos malaman na siya ay buntis. Napakasamang lalake, para takbuhan ang mga responsibility para sa kanilang magiging anak. Ang galing, hanep na lalake. Sarap katayin ng buhay at isabit sa puno hanggang ubusin ng iba’t ibang hayop. HAYOP NA GAYA NIYA! Walang kasing sama na lalake yon. Para siyang lamok na makakagat ay wagas. Tapos pagmatapos na siya saka mang iiwan! Nanggugumalit pa rin ako sa tuwing naiisip ko na ito ang dahilan kung bakit nahihirapan si Milca at kinakailangan na pagdaanan lahat ng iyon ng dahil sa kasalanan ng damuhong lalake na yon. Isang malaking Lamok ang nobyo ni Milca, pasalamat siya at hindi ko pa siya nakikita. Kundi yari siya, mailibing ko pa siya ng buhay sa putik na dapat kalagyan niya. Baka maibaon ko pa siya ng buhay at tabunan ng lupa habang nagmamakaawa siya sa ginawa niyang paglalapastangan sa aking Mahal na kaibigan. “Ms. Imperial!" Sambit na sabi ni Anthony. “What are you doing?" singhal na malakas na sigaw nito. “Sir!” gulat na napamulat pa ng kanyang mata na sinadyang ipikit kangina. “I said, what are you doing???" Muling inulit ang tanong kangina. “Gusto mo pang ulitin ko pa!!” inis sa galit na gilalas na sinabi niya kay Joyce. “No Sir! I heard, no need to repeat again! narinig ko na po ang sinabi niyo.” gagad na naibalik ko sa galit kong boss. “Bakit may papikit pikit ka pa?" tanong pa nito sa kanya. “Po?” kunwari ay gulat na turan niya. Actually, hindi na rin siya dapat magulat, expect na niya na itatanong iyon ng aburidong Boss. “Iniisip mo bang hahalikan kita Ms. Imperial?” balik na gagad naman nito sa kanya. “Ano po?" maang-maangan na gagad ni Joyce. Kinagat pa ang pang-ibabang labi niya at kala mo'y nag-iisip siya. “Huwag kang umasa Ms. Imperial, dahil hindi mangyayari ang iniisip mong hahalikan ko, ang isang tulad mo lang.” May kaangasan na kanyang turan. Si Anthony na masyadong bilib sa sarili, habang si Joyce ay nainsulto sa tinuran at sinabi ng mayabang na arogante na boss. Ang yabang talaga, para isipin na pinagpapantasyahan ko siya. “Sorry Sir!" Ngumiti siya. “Pero mali ata kayo ng iniisip at pag-aakala. May pumasok lang po sa aking mata kaya napapikit ako ng ilapit niyo ang inyong mukha.” mariin niyang ibinalik ang pang-mamaliit na sinabi nito sa kanya. “Nagagawa mo pa talagang itanggi." Nakangisi ito habang sinasabi. “Huling-huli ka na Ms. Imperial, bakit kailangan mo pang itanggi?" Muli ay pang-iinis na sinabi ni Anthony sa kanyang sekretarya. Ayon sa kanyang nakita ng mabilis ipikit nito ang mata kangina. Wow ahh! Hindi lang pala may aroganteng ugali, may pagkahangin at pag-kabastos ang bibig. “Sir! Tama naman yung narinig ko at paratang niyo sa akin diba?" “But, first, I want to apologize, pero talagang nagkakamali kayo sa lahat ng mga paratang ninyo sa akin. Because, at least once hindi ko naisip na gagawin niyo iyon sa isang gaya ko, I also never thought that a company president could do that to me.” Tahasan at diretsong kanyang isinagot sa arogante na boss. Gulat si Anthony na halos sampal lahat ng sinabi ni Joyce, sa kanya. “Believe ka talaga sa sarili mo Ms. Imperial." Nakangisi niyang sinabi at tinitigan niyang mabuti si Joyce. “But, don’t worry because, you may right. Hindi ko magagawa iyon sa isang gaya mo lang, look at your self!" Napatingin pa si Joyce sa tinuturo ng Boss, ang style ng kanyang pananamit ang tinutukoy nito. “You're not my type!" Nakangising winika sa harap ng dalaga. Si Joyce na mas nainsulto sa sinabi ng boss. “Saka pwede ba Ms. Imperial, baguhin mo ang istilo mo, hindi nababagay sa opisina ko. Baka mamaya isipin pa ng mga tao na pumupunta rito ay hindi sapatos ang binebenta ko kundi babae, daig mo pang kaladkarin sa istilo ng pananamit mo. Baguhin mo pwede." Direct at maangas na may halong panlalait na sinabi ni Anthony kay Joyce. Nangilid ang mga luha ni Joyce dahil sa tindi ng mga panlalait na kanyang natamo sa walang tabas na bibig ng boss. “Teka Sir!" Nauutal na wika, hindi niya alam kung papaano niya ba dapat harapin ang boss lalo at ito ang president ng kumpanya na pinapasukan. “Tila naman, hindi na ata tama at maganda ang tabas ng bibig ninyo. Anong problema sa istilo ng pananamit ko? Kung tutuusin maayos at matino pa ito sa sinasabi niyong kaladkaring babae, saka hindi porke kayo ang boss ko dito may karapatan na kayong husgahan at ibaba ang sarili ko. Kung ayaw niyo sa istilo ng pananamit ko, edi huwag niyong tingnan, anong problema ron." May kataasan na boses ay nawika niya ng dahil sa galit at inis na ngayon ay nangingibabaw sa kanya. Hindi porke siya ang boss ay mananahimik at hindi ako kikibo. Nanggigigil niya na paulit-ulit niyang ibinubulong-bulong. Assuming gusto pa atang sabihing type ko siya kaya ako nagdadamit ng ganito. Muli ay kanyang naibulong. Si Joyce, sa isipan nito, it would have been nice if he was Papa Adonis, ang kakambal na ubod ng mas gwapo sa kanyang Demon na boss. Kung ano ang iniisip niya, baka magkatotoo kung siya lang si Sir Allan. Pero sorry siya! Malabong mangyari yon. Dahil isang malaking “X” siya sakin. Asa siya na magugustuhan ko siya ng dahil sa ugali niya. Malabong-malabong mangyayari yon, sinusumpa ko. Inis pa rin niyang nasasambot habang napapalunok at nilalabanan ang nakakamatay na mga titig ng Demon niyang boss.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD