Isang buwan na rin ang lumipas mula ng mapahiya siya ng dahil sa kakambal ng kanyang boss. Grabe ang kanyang mga naririnig mula sa kanyang mga kaofficemate. Kanya kanyang kwento. Kanya kanyang tsismis patukoy sa kanya. Lahat binabato sa kanya. Ambisyosa kasi! Akala mo naman papatulan talaga ng kakambal ng Presidente ng Company. Ano ngayon? tapos magtatawanan. Pinaririnig pa talaga sa kanya lahat sa tuwing dumadaan siya sa harapan ng mga ito. Lalo pag nasa Canteen siya. Samo't sari, Kanya kanyang tumpulan. Kanya kanyang parinig, Kanya kanyang bato ng masasamang salita na pinupukol sa kanya. Ayan na naman siya! Ou nga! Hindi na nahiya. Tama! Kung ako sa kanya aalis nalang ako sa Company. Makapal kasi mukha niya. Ambisyosa nga kasi! Kala mo naman talagang papatulan ng kapati