Isang napakapangit na umaga para kay Joyce ng siyay magising. Halos ipanalangin na nga niyang tuluyan na huwag na siyang magising pa ng araw na yon. Sana hindi nalang ako nagising pa! sabi sa kanyang sarili habang dahan dahan na bumabangon sa kanyang kama. Tiyak na tiyak ni Joyce na isang matinding sagupaan ang mangyayari sa kanilang dalawa ng kanyang boss na si Anthony na kanya lang naman nasampal sa mismong harap ng kakambal nito at sa maraming tao mula sa mga nanunuod na pala sa kanila sa loob ng Sm North ng ayain siyang samahan ni Allan na siyang kakambal ng kanyang boss. Papaano ba ito. Sumasakit ulo ko haiiiiii!!!!!! sigaw sigaw niya ng malakas mula sa loob ng kanyang kwarto sa apartment na kanyang inuupahan. Naghilamos pa siya ng kanyang mukha at halos lamurakin at kanyang lam