Mean
"Sa Asylum ka mamaya, Mich? Side line ulit?" tanong ng isang kaklase.
Tumango ako habang labas-dila pang binubura ang madiin na pagkakaguhit ko sa mukha ng prof namin sa desk ko.
"Oo!"
"Baka pumunta kami mamaya. Good luck!"
Tumawa ako. "Salamat! Gagalingan kong pumiyok!"
"Huwag pa-humble, Mich!" sigaw ng isa pang kaklase sa dulong bahagi ng silid.
"Raulo!" bulyaw ko pabalik sabay taos-pusong bumalik sa ginagawang pagkiskis sa desk ko.
Hindi ko na naiwasan kanina sa huling klase. Masyado na ngang boring 'yung subject pati iyong diskurso, boring pa 'yung prof. Hindi naman kasi totoo ang sabi-sabi na porque nasa private school, maayos at garantisado na ang gasgas na quality education. Kulang na lang palitan ko na 'yung prof kanina, e.
Napatikhim ako nang biglang nabagsakan ang kamay ko ng isang tumpok ng libro. Napadaing ako sa sakit at mariing tiningala ang salarin. Someone named Emmanuel was the culprit. Nakatanaw ito sa akin gamit ang supladong ekspresyon. Or more like, mataray niyang itsura.
"You're an artist, Mich. But in singing. Huwag ka nang mag-ambisyon sa pagguhit."
Tumubo ang nguso ko at inayos ang binagsak niyang mga libro sa desk. "What are these for?"
Umupo ako at nilagay sa tandayan iyong tatlong libro. Samantalang 'yung isa, nasa kamay at sinusuri ko. I lifted my gaze towards him and caught him figuring out the sketch on my desk with a scowl etched on his face. Natawa ako.
"Hulaan mo sino ang kamukha nyan!" bilib kong sambit.
His eyes drifted towards me as he fixed his posture. "Sure. After you tell me who originated ordinal approach."
"Edgeworth," I answered confidently.
A small smile curved on his lips. Tama kasi ako!
Humalukipkip siya, animo'y tuluyan nang napukaw ang buong atensiyon at mas lalong tumitig sa akin nang mataman.
"How about the scale of preferences?" he challenged.
Nangamote na ako bigla. Finals na namin next week kaya natural lang na may ideya ako sa kung anong itatanong niya. Pero wala naman akong naalala na may nabanggit kung sino ang founder ng concept of scale of preferences?
Emman sighed. Nagsalubong ang kanyang kilay at inalis ang pagkakahalukipkip. Pinatong niya ang magkabila niyang kamay sa ibabaw ng mesang nasa harapan ko lang para ilebel ang mukha sa akin.
"You dummy. Ordinal approach is also known as the concept of scale of preferences, Michaela. Pull an all-nighter and study your t**s out," he said using his man voice.
Napatikhim ako at ilag ng tingin.
"A-Alright. Pero pwede bang sa susunod, kapag uh... magsesermon ka..." I trailed off.
His brow shot up, gesturing me to continue.
Pagak akong tumawa. "Baklaan mo lang? Ang guwapo kasi kapag seryoso. Tapos ang lapit mo pa," sabay hagalpak ko sa tawa.
I saw his adam's apple moved when he swallowed hard. His lips parted, as if he wanted to say something but he was cut off by Natasha's intervention.
"Hinahanap ka ni Cleo sa labas, Mich!" animo'y uod na binudburan ng asin ang kaibigan sa harapan ng desk.
Baon pa rin ang ngisi sa ginawang pagtawa kanina, binalingan ko si Nat ng tingin.
"Bakit daw?" lito kong tanong.
She clang her arms on Emman's left arm and sighed dreamily. Samantalang ang huli, kunot pa rin ang noo at nagtataray, bahagya pang napapailing marahil sa sinabi ko kanina.
"Probably here to ask you out after two years of lowkey flirting?" she giggled as she touched Emman's chest as if pertaining something to me.
Napatikhim ako sa tanawing iyon at nirolyo na lang ang mga mata. Nilapag ko na rin ang hawak na libro sa iba pa. I don't think it's a good idea.
I cleared my throat. "Pakisabi-"
"We're studying for our finals, Natasha. Not today. Makakapaghintay ang panliligaw," singit ni Emman bago muling bumaling sa akin. "Erase your vandal, Mich. Kukunin ko ang iba pang libro."
My eyes widened. "Kulang pa ito?!"
Mataray na naman niyang tinaas ang kanyang kilay. "How many do you think our subjects are?"
"Tss," I prattled. "E, may tugtog pa ako mamaya, Emmaaa!"
I called him by his effem nickname to the hopes of stalling me for this one. His lips twitched. Ngunit sa huli'y bumuntong-hininga na lang at marahang tinango ang ulo.
I knew it! Bumalikwas agad ako sa pagkakaupo at niyakap siya sa pagitan ng desk.
"Mag-aaral ako pagkauwi sa bahay. Promise!" I raised my right hand to assure him.
Napailing na lang ito at pinagpatuloy pa rin ang pagtataray kahit bakas naman ang multong ngisi sa mga labi.
"But how about Cleo?" tikhim ni Natasha.
Emman answered it for me immediately. "Tell him the same thing."
Napanguso si Nat at bagsak ang balikat. She glanced at me and pointed at the brute as she make face. "Your not-so-supportive friend as ever!"
Tinikom ko ang bibig at nagkibit-balikat, takot na bawiin ang pansamantalang kalayaan ko mula sa pag-aaral.
Natasha strut her way out of the room, probably to tell Cleo about my prohibition today. Meanwhile, Emman has the nerve to even pushed me at the corner of my seat to force himself on the seat beside me.
Lito ko itong tinanaw nang damputin niya ang librong sinusuri ko kanina. This man. At prente pang umupo na akala mo'y pag-aari ang trono!
"Clean your mess and don't disturb my study," he said dismissively as he opened the book.
I shook my head in disbelief. Kalaunan naman'y sinunod ko na lang dahil iyon naman talaga ang balak. I reached for my eraser again and pored my heart to what I was doing earlier.
"In return, I'll drive you to The Asylum," he uttered, eyes still on the book.
Ipinagkibit ko iyon ng balikat. "What's new."
The Asylum is a resto-bar or bistro at the center of the city where I frequently perform some of my gigs and new crafts. It became my haven, too. Madalas na doon talaga na kung hindi man para tumugtog ay para naman kumain at uminom nang mag-isa.
Whenever I want to be myself alone, I would always travel to go there. Doon ko rin kasi nakikilala ang ilang mga aspiring artist din na gaya ko. Some of them are in band, acoustic, DJs, and some sort. And for the record, Emman would always drive me there. Wala iyong palya tuwing galing sa eskuwela at doon ang lamyerda ko.
Kaya naman nang hindi na dumating pa ang huling prof para sa araw na iyon, napaaga ang pagtulak namin papanhik sa Asylum. Mahigpit ang hawak ko sa aking knapsack at *gig bag habang patungo kami sa parking lot.
Emman is already nineteen years old so he's now able to drive his own car. He's two years older than me, making me seventeen.
Hindi ko nga ba maintindihan kung paano iyon nangyari. We're still on our eleventh grade when he should be college by now. Matalino naman. Pakiramdam ko'y batch valedictorian pa kapag nagkataon pero late ng dalawang taon sa edad? Imposibleng umulit! Sa IQ na 'yon, repeater? I don't think so?
Dahil sa gumugulo sa isip ay napasulyap ako sa kanya. Pinaglalaruan niya ang susi ng sasakyan habang sinusundan ng tingin ang dumaang isang grupo ng mga lalaki.
Napangisi ako.
Emmanuel KT Demetriou is a brute. Probably six footer or even more. The more license he has to call me "shortie" even with my 5"5 height!
He has muscles in their right places. Broad shoulders with small waist. One time before, I even saw how deep his v-line was! Kung hindi lang bakla ay baka pinatulan ko na! He has a body to die for but I know I don't have my chances. In your dreams, Mich!
I nudged him teasingly when his eyes were still glued to the group of guys even as they past us by. By that, his eyes shifted towards me with a furrowed eyebrows.
"Don't worry, Emman. Pakilala kita sa bago nilang barista sa Asylum!" I winked at him.
But in contrast to what I was expecting him to react, his eyebrows furrowed even more!
"May bagong barista?" he scoffed as he opened the door of his silver range rover's front seat for me.
I accepted his extended hand as support before entering the vehicle.
"Yup! Text sa akin ni Mildred!"
He rested his left arm on the doorway and the right arm at the door itself as he crouched a bit to level his face to me.
"Alright. Introduce the guy to me when we get there," he said intently.
He smirked devilishly.
A smirk was traced on my lips, too. Sabi na't susunggaban nito, e! Tutal hatid-sundo naman, bayad ko na lang iyon sa pamasahe!
Habang nasa byahe ay hindi ko na natiis at itinono na ang gitara. I strummed a bit as I hummed one of the songs I will perform later.
Emman protested. I shouldn't practice inside his car because it's distracting him but I still continued. Kinailangan ko pang ipikit ang mga mata habang nasa bisig ang katawan ng gitara, minamanyiobra ang mga pisi sa daliri. Later on, Emman silenced as he was able to keep up with my rhythm.
"Manuel," I called him with his other nickname, the one his parents call him as.
Sinilip ko ang reaksiyon niya sa likod ng gitara. Mangha kong tinanaw ang iritasyong umuusbong sa kanyang mukha.
"Hmm?" he responded still.
I licked my lips and leaned against the neck of my guitar, peeking at his direction, almost bathing my lashes to him.
"Can you sing for me?" I asked softly.
Natigilan siya. Hindi nakalagpas sa paningin ko ang pag-igting ng kanyang panga at paghigpit ng kapit sa manibela. Napatikhim ako.
We've known each other for almost eight years now. But never have I ever heard him sing, even a hum, there's none. I wonder how his voice sounds like if ever he sings? Based on his speaking voice' range, I bet he has an ear for pitch at least. Or maybe he hasn't. I'm just... curious.
Naghari ang munting katahimikan sa pagitan namin bago niya nagawang ibuka ang bibig para sagutin ang aking kahilingan.
"You probably heard me sang before. Maybe you just mistook it for an earful," he said as he broke the silence.
Napangiwi ako nang bahagya. "Hindi naman siguro! Maganda ang speaking voice mo kaya baka... maganda rin kapag sa kanta?"
He shook his head lightly before gazing at me. "You can't base one's singing voice with their speaking voice, Mich. The former requires more range and breath support."
My lips parted in amazement. "How could you know that?"
"It's a no brainer, shortie. Please," he said as if he couldn't go on with our stupid topic anymore.
Nirolyo ko ang mga mata at umismid. "Will give you the benefit of the doubt since you are Mr. Pantomath."
He didn't bother to satisfy by prattles and just focused on his driving. Nagpatuloy na lang din ako sa pagi-strum hanggang sa narating na namin ang lugar.
It's almost six in the evening. The dusk was overwhelming as the horizon was in a combination of darkness and bright orange. Katamtaman lang din ang lamig para sa isang dapit-hapon.
Kaya naman nang natanaw ang mga taong labas-masok sa Asylum ay agad na ginanahan ang sistema. Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng gentledog na bi. Ako na mismo ang nagkusang lumabas sa kanyang sasakyan. May nalalaman pa ngang pagbuka ng mga braso sa kawalan habang dinadama ang ihip ng hangin!
It's been almost two weeks since I last visited! Argh. I was so damn busy!
"Let's go, shortie."
Emman's hand landed at the top of my head as he pushed it forward to start walking. Pagkapasok sa Asylum, agad na nahanap ng mga mata ko si Mildred! Ang manager ng resto-bar at naging malapit na rin sa akin.
"Mich! Oh, nandito ka rin, Emman!" maligayang salubong sa amin ni Mildred.
I giggled as I wrapped my arms around her. Beso naman ang iginawad ni Emman sa ginang habang abala na ako sa pagsuyod ng paningin sa buong paligid.
The place is packed with its usual crowd. The Asylum is an alfresco type resto bar. It was along the coast and the patio was filled with plants and trees on both sides. May hanging lights na nakasabit sa mga puno at maging sa daanan patungo sa entrance nito.
Talagang presko at magaan sa mata. Bagay na nakapukaw nang tuluyan sa atensiyon ko. Dahil maganda ang lokasyon, hindi na nakakapagtaka kung bakit kailanman ay hindi ito nawalan ng customers.
The spotlight was focused on the stage to give focus on every *gig performance. Taliwas iyon sa patron area dahil dim lang ang lights ng buong paligid bukod sa entablado. Sapat lang upang bigyan ng liwanag at mood ang lugar sa parehong pagkakataon.
Nakatulong din ang cabaret lamps sa bawat lamesang nasa harap mismo ng stage. It serves as a table centerpiece and mood at the same time. Tables for two lang doon. At mas mahal. Sa dulong bahagi pa kasi ang mga pang-grupo at kaonting sectional couches. Kumbaga, the more na mas malapit sa stage ay mas mahal ang fee kasi mas special ang service. Plus, the entertainment.
I spotted a familiar band currently playing on the stage. The moment I recognized it was the X3M Rhapsody, I waved my hand shortly.
I'm a huge fan! They're pretty popular in the city. Isang tipo ng underrated band na sigurado kang malaki ang potensiyal sa paglipas ng panahon!
"Where's the new bartender, Milly?" I said in the middle of my so-called ocular.
"Anong meron at interesadong-interesado ka sa bago namin, ha?" nanunudyong utas nito.
With a grin on my face, I turned to them again. Mildred was nearing me while the brute was currently scanning the whole place with both hands at the side of his waist, probably searching for tonight's flavor.
"Hindi naman para sa akin! Para dyan!" turo ko sa kasama.
Dahil doon, napabaling sa akin ang huli at mataray akong inismiran. Ang taray!
Sayang nga lang at hindi nakasama si Natasha ngayon. Masyadong nawiwili sa bagong nobyo kaya medyo abala nitong mga nakaraang araw. I saw the guy. Hindi maganda ang kutob ko na madalas ko namang nararamdaman tungo sa mga lalaking ipinapakilala niya. Halata namang hindi pangseryosohan.
Well, I guess I shouldn't question that part. Natasha herself is not really into commitment as well. Ganoon din naman ako. Nga lang, sa usaping pang-banda at grupo lang. Being in a serious relationship is still not part of my plans. I was never interested to have one.
"Let me see," Mildred drummed her fingers on her chin as she checked the whole place.
I tried spotting a new face at the bar but all I could see was the old ones. Walang bago. Marahil naggagala o nagwe-waiter muna ang bartender?
"Ayun!" si Mildred sabay lahad ng kamay sa kabilang banda.
Sinundan ko ang tinuturo niya at natanaw ang mestisong lalaki, nakauniporme nga ng pang-bartender, habang nakatutok sa order slip at mukhang kinukuha ang order ng mga dalaga sa mesang iyon. Malinis ang pagkakatabas ng buhok, matangkad, at mukhang nagla-light workout din!
"Hmmm. Hindi na masama!" puna ko na ikinatawa ni Mildred.
"Anong hindi na masama? In demand 'yan ngayon! Kita mo 'yung grupo ng mga kolehiyala doon sa dulo?" turo niya pa sa isang bahagi na malapit lang din sa kinaroroonan ng bartender. "Regular na 'yang mga 'yan dito simula noong nakaraang linggo dahil dyan!"
"Oh?" I gaped and narrowed my eyes to look at them more clearly.
Damn, yeah. They were obviously busy ogling at the bartender. Wala na halos at ubos na ang pulutan kaya tamang tanaw lang sa main course ng chill nila!
Mabilis kong dinaluhan si Emman na nasa likuran pa rin namin at ikiniling ang braso sa kanya.
"He's there! Milly, ano nga pala ang pangalan?" I shouted excitingly while pointing at the guy.
"Martin!"
Lumawak pa lalo ang ngisi ko. Gandang pangalan! Kapangalan ng gitara ko!
Lilingunin ko na sana ulit si Emman ngunit naantala iyon nang dumiretso ang mga mata ko sa kamay kong unti-unti niyang binababa.
Tiningala ko siya. Bumungad sa akin ang mariing ekspresyon. Seryoso ang mga mata ngunit may bahid pa rin naman ng kurba ang mga labi. Iyon nga lang, baligtad ang kurba! Pababa!
"Why are you frowning?" I grimaced as I distanced myself a bit to look at him.
His brow shot up ruggedly as he shook his head. Tinanaw niya ang direksiyong tinuro ko at sandaling napatitig doon.
"Ayoko ng may kaagaw, Mich," mataman niyang sambit bago muling ibaba sa akin ang tingin.
Napatikhim ako. "Huh? E, hindi pa naman natin alam kung may girlfriend! O boyfriend! Tsaka, 'wag mo sabihin sa akin na threat na sayo iyong mga kolehiyala?" hindi ko makapaniwalang bulalas.
He rolled his eyes and crossed his arms against his chest. Ang antipatikong bakla! Well, I know he's not technically a gay. He's interested with both guys and gals. But the way he acts, ang taray-taray! Masyadong dominante ang pagiging bakla!
"Single 'yan!" singit ni Mildred sa amin. "O, sya. Balik na ako sa puwesto ko. Sunod ka na dyan sa banda, ha? Puwesto ka na rin at baka magulo pa ang lineup."
"Okay. Salamat, Mildred!"
"No problem!" kaway nito sa amin bago tuluyang bumalik sa kinaroroonan kanina, malapit sa counter.
Napalabi ako nang muling tumingin kay Emman. "Shall we go to him now? Sunod na ako, e."
"No," he answered firmly.
"Huh?" gulat kong utas. "Akala ko ba-"
"Let's just go. Pumunta ka na sa front row. Kukuha ako ng vacant table."
"Hmmm. Okay," I shrugged and just followed his imposing order.
Sinamahan ko muna siya sa paghahanap ng bakanteng mesa. Nakuha niya iyong nasa bandang sulok, medyo malapit sa entablado kaya ayos na rin. Nilagay ko muna doon ang mga gamit at nagpresintang tatawag ng waiter para sa kanya.
"I can handle," he protested.
Inilingan ko iyon at hindi na naghintay na pigilan. "You just wait!"
He looked grimly at me but in the end, he gave up. I grinned wider. Agad kong hinanap ang bartender. Kung kanina ay hawak ang order slip, ngayon nama'y abala sa terminal! I suddenly wonder what's on his job description. Mandatory ba ang mga ito bago tuluyang madestino sa bar? He's a bartender or mixologist for Pete's sake!
Kaya naman nang tuluyan nang nakalapit ay nakausbong ang nguso. Nasa bandang likuran ako noong Martin habang abala pa sa pag-aasikaso sa mga patron na nagbi-bill out na ata.
I crossed my arms as I saw the fiery passion in his eyes. I saw myself in him. But in music. Hindi ko na napansin na medyo tumagal na pala ang pagkakatitig ko rito kaya nang nag-excuse ay mukha akong constipated na nakahara sa makipot niyang dadaanan.
I jolted when I realized it and apologized right away. Oh, my god!
"I-I'm sorry!" I yelped again and bowed my head repeatedly.
He chuckled. Napatigil ako sa hiya at napasapo sa batok.
"Ayos lang. Is there anything I can uh... help you with?" taas niya sa parehong kilay nang tumabi na ako ngunit hindi pa rin siya dumadaan nang tuluyan.
Nang naalala ang sadya, pagak akong tumawa. Parang gusto ko na lang na umatras at maghanap ng ibang waiter. Kahiya-hiya ang itsura ko kanina panigurado!
Mabilis akong lumunok. I realized I've reached up to this extent of self-humiliation, better if I just justified it, right?
I clasped my hands behind me and smiled hesitantly. He put the bar tray he's holding between his arm and body while the terminal was still on the other hand, waiting for my on-the-way answer.
"Uh... I need someone to assist my friend on that area." I c****d my head as I pointed my thumb behind me while still facing him. "I'm wondering if... you're available?"
A ghost of a smile was crept into his lips. Halos lumuwa ang mga mata ko nang nagpakita ang dimple nito sa kanang pisngi. Paniguradong type na type ito ni Emmanuel Demetriou!
"Sure," he replied with a smirk.
Damn. He looked inviting. Hindi na nakapagtataka kung bakit nahumaling sa alindog ng lalaking ito ang mga kolehiyalang iyon!
We strode our way to Emman's table. I was leading the way when suddenly, he tried striking a conversation.
"Regular ka rito?"
Saglit akong bumaling sa kanya sa aking likuran. Hindi malaman kung tatango ba o iiling, natawa na lang ako kalaunan.
"I think so? Uhm... medyo kilala na rin dito. Madalas ang gig kaya..." Ipinakibit ko na lang ng balikat ang sumunod.
"Oh. Singer? Or vocalist?"
Natawa ako sa tanong ngunit sinagot ko rin naman.
"Solo artist. So... singer," I answered, having a hunch about his meaning of it.
"It's my first time meeting you here. Kaya... madalas?"
"Ah! Been busy with school the past weeks so..." I answered, kind of preoccupied with my will to pass through the crowd and with Emman's glower at my direction.
Napatikhim ako at medyo pawisan na nang nakarating sa mesa ni Emman, na kasalukuyang nakahalukipkip at nakatanaw sa lalaking nakasunod sa akin.
"Dito! He's my friend, Emman," galak kong saad. Huli na nang napagtanto masyado na akong maraming sinasabi.
From Martin, Emman's eyes drifted towards me with complete confusion and a tad of irritation.
"What's this?" His surprisingly deep voice roared to me.
Namilog ang mga mata ko at nataranta nang kaonti. "He'll assist you! Siya ang agad na nakita kaya... ano..." I turned hesitant with my remark when his eyes turned darker and dangerous.
Napalunok ako, naguguluhan na. I thought he wanted this?
Napatingin ako kay Martin na mukhang wala ring ideya sa nangyayari. Ngunit sa huli, nilabas niya ang hawak na order slip at nakahanda na sa pag-note ng order sa harap ni Emman. Napatikhim ang huli at napailing na lang nang bahagya, animo'y dismayado sa nangyayari.
He ordered a single malt whiskey and one s*x on the beach for me. Napanguso ako. Wala akong balak uminom pero ayos din naman ang order para sa akin. Hindi naman ako malalasing sa isang iyon lalo na at istriktong isang baso lang ang binili sa akin!
"I should go now. Patapos na sila," sambit ko matapos sipatin ang stage.
Tumango siya habang pasalit-salit ang tingin sa akin at sa bartender na hindi pa rin naalis, nakatitig kay Emman, at mukhang hinihintay pa ako!
Emman's jaw clenched. "Whatever."
Muntik nang malaglag ang panga ko. Kinuha ko na ang gitara sa tabi niya bago tumulak paalis. At gaya nga ng hinala ko ay saka lang din aalis si Martin kapag nakaalis na ako.
"I forgot to ask for your name. That's why I waited," he answered my unspoken curiosity.
Namilog ang mga mata ko at awtomatikong napalingon pabalik sa puwesto ni Emman. I caught him looking at us with his stern eyes. Naalala kong ayaw noon ng may kaagaw! But I can't just ignore this guy's remark. So out of courtesy, I awkwardly laughed.
"I'm Michaela. Mich for short," sagot ko.
Tumigil na kami sa gilid at nilahad ang kamay. Tinanggap niya naman iyon nang may sinserong ngiti sa mga labi.
"I'm Martin. Mart for short," he mimicked humorously. Natawa ako.
"I didn't expect that," I chuckled.
"Well, nice to meet you. Panunuorin ko ang performance mo."
I grinned. "Salamat!"
Akmang tatalikuran na siya nang habulin niya ang braso ko.
"Ano 'yon?" I asked and titled my head curiously.
Napansin ko ang bahagyang pamumula ng mestisong pisngi niya. I mouthed "cute" secretly. A man this big acting shy is just so fuzzy.
"Uh... the guy you are... with..." he stammered.
Umawang ang mga labi ko. "Ah! You mean Emman?"
His brow shot up, as if I hit something inside him bull's eye.
"What about him?" I intrigued.
Tumikhim siya at napakamot ng noo. "Uh... nothing. Wag mo na lang isipin," nahihiya niyang sambit.
I laughed and eyed him suspiciously. Sinuklian niya lang iyon ng tatawa-tawang ngisi. Mukhang tinamaan na rin sa kaibigan ko, a? Naku! Si Emman na lang talaga ang problema. Ang daming alam. Nag-iinarte pa!
"Ganoon ba? Sige. Sabi mo, e! Una na ako!"
Marahan siyang tumango bago tuluyang pumanhik na sa counter. Samantalang ako naman, umupo na ako sa front row, hiwalay sa mga patron tables at ekslusibo sa mga may gig.
I watched X3M Rhapsody perform at the stage. Ate Tris, the vocalist, looked so passionate with what her doing. Ang kambal na sina Troy at Froy ay tutok din sa kani-kanilang mga instrumento. Troy is the guitarist while Froy is the keyboardist. Ang nakatatandang kapatid ni Ate Tris na si Kuya Craig ay bigay-todo rin sa likod ng kanyang drum set.
Watching people with big dreams up close brings so much fire in my system. They're now busy climbing their way up to the top. Napapanuod ko rin ang mga TV shows na napapadalas ang pag-imbita sa banda nila but look at them now, feet still on the ground and willing to perform in front of these people for free.
I met them twice here at Asylum. Twice as well in Music Festivals that we're both attending to before. At sa mga nagdaang pagkakataong iyon ay hindi kailanman pumalya ang enerhiya nila sa pagtugtog. Bagay na lubos kong hinahangaan sa kanila.
They're currently playing a song that one of the customers requested. It's their last song. Napapasabay na rin ako sa musikang binibigyan nila ng hustisya sa mga oras na iyon.
"If I tell the world
I'll never say enough
'Cause it was not said to you
And that's exactly what I need to do
If I'm in love with you."
I glanced at Emman over my shoulder. At this vantage point, I could still see him clearly. The shadow created on his face by the table lamp was just so sexy.
I know he's just being natural. But the way I see it, he looked like as if he's posing for a split lighting photography. Very composed and dramatic. At hindi ko inaasahan na mahuli itong taimtim ding nakatanaw sa akin sa mga sandaling iyon.
"Should I give up
Or should I keep on chasing pavements?
Even if it leads nowhere.
Or would it be a waste?
Even if I knew my place,
Should I leave it there?
Should I give up
Or should I just keep chasing pavements?
Even if it leads nowhere."
I waved my fingers at him shortly. But after what I did, he just ignored my cordiality and sipped on his glass with crossed arms.
Napanguso ako at humarap na lang ulit sa entablado. Nang tuluyan nang natuldukan ang kanilang pagtatanghal na isang oras din ata ang tinagal ay nagpalakpakan ang mga tao. Sinabayan ko iyon bago tumayo at naglahad ng kamay sa kanila nang nakababa na.
"Ang galing niyo po! I'm a fan!" I welcomed them lively.
Ate Beatrice put her hand in front of her mouth when it looked like she recognized me.
"Oh, hi! Mich, right? You're next?" she asked with the same energy.
I mean, wow! After all that performances, she still managed to get along very well!
Tumango ako at tuwang-tuwa na nakilala. Kuya Troy was able to backslap me while Kuya Froy and Craig were both busy talking with each other as they egressed the stage.
Bumuga ako ng hangin nang nagpaalam na ang banda. The emcee was now at the stage, starting to introduce me to the night's crowd and audience. Nagawa pang hanapin ng mga mata ko ang kinaroroonan ni Emman at nag-aja! Tipid naman itong ngumiti at bahagyang tinaas ang kanyang baso.
"And to our next artist, give it up for Michaela Singh!" the emcee declared loudly as her voice was being drowned by the cheers of the audience.
Nagpalakpakan ang mga ito sa pag-akyat ko sa entablado. Some of them knew me ever since and some were new people but able to get along with the cheers and support. I even spotted some of my classmates who promised to be here as well. Natawa ako nang sabay-sabay nilang sinigaw ang pangalan ko.
Tanaw ko ang puwesto ni Emman. Namataan ko rin si Martin na pansamantalang nakatigil sa kanyang duty para panuorin ang pagtatanghal. It looks like we are able to see each other often, huh?
"Good evening, everyone! Once again, Michaela Singh at your service. The girl that will make a hella sing for you."
Natawa ako sa sariling kabaduyan at pun na sinabayan din naman ng mga tao. The high stool that I often used was now prepared for my butt cheeks. Ngunit bago ko iyon upuan, muli kong inabot ang mikropono at nginitian ang mga tao.
"Dahil medyo tagos sa puso ang huling kanta na inihandog sa atin ng iniidolo kong banda, let me play this song to lighten up the mood for my startup. For those who know this song, please don't hesitate to sing along."
I winked at the crowd as I began strumming the strings of my baby. I closed my eyes a bit and a sweet smile plastered on my lips as I darted my gaze towards Emman as soon as I opened my lids.
"You, with your words like knives
And swords and weapons that you use against me.
You, have knocked me off my feet again,
Got me feeling like I'm nothing.
You, with your voice like nails
On a chalk board, calling me out when I'm wounded.
You, picking on the weaker man."
I smirked at Emman before dropping my eyes on my guitar again. The first flick of my finger against the strings for the next verse satisfied me so I lifted my eyes to the people enjoying my showtime.
And not so far, I saw Martin slowly applauding at me even though I wasn't still halfway the song.
"You can take me down
With just one single blow.
But you don't know what you don't know."
I gestured the people to sing along by quickly wiggling my left hand.
"Someday I'll be living in a big old city
And all you're ever gonna be is mean.
Someday I'll be big enough so you can't hit me.
And all you're ever gonna do is mean.
Why you gotta be so mean?"
Sinadya kong iangat ang parehong balikat sa direksiyon ni Emman upang ipahiwatig ang mensahe. Napailing ito, may munting ngisi na sa mga labi.
"You, with your switching sides
And your wildfire lies and your humiliation.
You have pointed out my flaws again
As if I don't really see them.
I walk my head down,
Try to block you out 'cause I never impress you.
I just want to feel okay again."
"I bet you got pushed around
Somebody made you cold but the cycle ends right now
'Cause you can't lead me down that road
And you don't know what you don't know."
Halos isigaw ng ilan sa madla ang mga linyang iyon, lalong-lalo na iyong mga kolehiyala sa bandang dulo. I gestured them to sing along once more as I turned my *dark voice roared into life, enough to style the technique.
"Someday I'll be living in a big old city
And all you're ever gonna be is mean.
Someday I'll be big enough so you can't hit me.
And all you're ever gonna do is mean.
Why you gotta be so mean?"
It's overwhelming to see how people enjoy your music as they cheer your name in unison. After half an hour of performing in front of this crowd, they begged me to sing just one more time.
It's already my cue to *egress but as I glanced at Mildred who was busy clapping her hands out for me, she showed me a thumbs up, telling me to grant the patron's wish. Napakamot ako sa gilid ng noo at natawa na rin sa pamimilit ng mga tao.
"Isa pa! Isa pa!"
"Last na, Mich!"
"Okay po! This last song I will cover is called Kathang Isip. Hope you like my version," sambit ko sa madla bago sulyapan si Emman na tahimik na lang na nanunuod sa gilid.
He thought we're now going. Ngunit dahil pinagbigyan ko ang kahilingan ng mga tao, nabitin ito sa paglalakad. Nakuntento na lang na nakatanaw habang nasa hamba ng pintuan, nakahalukipkip at walang pakialam sa paligid kahit may sumusubok na lumapit. I laughed mentally and started the song.
"'Di ba nga ito ang 'yong gusto?
O, ito'y lilisan na ako.
Mga alaala'y ibabaon
Kalakip ang tamis ng kahapon."
One look at Emmanuel and I'm certain he doesn't like what he's seeing, or probably, hearing.
Kahit may kalayuan ay malinaw sa akin ang nakaigting niya panga. I tilted my head a bit in confusion. But then, I still managed to continue what I'm doing.
"Mga gabing 'di namamalayang
Oras ay lumilipad
Mga sandaling lumalayag
Kung sa'n man tayo mapadpad.
Bawat kilig na nadarama
Sa tuwing hawak ang iyong kamay.
Ito'y maling akala
Isang malaking sablay."
Disliking to be distracted, I just drifted my eyes to the crowd. And unlike Emmanuel, they looked very participating and active with my performance. Napangiti ako at sinenyas na sumabay.
"Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito.
Wari'y dala lang ng
Pagmamahal sa iyo.
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito.
At sa wakas ay kusang
Lalayo sa iyo..."
I closed my eyes as I proceed with the next verse. I don't want to look at Emman. I don't like what I'm seeing on his face. It's distracting.
Nang nakausad na para sa kuro, unti-unti kong binuksan ang mga mata. I tried my very best not to peek his way but my system seemed programmed to automatically look at him.
Nakatunghay pa rin ito ngunit halos mapatayo ako nang nakita na unti-unti na itong naglalakad palabas ng Asylum.
"Pasensya ka na
Sa mga kathang isip kong ito
Wari'y dala lang ng
Pagmamahal sa iyo
Ako'y gigising na
Sa panaginip kong ito
At sa wakas ay kusang
Lalayo sa iyo..."
Inilahad ko ang kamay sa mga tao at hinayaan na sila ang kumanta ng susunod na linya. Kahit ang totoo, gusto ko lang ng sandali para huminga ng malalim.
Emman was nowhere to be found at the premises. Marahil ay nainip na't nauna na sa kanyang kotse.
"LALAYO SA," the crowd shouted in unison.
"Sumabay sa agos na isinulat ng tadhana.
Na minsan s'ya'y para sa iyo.
Pero minsan, s'ya'y paasa."
Napangisi ako sa mga kolehiyala at mga kaklaseng bigay na bigay sa pagbitaw ng mga linya.
"Tatakbo, papalayo
Kakalimutan ang lahat
Ooh..."
Pagkababa sa entablado ay sinalubong ako ni Mildred at ng kasunod kong acoustic band. Sila ang huli sa *lineup. Unang beses kong makita ang mga mukhang iyon kaya posibleng bago sila rito.
"Nice performance, Mich! Wala talagang palya!" puri ni Mildred habang ginugulo ang buhok ko pagkatapos ng kaonting usapan sa susunod sa banda.
"Syempre! Dalawang linggong tuyo ang lalamunan, e!" tawa ko naman habang inaayos ang pagkakaakay sa gig bag ng gitara.
Pinapakilala na ang huling performers nang tawirin na namin ang dagat ng mga tao. Maraming nakipagkamay at nagpakuha ng litrato at hindi ko naman iyon iniwasan. That's what you call fan service. Kaya naman feel na feel ko ang pag-pose!
Natanaw ko si Martin na nakapamulsang nakatayo sa gilid ng counter, sa dulo ng pasilyo, mukhang naghihintay sa paglapit ko dahil sa akin nakabaling.
"Hindi na masama," ngisi niya nang nasa harap na niya kami.
Pabiro siyang hinampas ni Mildred. "Anong hindi na masama? Nahahalata ko na ang mga komento niyo sa isa't isa, ha!"
Namilog ang mga mata ko nang nakuha ang ibig sabihin ni Mildred. Kulang na lang ay lumuwa na ang mga mata ko para lang ipakita sa kanya ang panlalaki ng mga mata ko. Nang nakita iyon ay tinawanan ako.
Tss. That's the exact words I said about him, too!
"Huh?" pagtataka ni Martin.
"Wala!" sabay naming sagot ni Mildred.
Napanguso ako sabay ayos ulit ng strap ng gig bag. Bumaba roon ang mga mata ni Martin. Nakahawak kasi ang kaliwang kamay ko sa strap na nakapulupot sa kanang balikat bilang suporta. Kaya nang inangat niya ang kanyang kamay at sinubukang abutin iyon, inilag ko agad.
"Tulungan na kita," aniya nang napansin ang pag-iwas ko.
Mabilis akong umiling. "Naku! Hindi na. Kaya na 'to!"
"Sigurado ka? Mukhang hirap na hirap ka dyan."
"Sanay na ako kaya wala nang proble-"
"Akin na," a familiar firm, manly voice from behind echoed on my ear.
Halos tumalon ako sa gulat nang may dumamping malaking kamay sa kaliwang kamay kong nasa balikat pa rin. Nang lingunin, bumungad sa akin ang madilim na ekspresyon ni Emman.
Napakurap-kurap ako. "Emman! A-Ako na... dito..."
I slowed down when his face furrowed more as I go on with my words. I pursed my lips. With his expression like that, for almost eight years, I know what it means.
"Akin. Na," mas mariin niyang sabi.
My lips parted. Sabi ko nga!
I let him pick my gig bag and just hand carry it. He didn't bother putting it on his shoulder. Kontento na siyang hawak iyon. And without adieu, he turned his back on us.
I noticed the ogles and murmurs around us. Sinipat ko ang ilan sa mga taong nasa paligid at napansing sinusundan ng kanilang mga mata ang pag-alis ng kaibigan. I smirked proudly before turning to Martin. Si Mildred ay tumulong muna sa stage nang tawagin dahil nagkaroon ng technical problem.
"Alis na kami, Martin. Salamat nga pala," tapik ko nang kaonti sa kanyang braso at dahil doon ay nakumpirma kong nagwo-workout nga ito.
Marahan siyang tumango. Binalingan ang daang nilakbay ni Emman bago muling bumaling sa akin.
He c****d his head on the other side before protruding his lips, trying to contain his stealthy smirk.
"Sayang. Taken na," aniya sa seryosong mga mata.
Halos malagutan ako ng hininga at puno ng pagtataka ang itsura. "What?"
Umiling na lang siya at iminuwestra na ang pag-alis ko. "Wala. Sige na. Ingat sa byahe."
"Uh... okay?" I answered hesitantly. "Habulin ko na 'yun. Bye!"
"Yeah. See you next time."
With that being said, I hurriedly turned on my back to run after that brute who left me just like that! Ano bang problema non?
Naabutan ko siyang sinasarado ang pinto sa backseat. Nilapag siguro doon ang case ko. Nang iangat ang ulo mula roon, saka lang nagkasalubong ang mga mata namin.
"Get in the car," he said coldly.
This time, he went straight to his seat. Hindi na niya ako pinagkaabalahan pang pagbuksan ng pinto. Dahil doon, lalo kong napatunayan na may problema nga ito sa akin.
"What's the problem?" I asked worriedly as I buckled up my seatbelt.
He turned on the engine and maneuvered the wheels. Abala siya sa paglingon sa likuran at sa side mirror bago ako nagawang kausapin.
"What are you talking about?" aniya, para bang walang katuturan ang sinabi ko.
Umayos ako sa pagkakaupo at nakaharap na sa kanya. "You're obviously out of the mood or something. Galit ka ba sa akin? Kung ganon, anong ginawa ko this time?"
Tumaas ang isang kilay niya at mabilis akong sinilip. "I don't know what you're talking about, Mich. But yes, I'm not in the mood. So I'd appreciate if you spare me this time."
"Emman!"
"What?!"
He turned to me with complete irritation. Napanguso ako. If I know how he gets mad at me, I also know how to get away with it. I know Emman's a brute sometimes but he has a very soft heart.
I pouted more with my puppy eyes as bonus. Mayamaya pa, hindi ako nabigo nang bumuntong-hininga siya, senyales ng kanyang pagsuko.
"So what does it mean, girl? Me being mean?" mataray na saring ng bakla, tuluyan nang binulalas ang hinanakit.
"Pfft!" I bursted out with laughters. "Definitely!"
Hindi ko lubos maisip na nagtanim siya ng sama ng loob dahil sa kantang dedicated para sa kanya!
"Tss," he scoffed dismissively.
"Teka, iyon na 'yon?!" hindi ko makapaniwalang tanong.
"Yes, Michaela."
"Hindi ako naniniwala!"
Nang tumigil ang sasakyan dahil naabutan ng stop light, agad niyang minasahe ang sentido at napahilig pa sa manibela.
Humalukipkip ako. Hinihintay ko ang totoong dahilan ng pag-aamok niya ngayon dahil hindi ako kontento sa sinabi. I know there's more where it came from!
"Since when did you learn about entertaining boys, Michaela?" istrikto niyang sabi pagkatapos ng ilang sandali.
Humarap na siya sa akin, giving me his entire attention. Samantalang ako, nanlaki ang mga mata sa pinaghalong pagkabigla at pagtataka.
"Are you talking about Martin?" I clarified.
"Yes?" he answered hilariously.
Napailing ako, hindi pa rin makapaniwala. "You know why I did that. We agreed on introdu-"
"I don't think that Martin carrying your bag is still part of the agreement," putol niya sa akin.
Bumuntong-hininga ako. Umandar na ulit ang sasakyan kaya humarap na lang ako sa kalsada.
"Alam kong ayaw mo ng may kaagaw. But there's nothing to be jealous of, Emman. Wala naman akong balak."
Hindi siya nakapagsalita. Sumulyap ako at nakita na ang mariin niyang ekspresyon ay unti-unti nang lumalambot. Bumuntong-hininga ako. I knew it. Lagi na lang ganito ang scenario. Hindi ko nga ba maintindihan kung bakit feeling niya lagi siyang may kaagaw!
Napairap ako. "You probably consider me as a threat but you know very well I'm not interested. Ikaw na nga ang nilalakad, iisipin mo pang karibal ako!"
Tinawa ko ang munting iritasyon. His lips slightly parted. He looked hesitant to glimpse at me when he seemed to say something. But in the end, Emman only pursed his lips with a sigh.
Naging tahimik at payapa na ang natirang sandali sa kanyang sasakyan. Hindi rin naman naging matagal ang byahe dahil tapos na ang rush hour. Pagkatigil sa tapat ng bahay namin, sinilip ko siya bago pihitin ang knob ng pinto.
"Thank you for driving and accompanying me today. Drive safely," matabang kong sambit.
I pushed the door beside me. Akmang lalabas na sana ako nang hawakan niya bigla ang aking palapulsuhan. Startled by his suddenness, I quickly turned my head to face him.
"Mich..." he trailed off.
I saw how his adam's apple moved when he swallowed hard.
"What?"
Ngunit imbes na sagutin ako, unti-unting lumuwag ang kanyang hawak sa aking palapulsuhan kalaunan. Hanggang sa tuluyan na niya akong bitawan.
Emman landed his hands on the steering wheel. I saw how his veins in his arms protruded when he clutched the wheel tightly.
He shook his head. "Good night."
It was almost a whisper. My eyes narrowed at him, as if he was a mystery puzzle piece and studied his face. Ngunit sa huli'y napagpasyahan kong huwag na lang din pahabain. We're just probably both tired.
"Uh... g-good night," singhap ko bago tuluyang abutin ang gitara sa backseat at bagsak ng pinto ng sasakyan.
I watched his Range Rover roared to life again. Animo'y taong tumalikod iyon paalis sa harapan ko at nagpaalam.
Pagkapasok sa bahay, hindi ko inaasahang makita ang mga magulang na gising pa rin. They're watching at the living room. As soon as they heard me enter the premises, they both stood up. Mukhang hinihintay ang aking pagdating.
"Michaela, anak," lapit ni Mommy sa akin sabay halik sa pisngi.
"Sorry. Ginabi po sa gig. Bakit gising pa kayo?"
Nilapag ko pansamantala ang gitara sa aming sectional couch nang salubungin si Daddy ng yakap.
"We have something to tell you," ani Dad pagkatapos akong patakan ng halik sa tuktok ng ulo.
My eyes examined the two of them before me. It's probably something very important to the extent they'd wait for me late this hour.
"About what?"
I even managed to laugh at their serious and stoic faces to lighten up the mood but it was of no use.
Mr. Edward Maddison heaved a deep sigh when he looked directly in my eyes.
"About what happened to your real father."
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
•
ɴᴏᴡ ᴘʟᴀʏɪɴɢ:
Adele - Chasing Pavements
Taylor Swift - Mean
Ben&Ben - Kathang Isip
──────|───────────
|◁ || ▷|
∞ ↺
March 27, 2020