Chapter 13

4458 Words
Pamphlet I love jazz. No. Screw that. I loved jazz. And having someone caught me red-handed was flustering. Jazz for me was a very flexible and versatile category of music. I found myself playing and singing along with it even without my consciousness in my everyday life. But neglecting music also inevitably means... forgetting all about it. Including jazz. After that heartfelt pep talk with Maestro Dulcet, my head's nowhere to be found the moment I dozed off the room. Gusto ko pang kumbinsihin ang sarili na wala lang iyon at nag-iisa lang naman siguro siyang makakapansin noon. Pero hindi ko pa rin maiwasang mabahala. What if other Maestros would found out about it in the near future? Bakit nga ba minaliit ko ang kakayahan nila? At first, I thought it's okay to spoil myself a little. Kanina, aaminin kong bahagyang umusmong ang tunay kong nararamdaman. It was a spur of the moment. For a second, I loosened up a bit, thinking if I'd let go some parts of it, mas kakalma ang tuksong nag-aalab na sa pag-awit kapag nagpaubaya nang kaonti. Naipon na kasi at pilit ko lang na kinikimkim. But in the end, it only turned to no good for me. Mas lalo pa ata akong na-conscious at na-distruct sa haka-hakang adhikain. Kung magpapatuloy pa ito, mas mahihirapan akong talikuran ang pagkanta o ang mismong pagtugtog kapag nagkataon. Kaya naman dapat na siguro akong gumawa ng paraan para makaalis dito. I don't care if it does me good or otherwise. Bahala na. Basta makaalis! In the middle of my reverie, I was caught off guard when I felt an abrupt vibration on my right wrist. Napasapo pa ako ng dibdib dahil masyadong malalim ang iniisip at biglaan ang pagpaparamdam ng plarameter! I lifted my right arm and tapped the screen of the device with my two fingers twice. Bahagya akong napatigil nang nag-flash ang malaking "10." Then after three seconds, it's starting to fade slowly. Tuluyan na akong pumirmi sa kinatatayuan ko dahil sa halos isang linggong klase na lumipas, nasasihan ko na rin naman ang prosesong iyon. Nang tuluyan nang kumupas ang ten doon, saka ipinakita ang previous merit points ko na "019." Nakuha ko iyon nang pinagsama ang puntos na nakuha noong orientation at sa iilang klaseng pinasukan ko rin noong nakaraang Tuesday and Thursday. It showed a little animation as if the previous merit was being erased and now, a new total of merits which is "029" flashed with some cute sparkles and musical notes around, indicating that I currently attained a new total of points which is twenty-nine. Inalala ko ang unang digits na lumabas, ibig sabihin kasi noon ay iyon ang bagong merit na nadagdag. So it means, I did good on my latest music class. Kadalasan kasi ay three points lang ang sa attendance, hiwalay pa ang sa participation na hindi ko madalas napagtutuonan ng pansin kaya laging flat three lang ang nakukuha ko sa ibang klase. Ngayon lang, kaya naman hindi pa rin nagawang makapaniwala. I even checked the track records and summary of my plarameter. Doon matatagpuan ang breakdown ng bawat puntos na nakuha, ang petsa kung kailan iyon, at maikling title para bigyan ng kanya-kanyang distinction. I scrolled it up and down. It took me almost a minute to really believe that I accumulated ten points from that class! That's too much! Bigla tuloy akong naging kuryoso kung ilan kaya ang nakuha ni Harith at ni... Rave. Should I compare? Heck, Michaela. Of course not! Where's your dignity? My ghad! Isa pa, paniguradong wala na lang iyon sa kanila. Lalo na ang Virtuoso na iyon. He wouldn't be entitled like that if he's still new to this kind of stuff. Of course he's done this for years! Hindi siya ganyan makareak, Mich. Ikaw lang ang rookie kaya ganyan! Nakakahiya ka. Ni-lock ko na lang ulit ang plarameter bago magpatuloy sa paglalakad. Medyo malayo ang building na ito sa stage na nasa tabi ng auditorium kaya ilang sandali pa bago ko napansin na may nangyayari at pinagkakaguluhan doon. I heard some feedbacks from the speakers. Balak ko kasing tumambay na lang muna sa lanai na hindi madalas puntahan ng mga tao. Naging tambayan ko na rin iyon pagkatapos bumili ng pagkain pero ngayon, mukhang hindi muna doon ang punta ko. I was maneuvering my phone as I walked towards the swarm of superstars near the stage. Hindi naman talaga ako pupunta mismo roon, lalapit lang, sapat lang na distansiya para matunghayan ang nangyayari doon. Kaso tumunog ang phone ko kaya napabaling muna roon. A message was sent by a familiarly funny register. Napatikhim ako nang ilapit ang screen sa akin. Dante "Ding" Gulapa: Busy for Kaharayan. Can't accompany you today. Sorry din sa kanina. Bawi si Ding next time. Tuwing nababasa talaga ang pangalan niya sa contacts ko, hindi pa rin pumapalya ang tawa. Naalala ko 'yung reaksiyon niya nang nakita iyon kaya naman ang loko, ginantihan ako! I told him to change that! But he told me his condition that I should change his name, too. Sa huli, patigasan kami! Dahil pinanindigan ko, pinanindigan niya rin ang ginawa niya sa number ko. Michae "Lasingh" na Darna. I rolled my eyes whenever I remember that nasty name. So corny! Me: Ayos lang. I sighed as I put it back on my pocket. Wala naman talaga iyon para sa akin. Sa katunayan, mas nag-aalala pa ako para sa naging gusot nila ni Eli. Sa kanilang lima, napansin kong silang dalawa ang madalas magkasundo sa maraming bagay. Allen is too busy with his own gigs and family business. Si Miles naman ay may pagka-playboy, bagay na hindi karaniwang makikita kay Dante dahil palakaibigan ma'y tanging purong pagkakaibigan lang talaga ang intensiyon. Samantalang ang kaibigan niyang iyon, busy masyado sa mga babae tuwing walang banda at bakante ang oras. Meanwhile, Ezra, he's too... snob, stern, mysterious, and opinionated. Dagdag pa na nalaman kong abala pala sa SOLMA bukod sa pagbabanda. Kaya naman sa apat, si Eli lang ang nakakasabay sa mga happy-go-lucky trip ni Durante. Hindi na nakapagtataka. "Hello hooray, superstars!" Mula sa kawalay ay inangat ko na ang tingin sa entablado. Isang taga-SOLMA ang naroon sa gitna, hawak ang asul na mikropono, at may suot ng headphones sa leeg. I stepped aside along the lanai. Ang mga estudyante roon na kanina lang ay nagpa-practice ng kalimba, nakihalubilo na rin sa madla para makinood. "Let the show begin, we've been ready!" sigaw pabalik ng mga estudyante. I leaned on the post as I watched them do their battlecry all over again. "Hello hooray, superstars!" "Let the lights grow dim, we've been ready!" The SOLMA effem, called DJ Duckiec, extended his other hand and pointed at the crowd. "Ready as this audience that's coming here to dream!" "Loving every second, every moment, every scream!" sagot ng mga tao sabay buwelo sa pagsigaw. "I've been waiting so long to sing my sooong." And there, they ended it with an impeccable blend. They clapped their hands and jumped with full energy. "Hello hooray, superstars!" "Hello hooray, DJ Duckie!" "Let me hear your scream!" Behind the turntable, mixer, decks, and other controllers, the effem maneuvered the disks, turned knobs, slid faders, and the oozing sounds of his tracks made the crowd even wilder. I've personally known several disc jockeys. Nakakasalamuha ang iba sa gigs, sa night clubs, at concerts. Some of them are good and some are average. They're mostly sessional at ibang usapan na ang mga professional DJs na tinitingala ko rin internationally. Kaya naman ang makakita nang live rito sa Damgeen ng isang DJ na kasinghusay tulad ng baklang nasa entablado, sinasabayan sa pagtalon ang mga tao kahit abala ang mga kamay sa gears, ay hindi lang isang pangkaraniwang tanawin na matutuklasan mo sa isang ordinaryong araw. Though, as strange as it may seem, the quadrangle is now very packed and untamed. There's also a mosh pit going on near the stage and thus marshals are doing something about it already. Muling lumapit ang DJ sa mikropono at tinaas ang kamay. He yelled something to hype the crowd up. Doon gumana ang smoke machines sa paligid ng entablado na binibigyang kulay ng mga laser lights. Sa kaliwang bahagi ng stage ay mayroong malaking LED screen habang sa kanan naman... sa kanan naman... Ano iyong nasa kanan? Siningkit ko ang mga mata at ikiniling ang ulo para titigang mabuti ang kakatwang aparato roon. Natawa ako at napatikhim nang natanto kung ano iyon. Ironic as it may sound, but it's a modern grandfather clock, very massive, almost the same size as the big screen. Malaki iyon at hindi pangkaraniwan, tila ba espesyal na inimbento para lamang dito sa partikular na segment. The clock itself at the upper part of it is larger than usual, emphasizing the intricate elements inside. Instead of timepieces, it indicates a sequence of numerical points while a large gong was installed to act as the clock's pendulum bob. Hindi tulad ng ordinaryong grandfather clock, ang isang 'yon ay mas simple at moderno kung tignan. No need for the ornate casings and frames. Nakabalandra lang ang batingaw na para bang handang-handa nang mahampas. "For now, that's all for the opening, superstars! Let's begin with the main event... And for this year, who do you think... will be the first superstar to take on the stage, blow our minds, and tick the clock of fortune?! Is it one from the rookies? Or one from the masters?" Kanya-kanyang sigawan at cheer ang dalawang segment na tinukoy. Ang mga junior high at senior high. "Is it one from the superstars? Or one from the geniuses, maestros, or virtuosos?" Then his face was flashed on the big screen to emphasize his facial expressions with meaningful looks. "Or maybe... just maybe!" The crowd jumped and screamed excitingly, like they anticipated what will be mentioned next. Tumawa sa mikropono ang DJ na siyang host ng palabas na ito. Nilayo pa nang kaonti ang mikropo para umubo at bumwelo. "Maybe one from the Triad of the Year!" The quad was filled with liveliness while I was still perplexed. Triad of the Year? Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Doon ko lang nalaman ang kahulugan noon nang i-focus ang camera sa magkakabilang panig. Malapit sa stage ang grupo ni Bridgette Madrigal. Sila ang unang na-feature sa LED screen. Lahat sila ay mabikas na kumaway at humalik sa ere nang itutok sa kanila ang camera. Hindi naman magkamayaw ang mga tagasuporta. God knows how hard I tried to fight every ounce of my urge to roll my eyes! Sunod na ipinakita ang Kaharayan. Unlike Bridgette Madrigal's group sitting like queens on their thrones, Kaharayan was contented standing in front of the stage on the right part. Nasa gitna si Dante, tuluyan kong natukoy ang ibig niyang sabihin sa text. Mukhang abala nga para sa banda dahil sa kaganapang ito. When they learned that it's their turn, they showed their iconic wave and hand movements. First, they put their right hands on their chests with a vulcan salute then lifted it up on the air aslant. Habang nakaganon, ang kaliwang kamay naman na nasa ibaba ay binalandra ang kani-kanilang gitnang daliri. I flinched. What the hell? Is it even allowed? Heck, they're just showing off their middle fingers to the public for Pete's sake! They extended their both hands with those gestures having the right on the level of their forehead and the left just extended in front. Sinabayan naman iyon ng mga tatawa-tawang estudyante. Kaya napatikhim ako nang sabay-sabay nilang binagsak ang vulcan salute sa bad finger, having the bad fing in the middle of the vulcan's space, just in between the middle and the ring finger of their right hands.          And to end that, they gestured "OK" using their right hands. Lahat iyon ay nangyari lang sa isang iglap. Just like how you count one to five steps in dancing! Napailing ako, nakahalukipkip at natawa na lang sa kalokohan ng Kaharayan at ng mga ally nito.  Thinking about their silliness and their leader himself makes sense. No wonder they're crazy like that. Taming them is a futile attempt. Sunod na pinakita ang PRIMO. Kapansin-pansin na iba ang crowd nila sa crowd ng nauna sa kanila. Pero mahihinuha rin na magkakasama ang sa kanila at kina Bridgette Madrigal, making the Kaharayan with less followers. That's when I realized that the Triad of the Year is composed of them, the three higher genius, maestros, and virtuosos. Nga lang, sa pagkakataong ito ay nakasuporta ang mga kabanda ni Bridgette sa kanya kahit siya lang naman ang kinoronahan bilang GOTY. But all that being said, may isa pang kapansin-pansin sa grupo ng PRIMO. Hindi sila kompleto. Rave Jackson is nowhere to be found and as far as I remember, he's probably enjoying his stay at detention. I smirked. Hanga nga naman ako sa kapangyarihan ni Maestro Dulcet. Akalain mong napasunod niya ang isang iyon? I didn't expect him to really obey that one! Muling napukaw ang atensiyon ko nang naging makulay ang LED screen. At first, I wasn't able to figure out what's up. But when the loops of pictures slowed down a bit, that's when I recognized series of faces and names of Damgeen students or what they call superstars. Ano naman 'yan? Pinagmasdan ko lang iyon gaya ng iba pang estudyante. Bahagyang tumahimik ang paligid ngunit may iilang nag-iingay pa rin naman. Ang iba ay mukhang kabado samantalang excited naman ang natira. Kinagat ko ang labi at napaahon na sa pagkakahilig para tanawin nang maayos ang rounds na nagdahan-dahan na hanggang sa wakas, huminto na iyon at isang grade 11 student ang nakalantad sa big screen base sa detalyeng makikita sa ilalim ng headshot nito. The group at the farther back made some noises. May nagtaas ng violin at natanaw ko ang parehong babaeng nasa screen na kasalukuyang binabaybay na ang daan patungo sa entablado. Okay? What is this? As if someone heard my confusions, I felt that someone's presence beside me. Mabilis kong nilingon iyon at laking gulat na mamukhaan ang isang medyo pamilyar na babae. "Clock Out." Napataas ang kilay ko. Oh, the timid and awkward girl has the courage to initiate a talk now, huh? That's a progress. Nang napansin na nakatingin ako sa kanya ay bumaling din ito sa akin mula sa pagtanaw roon sa malayong entablado. She's hugging her books again. She's a nerd, I suppose. When she caught me staring at her, she flickered and cleared her throat, pulling away from the eye contact. My lips twisted. This is one of the main reasons why I always do stereotyping. Because they sometimes prove I'm right! Most of the time... not. Tinanaw ko na lang ulit ang babaeng ngayon ay nagba-bow na sa entablado. When she did the first note, I must say that piece is familiar. Cavatina of Nicanor Abelardo. I always here this. Very pleasant to the ears, a tad sad though it may be. "It is a public recital every Tuesday starting today," the awkward girl continued. "Five superstars per Tuesday. Lahat tayo, sasalang dyan. If you're a soloist, then you go alone. If you're in a band, then you'll play together. And the rest will follow. Be it duo, trio, quartet, orchestra, marching ba-" Tinikom na nito ang bibig nang nilingon ko, hindi ata napansing masyado na siyang maraming kinukuda. Nagkibit-balikat ako at humarap na lang ulit sa tanawin. Wala namang problema sa akin kung dumaldal siya buong araw. Sadyang hindi ko lang inaasahan ang improvement ng batang ito. After the bow, the girl rested her violin on her left collarbone with the support of her shoulder. My lips protruded as I observed her movements. You know, posture is a very vital part of playing this instrument and I think she just nailed it with her shoulder rest and left hand mechanics. Hindi man ako ganoon karunong pagdating sa violin pero masasabi kong marunong ang estudyanteng 'yon. Overall, she looked well-balanced and relaxed. One will take a lot of practice, pain, and discipline in order to achieve an effortlessly good posture like that. At bukod pa man sa postura, halata rin namang naaliw ang mga tao nang tumugtog na ito nang tuluyan. "The randomizer will pick the lucky five. Whereas that clock will serve as the scoreboard of the recitalists. If you'll notice, there are only ten digits that act as the hours of the clock in contrast to its original twelve figures," muli niyang sabi, tila ba hindi talaga mapigilan ang pagti-trivia sa akin. Sige nga. Sakyan ko na rin tutal at informative naman. Kusa niyang binubusog ang kuryusisad ko. "Then what's with those ten?" tipid ngunit direkta kong tanong. She looked overwhelmed with my response. Akala niya siguro ay hindi ko pauunlakan ang kadaldalan niya kaya napaurong nang kaonti. Napailing ako at lihim na napangisi bago humarap na lang ulit sa nagtatanghal. "Those ten uhm... r-represents the merits the recitalists are attaining each p-passing minute. Every figure means one minute. Uh... H-Hence the maximum of ten minutes for every turn of recital," tigil niya. Kahit hindi na tignan pa, ramdam ko ang pasulyap nito sa akin para suriin ang reaksiyon ko. Ang reaksiyon kong pinagkait ko lang kaya nagpatuloy siya. "But uhm... if the piece is... shorter than that, you can always input the time duration on the clock and it will uhm... a-automatically adjust its duration as well... with a m-minimum of five minutes." This time, I chuckled shortly. "Oh, ba't ngayon nauutal ka na?" may halong panunukso kong sabat, hindi inaalis ang mga mata sa pinapanuod. Medyo nakuha ko na rin kasi kahit papaano sa pamamagitan ng sinasabi nitong batang ito at pagsuri ko doon sa malaking orasan. Malinaw naman ang mga figure na nakalagay kaya madaling intindihin kung pakikinggan ang sinasabi ng kasama ko. Nasa pinakatuktok ang 100 kung saan naka-locate ang 12 o'clock. Samantalang 10 naman ang nasa 1 o'clock. So by that, we can now tell the sequential pattern. 10, 20, and so on. Sa pagitan pa ng malalaking figure na iyon ay ang mas maliliit na linya, probably the intervals between two figures since the hand is definitely not just jumping out from one bigger figure to another bigger figure. There are still intervals in between for a more specific total of merits earned. "How about the gong?" puna ko nang muling napansin iyon. For the second time, I heard her furtive giggles. "DJ Duckie will smash it if the juries signaled him so, to stop the clock from ticking and to dismiss the recitalist. Kung saan lang tumigil ang kamay ng orasan, iyon lang ang makukuha niya. And once the recital has badly ended like that, the audience will shout 'Cut Out.' But if the recitalist was able to successfully finish his entire performance without the so-called 'gong intervention', then the audience will shout 'Clock Out.' And booyah, fireworks and confettis." And just like that, as if a cue, we heard the audience screamed and applauded while shouting the phrase "Clock Out." Nagsiputukan ang munting fireworks na sinamahan ng pagbuhos ng mga confetti sa entablado. As a result, the girl bowed courteously to show her gratitude. Damn. Not bad for a first. She received an additional perfect 100 merits to her plarameter for successfully playing her piece without the gong intervention until the end. DJ Duckie then declared her as the rank 1 for today's current tier in PLARAmeter. Mukha kasing aktibo pa sa mga klase kaya maganda na talaga ang track record ng plarameter bago pa man isalang sa Clock Out. I rose from my spot and readied to leave. Oh, edi siya na. Pake ko ba? "Look what we have here..." Isang grupo ng mga senior high ang dumaan sa lanai at napansin kami. Walang kabuhay-buhay ko itong pinagmasdan habang naglalakad patungo sa amin. How I wish these people would stop wasting their time to pester me. Bumuntong-hininga ako nang nadama ang pagod sa lahat ito. I could always fight back but they're always outnumbering me. Kaya kong ipagtanggol ang sarili ngunit may limitasyon din at napapagod. Sinulyapan ko ang kasamang junior high na mukhang wala nang nutrisyon sa katawan at napaismid na binalik ang mga mata sa mga bisita. I don't have any plans on involving someone else in this mess. Should I ask this kid to leave or- "What a combo! Hanging out with the Darna, Bria? Hoping for a savior in this hero?" halakhak ng isang babaeng may dalang gitara. Bumaling naman sa akin ang isa habang baon ang nakakalokong ngisi. "She's not even a hero. Remember? Dangerous Woman nga, 'di ba?" And the list of insults they had for me went on. However, it wasn't what I was bothered for. Nilingon ko ang kasama kong Grade 10 na ngayon ay nakayuko na at mahigpit ang pagkakayap sa mga libro. Bria? Why does it sound familiar? Ang mga nang-aasar na tawanan ng mga senior high ay dumadaan lang sa tenga ko hanggang sa napagkasunduan nang lumarga. "Birds with the same feather flock together indeed," the girl with a guitar quipped one last time before intentionally bumping her guitar on my body. Nang dumausdos ang pisi noon sa akin dahil sa marahas at bayolenteng pagkawag niya roon, napadaing ako sa hapdi nang bahagyang nadaplisan at nahiwa ang balat sa braso. I don't know if that's intentional but I didn't bother asking for it. Tinanaw ko ang natamong sugat at halos maiyak sa kahindik-hindik na kinalabsan. I clenched my jaw as soon as I saw how bad it looked like. Hindi gaanong napuruhan ngunit hindi magandang tignan! Hindi naman sobrang lalim pero medyo mahaba ang hiwa dahil malubhang nadali. Wala namang tumutulong dugo pero medyo buka ang balat at namumula pa. "Y-You have a cut!" medyo tarantang bulalas ng babaeng tinawag nilang Bria. Umiling ako nang kaonti para ipakitang hindi naman ganoon kalala. Ngunit nang subukan kong dampian ng hawak ang palibot ng sugat, hindi ko na naiwasang mapadaing. "I-Infirmary! Should we g-go there?" Nasa harapan ko na ang kasama. Bumuga na lang ako ng malalim na hininga bago ibaba ang braso. Medyo tinago ko pa sa likod ko. Pumeke ako ng ubo para pukawin ang atensiyon niya at salubungin ng tingin. "Your name is Bria?" hindi ko na napigilan pa ang kuryusidad, intensiyon na ring ilihis ang usapan kahit papaano. This cut can wait. My curiosity can't. I just hate that feeling when there's something you can't stick out your tongue even if it's already at the edge of discovery? But still can't determine it? Damn it! That's exactly what's going on with me! Kung hindi ko ito malaman ngayon, takot ko pa na baka hindi ako makatulog nang maayos mamayang gabi kaiisip! I saw how hard she swallowed. Horror was displayed on her face as she lifted her eyes to look back at me. "Y-Yeah..." lantutay niyang sagot, nilingat na ang ulo para suyurin ang paligid, animo'y may hinahanap at nang nasigurado na, malalim itong bumuga ng hangin. My eyebrows formed into a straight line. "Bakit pamilyar?" I frankly claimed. Hindi ako makapaniwala sa sariling tanong ngunit nagbabaka-sakali pa rin na may isasagot siya roon. Mula sa paligid ay nilipat na niya sa akin ang atensiyon ngunit hindi rin nagtagal at umiwas din. "I-I told you... You're gonna hate me, too, after you get to know me," she claimed quietly. Pinanliitan ko ito ng mata. "Why do you like to talk about ends when we don't even know each other yet? You're judging me, butterfingered." Napatigalgal siya ngunit sa huli, umiling na lang at naghanda na para sa pag-alis. Pailalim niyang tinanaw muli ang braso ko bago tumikhim. "V-Visit the infirmary for your cut. Kailangan po na malinisan 'yan." Bahagya siyang yumuko. "And... rumors about me probably reached the new students like you. After all... I'm the unwanted one here," she said without waiting for my reply. Halos malaglag ang panga ko nang iwan ako nang ganon-ganon lang. How dare that clumsy kid?! Unwanted one my ass. Then what am I? The hideous one? Dahil sa munting iritasyon buhat ng paglayas sa akin ng batang 'yon, napagpasyahan ko na lang na huwag nang intintidihin pa ang alamat ng pangalang iyon at nagsimula nang tahakin ang sunod kong pakay. Syempre dahil matigas ang ulo, hindi ako sa infirmary pupunta. Wala naman ito at malayo sa bituka. Marami na akong natamo na mas malala pa rito kaya hindi na kailangang palakihin pa. Hindi pa tapos ang Clock Out pero bahala na sila sa buhay nila. It's not as if I want to observe them to be able to compete with them someday. Wala naman sa akin iyon. Mapang-iwanan man o manguna, lalayasan ko na naman ang lahat ng ito. I went straight towards the Office of the Supreme Organization of Leaders in Music and Academe (SOLMA). Binasa ko iyon sa door plate na nasa itaas ng kanilang pintuan bago pasadahan ng tingin ang buong paligid. Medyo malayo ang parteng ito ng eskuwelahan. Sakop nila ang unang buong palapag at ang ilan ay pinagagamit sa iba pang organization at clubs na hindi sakop ng Damgeen. Pero ang alam ko, iba pa talaga ang mga club na specialized sa music. Nanatili lang ako sa pasilyo at walang balak na kumatok doon. I'd swallow a bucket of nails before doing that. I spotted a kiosk near the concrete railing. Mayroong display rack sa counter doon at lumiwanag ang mukha nang nahanap na ang mga pamphlet! I will never admit being interested with Damgeen's thingamajigs. It's just that, my curiosity's consuming me up. I hate it when people made me feel like I'm the most oblivious one and the only answer I could think of lies beneath these freaking pamphlets. Nakapamewang akong tumunganga sa kiosk at napanguso nang nalito kung saan ba roon ang dapat na kuhain. Ang dami kasi, iba-ibang edition sa iba-iba ring kulay. May namataan pa akong mangilan-ngilang issues din for the past two years. Inalala ko kung alin doon ang partikular na pamphlet na pinapamigay noong unang araw ng klase. Was it the green one or the yellow one? Or was it in the shade of blue? Kinagat ko ang labi nang muli na namang humapdi ang sugat. I peeked at it and waited for a while to endure the pain. Later on when it's already bearable, I crossed my arms as I extended my right hand, lifting up the colors of pamphlet I have in mind to check them one by one, when a large hand stretched out from behind and grasped the edge of the counter. I jolted in surprise. Nahulog ko pa ang pamphlet na kasalukuyan kong binabasa kaya hindi ko tuloy malaman kung ano ang uunahin. Ang pagsaway ba sa lalaking biglang sumulpot o ang pulutin iyon! Pinili ko ang huli at umamba nang yuyuko para abutin iyon nang unahan na ako ng kaharap. I raised my brow as I rose from slant position slowly. Ngunit dahil nakalawit pa ang kanang braso dahil sa pagtatangkang pulutin ang pamphlet, nasulyapan niya iyon habang tumutuwid na rin sa pagkakatayo. Agad ko iyong hinawi paalis sa kanyang tingin. The guy snorted and effortlessly returned the pamphlet back to its place on the rack without looking at me. I gaped, still surprised to see him this time in this way. He looked undeterred even with my intent eyes fixated at him. Napailing ako, talaga nga namang hanga sa dating ng isang ito. Binalik ko na lang ulit ang mga mata sa rack na inaasikaso niya at sa unang pagkakataon, binanggit ang kanyang pangalan. "Ezra..." I called under my breath, relenting. He remained situated and unbothered. Tuloy, nagbago ang disposisyon at napagpasyahang ituloy na lang ang panunudyo. Hmmm. I curved my lips and chuckled. "Or should I say... Honcho?"         April 22, 2020
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD