[C]hapter Twenty Three ...hindi pa nakakalipas ang isang buong araw nang sinimulang magbigay ng malaking pabuya sa makakapagturo o makakahuli patay man o buhay sa mga gumagalang serial killers ng mga bakla ay higit sa sampong bangkay na hinihinalang bagong nabiktima ang mga narerekober ng kapulisan sa loob Metro. Nadagdagan pa ito ng nadagdagan sa bawat araw na lumilipas; karamihan sa mga pinapatay ay iyong mga hindi halatang bakla at mga bisexuals. Hinihinalang isang grupo o organisasyon sila Dahil na rin dito, maraming natakot, may mga kaso na nagpapakamatay na lang daw at nakokompirmang nakatanggap ng mga death threats. Ang mas malubha pa kasi nito, hindi lang sila basta pinapatay..... Sinusunog ang katawan nila na para bang galit na galit talaga ang mga taong ito sa mga baklang ka