PROLOGUE
Loud music. Crowded people. Lights. Cameras.
Lahat sila ay halatang excited na sa iniidolo nilang boyband group na mas kilala bilang IV Serenades. This will be their first time to have their concert, at talagang suportado sa kanila ang mga fans nila. Am I a fan? Probably I am.
Ngunit hindi lang ako nandito bilang isang fan. I came here because of someone and I'm more excited than their fan. After two years, I will be able to see him...again. Gaya ng ipinangako ko sa kanya, hinding-hindi ako mawawala sa first-ever concert niya. I can cancel all my appointments just to attend his concert. I am this supportive when it comes to his dreams.
I bought a VIP ticket para naman kitang-kita ko siya nang malapitan. Finally nakamit niya na ang noon pa ma'y pinapangarap niya na. Dati isa lamang siyang sikat na vocalist sa paaralang pinapasukan namin. Tapos nagsimula na siyang kumanta sa mga restobars, weddings, at kung anu-ano pang events. Hanggang sa nag-audition siya to be a member of a Ph boyband. Lahat ng 'yon ay ako ang kasama niya. I was there supporting him all through out and giving him the assurance and confidence he needed. That's his dream, e. I should be there supporting him.
Ngayon, he's finally a member of this famous band, and this night will be their first concert. I am really excited to see him on stage while singing and performing in front of their fans.
When I reached my seat ay napansin kong wala pa si Rita do'n. I texted her and asked her kung nasaan na siya. Ilang sandali pa nang paghihintay ko'y may biglang tumapik sa balikat ko. It's Rita. Napatayo ako para yakapin siya. It's been two years since we saw each other pero we never lost connections. Gaya niya ay fan niya rin ang bandang ito. Crush niya kasi 'yong isa sa mga members.
"Ang tagal mo, ha!" reklamo ko.
"Dinumog kasi 'yong entrance. May dumating kasi na babaeng artista. Hindi ko nakita kung sino pero ang sabi nila'y si Misty Lee raw," aniya.
"Really? She's a good artist at ang ganda rin non! If she's actually here, ano naman kaya ang ginagawa niya rito?"
Nagkibit-balikat naman si Rita bilang tugon. Habang naghihintay ay kung anu-ano pa ang napagkwentuhan namin. When the emcee started talking ay biglang naghiyawan ang mga tao sa loob ng coliseum. They were all screaming and cheering with so much excitement. Iyong iba pa ay itinataas ang mga banners at merchandise na ginawa nila. Ramdam ko ang suporta at pagmamahal nila para sa grupong ito. Pati ako'y na-excite na rin. Our attention diverted at the stage while waiting for this band to show up on stage.
Kumakabog ang dibdib ko habang nakatutok ang atensyon sa harapan ng stage. Bitbit ko pa ang regalo ko para sa kanya. It's an album of his favorite international singer at may signature pa ito galing dito personally. Sakto kasing naging guest ko siya sa barko na pinagtatrabahuan ko so I took the opportunity to get a fan sign from him. I'm sure he will be happy to see my gift.
Kumusta na kaya siya?
Ano na kayang itsura niya ngayon?
Ano kayang magiging reaksyon niya kapag nakita niya ako?
Will he be suprised?
It's been two years...
Then the music started.
"Handa na ba kayong makita ang nagu-guwapuhang myembro ng IV Serenades?" pa-suspense na tanong ng emcee. "Because me myself is also excited to see them!"
They all began to scream as they heard the emcee.
Kung anu-ano pa ang sinabi ng emcee ngunit hindi na ito rumirehistro sa utak ko.
"Let's welcome, IV Serenades!"
Dumoble ang ingay at hiyawan ng mga tao nang bumukas ang LED sa harapan and it was them coming out. Tila na-estatwa ako't hindi makagalaw sa aking inuupuan.
Napangiti ako nang makita ko siya.
Lalo siyang gumwapo.
Tumangkad siya nang kaunti at humaba ang kanyang buhok na ngayon ay nakatali. It doesn't look bad dahil mas lalo lamang siyang naging gwapo dahil sa buhok niya.
Parang nag-slowmo ang paligid at tanging sa kanya lang nakatutok ang atensyon ko.
"Magandang gabi sa inyong lahat!"
Nagwala ang mga fans nang batiin sila nito.
Isa-isa na silang nagpakilala.
He's the last person who introduced himself.
Para akong nalagutan ng hininga nang siya na ang nagpakilala.
"I am Ethan, the leader and main vocalist of the group. Masaya akong makita kayo rito. Hindi namin lubos akalain na ganito karami ang mga taong humahanga at sumusuporta sa'min. Maraming salamat sa pagpunta!"
"So Ethan, is it true that you are in love right now?" tanong ng emcee.
Napangiti si Ethan dahilan para maghiyawan ang mga fans nito. Parang mawawasak na ang coliseum sa sobrang pagwawala nila.
Nahihiyang tumango si Ethan.
"Is she here?" muling tanong ng emcee.
Itinapat ni Ethan ang hawak niyang mikropono sa kanyang bibig. "Yes," tipid ngunit nakangiti niyang tanong.
"Omg, Ligaya! He knows that you're here!" na-e-excite na sabi ni Rita habang niyuyugyog ako.
Sa two years na magkahiwalay kami ay never kaming nawalan ng connection sa isa't isa. It was hard to be away from him but I'm glad that we never loss communication with each other.
Ang sabi ko, sa pagbabalik ko ay hindi na ako muling aalis.
He doesn't know that I already came back after two years.
I never told him na uuwi ako.
I want to surprise him.
"Can you name the girl you're in love with?"
Pinasadahan pa ni Ethan ng kanyang daliri ang buhok niya. That's his gesture sa tuwing nahihiya siya. I knew him very well. Hindi pa rin talaga siya nagbabago.
Lahat ay natahimik—tila naghihintay ng sagot galing sa kanya.
"It's Misty Lee. We're finally official," tugon ni Ethan. Saktong dumako sa'kin ang kanyang tingin pagkatapos niyang sabihin iyon.
Nagkatinginan kami sa isa't isa.
Kita kong natigilan siya nang makita niya ako.
He wasn't expecting to see me here.
Parang dinurog ang puso ko.
Ngumiti ako sa kanya. Isang pilit na ngiti.
Paanong... hindi na ako?
Sa two years na wala ako, tinanggal niya na pala ako sa buhay niya.
I am Ligaya Buencamino, Ethan Lerwick's first and only girlfriend. That's what I thought. Niloloko ko na lang pala ang sarili ko.