NAKAHINGA nang maluwag si Selena nang sa wakas ay sagutin ni Adam ang tawag niya. Napasulyap siya sa kanyang relo. May labing limang minuto pa mahigit bago ang oras ng pagkikita nila ng binata. Pero hindi na siya mapakali. Ganoon siya parati sa tuwing may fashion show at ilo-launch ang mga damit na siya ang nag-design. Kahit pa kampante sa mga likha ay kinakabahan pa rin talaga siya. Si Adam ang nangakong susundo sa kanya at siyang magiging escort niya sa gabing iyon. Sa tuwing mayroon silang okasyon na pupuntahan na may kaugnayan sa kani-kanilang mga trabaho kung saan muli silang haharap sa mata ng publiko ay parati naman siyang nasasamahan ng kanyang fiancé, sa awa ng Diyos. Sa mga date o personal na lakad lang nila talaga madalas na sumasablay ang binata. Inipit ni Selena