ANO BA ‘tong ginagawa ko? Naisaloob ni Dean habang pinagmamasdan ang nakapikit na si Selena. She was kissing him back with tears in her eyes. Dapat ay pakawalan niya na ang dalaga kaysa tuksuhin pa ito, kaysa udyukan pa itong makagawa ng kasalanan sa kapatid niya. Dahil bago pa man dumating si Dean sa buhay ni Selena ay nakaplano na itong ikasal sa kapatid niya. Hindi man ang dalaga at si Adam ang mismong may plano niyon ay nakasisiguro siya na matutuloy pa rin iyon dahil halos kilala niya na rin ang mga magulang ni Selena lalo na ang ama nito. Alam niyang igigiit ng huli ang gusto para lang maprotektahan ang kompanyang minana nito at para mas palakasin pa ang kapangyarihan at mga koneksyon ng mga ito. Kung kay Adam maikakasal si Selena ay masisigurong mapapanatili ang estado sa lip