“NGAYON LANG ako makikiusap sa ‘yo, Adam.” “What is it? Kahit na ano, sweetheart.” Inabot ni Adam ang mga kamay ni Selena na nakapatong sa mesa. “Just tell me.” Sunod-sunod na napahugot ng malalim na hininga si Selena bago dahan-dahang kumawala mula sa pagkakahawak ni Adam. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang o talagang dumaan ang kirot sa mga mata nito. Gayunman ay nagpakatatag siya. Nauubos na ang oras. Kulang dalawang bwan na lang bago ang kanilang kasal at nai-annouce na ang petsa niyon sa mga dyaryo. Nauna pang ma-interview tungkol roon ang excited niyang ama at ang ina ng binata kaysa sa kanila na mga ikakasal mismo. Kailangan niya na ng kooperasyon ni Adam. “Help me stop the wedding.” Natulala si Adam. Ilang minuto ang lumipas bago ito nakabawi. “Pero