“WHAT’S the matter? Bakit ka umiiyak?” Nagmamadaling nilapitan ni Dean si Selena nang maabutan niya ito sa kanilang kwarto na lumuluha habang nakatitig sa laptop nito. Naupo siya sa tabi nito sa kama at mabilis na pinahid ang mga luha nito. “I read something on the internet.” Emosyonal pa ring sagot ni Selena. “Wala daw forever.” Pigilan man ni Dean ay natawa pa rin siya. Simula nang magbuntis si Selena ay naging emosyonal na ito. Pero walang kaso iyon sa kanya. Ikinaaaliw niya pa ngang makita ang ganoong side nito. Selena can really be cute at times. Marahang iniangat niya ang baba nito para magsalubong ang kanilang mga mata. “Believe in forever. It does exist.” Napasigok si Selena. “Talaga?” “Yes.” Nangingiti pa ring tumango-tango si Dean. “Forever is you and me s