Chapter 3

2288 Words
Chapter 3 Sky's Pov: " Ano na!? Labas!!." Dali dali naman akong lumabas ng kwarto. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ng aking mga mata. Si kuya Axel! Ang kuya ko ay may kasiping na isang babae! Agad akong naglakad papunta sa sala. Hindi naman ako makalabas ng bahay dahil hindi pa ako naka damit. Wala pang sampong minuto ay nakita kong bumaba ang aking kuya kasama ang babaeng kasama niya kanina sa kama. Halata sa kanyang mukha ang inis. Hindi ko naman sinasadya na makita ang ginagawa nila eh. Malay ko ba na ganun pala siyang lalaki. Dumeretsyo sila sa pinto at lumabas. Ako naman ay bumalik sa kwarto para makabihis. Pagpasok ko ng kwarto, kitang kita ko ang kama na magulo. Halatang may naganap na wrestling kanina. Hindi ko na lang pinansin ang kama at kumuha na lang ako ng aking damit. Habang nagbibihis ako, biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napalingon ako sa may pintohan at kitang kita ko ang aking kuya na nanglilisik ang kanyang mga mata. Yumuko na lang ako dahil sa takot. Hindi ko alam kong magsosorry ba ako o ano. Basta hindi ko alam ang aking sasabihin. Nagsimula na akong maglakad palabas ng kwarto pero napatigil ako ng mapansin kong hindi pa umaalis ang aking kuya sa pagkakatayo sa may pintohan. " Istorbo!!" Rinig kong sambit niya sa akin. Hindi ko na lang pinansain kung ano man ang kanyang sinabi. Pinilit ko na lang ang sarili ko na lumabas ng kwarto pero hindi ako nagtagumpay. Hinawakan niya ang aking braso at itinulak niya akong pabalik sa loob ng kwarto. " Saan ka pupunta!?" May Galit sa tono ang kanyang boses. Gaya kanina, hindi ako makasagot dahil sa takot. Tumingin na lang ako sa sahig at hindi sumagot. " Akala mo ganun na lang yun!? Nabitin kaya ako! Hindi ako nakapaglabas!" ani niya sa akin. "Ha?" Nagtataka kong sambit. Anong gusto niya? Ako ang magpatuloy sa naudlot na pagpapalabas niya ng kung ano diyan sa katawan niya? . " Tapusin mo ang hindi nagawa ng babae kanina!" Matigas niyang utos sa akin. Lumaki ang aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Seryoso ba siya? Ako talaga ang gagawa? Ano ako? Tagapagparaos ng hindi natuloy na pagsabog? " Sige na! parang gusto mo naman eh!" Dagdag pa niya. Tinulak tulak niya ako hanggang makarating kami sa kama. Napahiga ako sa kama sa huling tulak niya sa akin at dinaganan. Pilit niyang tinatanggal ang aking damit pero hindi ako pumayag. Nang muntik na niya akong tuluyang mahubaran, inipon ko lahat ng aking lakas para maitulak siya. " Kaya naman pala ganyan na lang ang tingin ng mga tao sayo! Isang lalaking walang utak, isang lalaking walang respeto at isang lalaking tapunan!" Dahil sa galit ko ay nasambit ko ang mga katagang yun. Agad naman siyang tumayo at hinawakan ang aking leeg. sinasakal niya ako!Napahiga ulit ako sa kama ng dahil sa kanyang ginawa. Takot! Takot ang nararamdaman ko ngayon. Ang kanyang mga mata na nanlilisik at parang gustong pumatay ng tao, ang matang puno ng galit pero kitang kita ko ang kalungkutan sa likod ng ipinapakita niya. " Wala kang alam! Wala kang alam tungkol sa akin, sa buhay ko! Kaya wag na wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan!" Galit niyang sambit sa akin habang nakasakal ang kanyang isang kamay sa aking leeg. "Ku..kuya.." Pilit kong pagpupumiglas sa kanya. " Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ko, hindi mo alam kung ano ang nangyayari sa buhay ko! Alam kong ganun ang tingin ng mga tao sa akin pero kilala ba nila ako? Alam ba nila ang buong kwento? Hindi! Kasi wala kayong alam sa akin! Puro kayo panghuhusga!" Dagdag pa niya. Binitiwan na niya ang aking leeg at dali daling lumabas ng kwarto. Napahawak ako sa aking leeg. Sinundan ko siya ng tingin habang papalabas siya ng kwarto. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Alam kong nasaktan siya sa aking mga nasabi pero,pero hindi ko naman sinasadya na masabi sa kanya ang lahat ng nabitawan ko. Tumayo ako sa kama at inayos lahat ng gulo sa kwarto. Pagkatapos kong maayos lahat, pumunta na ako sa sofa para matulog. Ipinikit ko na ang aking mga mata pero hindi ako makatulog. Pinilit kong iwaksi lahat ng mga bagay na nasa aking utak ngunit wala pa ring nangyari. Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa sala. Naghanap ako ng pwedeng panuorin. Binuksan ko na lang ang t.v at nanood. Hindi mawala sa aking isip ang mga sinabi ni kuya sa akin kanina. Ano nga ba ang nangyayari sa kanya? Ano nga ba ang pinagdadaanan niya? Bakit siya ganun? Ang daming mga katanungan ang nabubuo sa aking utak. Ilang oras din akong nakababad sa harap ng T.v at hanggang ngayon ay hindi pa umuuwi si Axel. Nag-aalala na ako sa kanya dahil maghahating gabi na. Pinatay ko ang T.v at lumabas ng bahay. Balak ko kasi siyang hintayin para makahingi ng patawad sa mga nasabi ko kanina. Hindi ko naman alam na meron pala siyang pinagdadaanan eh. Umupo ako sa harap ng bahay at hinintay siya. Napakatahimik ng gabi. Ang liwanag ng buwan ay nagbibigay ng liwanag sa madilim na daan. Ang mga huni ng mga kuliglig na siyang naririnig ay nagmistulang musika sa aking tenga. Halos magdadalawang oras na rin akong naghihintay sa kanya ngunit kahit ni anino ni kuya Axel ay wala akong nakita. Napatingin naman ako sa aking relo at mag-aala una na ng madaling araw. Nakaramdam na rin ako ng lamig kaya tumayo na ako sa pagkakaupo at papasok na sana sa loob ng bahay ng may marinig akong tumigil na sasakyan sa labas ng gate. Dali dali akong pumunta sa gate para tignan kung sino ang dumating. Nababakasakaling si Axel na yun. Pagkabukas na pagkabukas ko ng gate, tumambad sa akin ang isang pulang kotse. Lumabas ang isang lalaki sa driver seat t binuksan ang pinto sa likod. Ilang saglit pa ay inilabas niya ang isang lalaki na halatang natutulog na. lumapit ang lalaki sa akin habang nakaakbay ang natutulog na lalaki. " Ikaw ba ang kasama ni Axel?" tanong ng lalaki sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya. Amoy na amoy ko ang masangsang na amoy alak mula sa kanila. Napatakip naman ako ng ilong dahil sa amoy na yun. Ipinasok ng lalaki si kuya Axel sa loob ng bahay at tinulungan ko na siyang iakyat siya sa kanyang kwarto. Pagkalapag na pagkalapag naming sa kanya sa kama, nagpasalamat na lang ako sa lalaki at umalis na rin kaagad. Habang nakahiga si Axel sa kama, naisipan kong tanggalin ang kanyang mga sapataos sa kanyang mga paa para maging kumportable siya sa pagtulog. Ilang saglit pa, umupo siya sa kama at sumuka. Buti hindi sa kama siya sumuka pero ang kanyang damit ay may dumikit. Bumalik siya sa pagkakahiga. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dito sa taong lasing na to! Kumuha ako ng basahan sa baba at nilinisan ang kalat na gawa ng lalaking lasing. Pagkatapos kong malinisan ang suka, dahan dahan ko namang tinanggal ang kanyang damit para mapalitan. Hindi ko mapigilan ang humanga sa kanyang katawan. Napakaganda ng hubog nito at may apat pang pandesal ang nakadikit dito. Napalunok na lang ako sa aking nakikita. Ewan ko kung bakit pero parang hindi matanggal ang aking mata sa katititig dito. Kumuha ako ng damit sa kanyang cabinet. Pagkakuha ko, dinamitan ko na siya kaagad. Hindi na ako nag-abala pang palitan ang kanyang pantalon kasi baka kung ano pa ang makita ko. Bumalik na ako sa sofa sa loob ng kwarto at humiga. Habang nakahiga ako, nagulat ako ng magsalita ang nakahigang natutulog sa kama. " Walang nagmamahal sa akin..walang taong nakakaintindi sa akin..wala kahit na sino." Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya. Ewan ko pero parang may nagsasabi sa akin na kailangan kong iparamdam sa kanya na merong taong nagpapakita ng pagmamahal sa kanya. Isang taong makakaintindi sa bawat problema niya. Isang taong makakasama niya. Simula bukas, ipaparamdam ko sa kanya kung gaano kasarap mabuhay. Kung gaano kasarap ang mahalin at magmahal. Lahat ng yun, ipaparamdam ko sa kanya. Axel's Pov: Nagising ako dahil sa kirot na nararamdaman ko sa aking ulo. Napahawak ako sa aking ulo at umupo. Medyo nahihilo pa akong umupo sa kama. Pilit akong tumayo para pumunta sa banyo para maghilamos. Pagpasok ko sa banyo, nakita ko ang repleksyon ko sa salamin. Iba na ang suot kong damit. Hindi ko na lang pinansin ang damit ko at lumabas na lang ako sa banyo matapos akong maghilamos. Pagbalik ko sa aking kama, pumukaw ng aking pansin ang isang baso ng gatas. Kinuha ko ito at nakita ko ang sulat na nakapatong dito. " Inumin mo to para maawala ang pagkalasing mo." Nakasulat sa isang maliit na papel. Tsk.. Mawawala ba ang pagkalasing ko kung iinumin ko mang gatas na to? Mas maganda pa sana ang kape kaysa dito. Napailing na lamang ako at ininum ko na lang ang gatas. Halatang kanina pa ito natimpla dahil medyo malamig na ito. Lumabas ako ng aking kwarto at dumeretsyo sa kusina. Pagdating ko sa kusina, kumuha ako ng tubig sa Ref. pagsara ko ng pinto ng Ref, nakakita ulit ako ng isang note na nakadikit dito. " May pagkain diyan na linuto ko. Kain ka na lang kung gutom ka." Napatingin naman ako sa mesa at nakita ko naman kaagad ang pagkaing nakatakip sa mesa. Binuksan ko ito at tumambad sa aking mga mata ang lutong bacon, egg at fried rice. Umupo na lang ako sa mesa at nasimulang kumain dahil nakakaramdam na rin ako ng gutom. Pagtapos kong kumain, bumalik ako sa aking kwarto para makapaghanda sa pagpasok sa paaralan. Pumunta ako sa aking cabinet para kunin ang aking mga uniform. Bubuksan ko n asana ang pinto ng cabinet ng makakita ulit ako ng notes. " Nasa study table ang mga damit mo. Pumasok ka ha." Inuutusan ba niya ako? Ok ding yung lalaking yun ha! Napatingin naman ako sa aking study table at nakita ko nga ang nakaayos na mga uniforms ko. Agad ko itong kinuha at inilagay sa aking kama. Pagkatapos kong mailagay, nagtungo na ako sa aking banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo, dali dali akong nagbihis. Hinaraap ang salamin at nagpagwapo. Pagkatapos lahat ng ritwal ko sa aking katawan, lumabas na ako sa bahay at kinuha ang aking mtor para pumasok. Napatingin naman ako sa aking relo. Saka ko lang napagtanto na alas nuwebe na pala ng umaga. Hindi na ako nakapasok sa dalawang subjects ko. Ok lang naman sa akin kahit hindi ako pumasok. Wala namang pakialam ang lahat ng teachers naming sa akin eh. Ilang minuto lang ang biyahe papunta sa paaralan. Pagpasok ko ng campus, nakita ko ang napakadaming mga estudyante. Recess na kasi kaya naglabasan na ang mga taong gutom. Pagkapark ko ng aking motor, naglakad na ako papunta sa aming classroom. Hindi kasi ako nagugutom eh. Sa paglalakad ko, nakita ko si Sky na may kasamang apat na tao. Alam kong classmates naming ang tatlong kasama niya pero ang isa ay hindi. Sino ba naman ang hindi makakakilala kay Jake. Halos lahat ng estudyante dito eh kilala siya. Ang pinagtataka ko lang, bakit kasama niya si Sky? Kitang kita ko ang ngiti sa mukha ni Sky. Hindi ko maipagkakailang may angkin din siyang kacutan. Ewan ko pero bigla na lang gumuhit ang isang ngiti sa aking mga labi ng makita ko ang kanyang mukhang napakaaliwalas. Para siyang isang taong walang prinoproblema. Parang isang anghel sa langitblna pinababa sa lupa. Habang papalayo sila, kitang kita ko ang pag-akbay ni Jake sa kanya. Ewan ko kung ano ang nangyayari sa akin. Para bang naiinggit ako. Naiinggit na ewan. Basta!Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa aming classroom. Pagpasok ko ng aming silid, wala pang mga tao. Hindi pa kasi time eh. Nagtungo na lang ako sa aking upuan at ibinagsak ang aking ulo sa mesa ng aking upuan. Pagkalipas ng ilang minuto, unti unti nang dumadami ang mga pumapasok sa loob. Hindi ko lang sila pinansin. Wala naman akong pakiaalam sa kanila eh. Hanggang sa may makita ako sa may pintuan. Si Sky kasama ang tatlo pa naming classmate at si Jake. Anong ginagawa ng Jake na yun dito? Hindi naman dito ang classroom niya ah? Magkaibigan ba sila ni Sky? O baka naman..teka! bakit ba ako nag-iisip tungkol sa lalaking yan? Sino ba siya sa akin? Siya lang naman ang magiging stepbrother ko kapag nagpakasal na ang mga magulang namin ah. Tinitignan ko lang sila mula sa labas, ilang sandali pa ay nakita kong nagpaalam na si Jake kay Sky. Habang naglalakad si Sky papunta dito sa upuan niya, hindi nawawala ang ngiti at saya ng nararamdaman niya. " Oh? Kmusta ka na,kuya?" tanong niya sa akin ng makalapit siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko lang sinagot ang tanong niya at ibinaling ko ang aking mga mata sa labas. " Ininum mo ba ang gatas na tinimpla ko para sayo? kumain kaba kanina?" sunod sunod niyang tanong sa akin. Gaya ng nauna, hindi ko siya sinagot. Ewan ko kung bakit dapat nga magpasalamat ako sa mga ginawa niya pero hindi ko magawa. Naramdaman kong umupo na siya sa aking tabi. Ilang saglit pa ay pumasok na rin an gaming guro sa oras na ito. Habang nagsasalita an gaming guro sa harapan, biglang nakarinig ang aking tenga mula sa aking katabi. " Sorry pala sa mga nasabi ko kagabi ha." Napatingin ako sa kanya dahil sa aking narinig. Nagkatitigan kaming dalawa. Siya na nakangiti at ako naman ay hindi ko alam kong ano ang itsura ko. Basta pakiramdam ko parang may kung ano sa loob ko ang sumaya dahil sa sinabi niya. .........................................................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD