Chapter 10 Sky's Pov: Nandito na ako sa aking kwarto ngayon. Nakahiga at iniisip ang lahat nang nangyari ngayong araw. Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni mama kaninang makauwi ako. Lahat ng nangyari kaninang umaga ay puro kasinungalingan! Ang pagsasamantala ko kay Harvey na tropa ni kuya Axel mula sa pagpapagamit nila sa akin ng m*******a. Hindi ko namang magawang magalit sa kanya. Ewan ko ba kung bakit pero ang pakiramdam ko meron siyang dahilan kung bakit niya iyong ginagawa. Napatingin ako sa oras sa may dingding. Mag-aalas diyes na pala ng gabi pero eto, dilat na dilat pa rin ang aking mga mata. Tumayo ako sa aking kama at lumabas ng aking kwarto. Magtitimpla lang ako ng gatas nagbabasakaling dalawin ako ng antok. Paglabas ko ng kwarto, kasunod kong lumabas si mam