Chapter 1
Axel's Pov:
"Habulin niyo siya!!huwag niyong hahayahan na makatakas ang lalaki na yun!!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki na sa tingin ko ay siya ang leader ng fraternity.
Tumakbo ako ng mabilis para hindi nila ako maabutan. Maaring mapatay nila ako dahil sa aking nasaksihan sa kanila.
Ganito na lang palagi ang buhay ko, takbo ng takbo, tago at basag ulo. Walang patutunguhan ang buhay at walang may pakialam!
Ako nga pala si Axel, isang binatang sakit ng ulo ng lahat! Isang binatang walang alam kundi ang makipagrambolan sa kalye o di kaya naman ay higit pa sa salot ng lipunan.
Ako ang binatang walang paki alam sa mundo, walang saysay ang buhay, wala! Walang nagmamahal sa akin kahit pa ang sarili kong ama!. Walang kaibigan, tanging ang alak at sigarilyo lang at mga babaeng walang alam kundi kantutan.
"Saan ka na naman nanggaling!?" Bungad ng aking ama ng makauwi ako galing sa isang Rambol matapos kong matakasan ang mga humahabol sa akin kanina.
Napangisi na lamang ako sa kanyang katanungan. Napaisip din ako kung bakit ang aga yata ng matandang ito ngayon?
"Wala kang pakialam!" Matigas kong sagot sa kanya. Kitang kita ko ang pakunot ng kanyang noo dahil sa aking sagot. Halata sa kanyang mga mata na hindi niya nagustuhan ang aking naging sagot sa kanya. Ano naman ang pakialam ko? Wala nga siyang pakialam sa akin eh!
"Aba!!hindi ka na talaga pa nagbago eh ano, Axel?!kailan ka ba magtitino ha!?" Mahahalata any galit at inis sa kanyang boses. Napailing na lamang ako sa kanyang sinabi dahil ayon sa pagkakaalam ko ay wala naman siyang pakialam sa akin.
"Wag kang umarte na parang nag-aalala ka sa akin,tanda!" Sagot ko naman sa kanya na mas lalong kinakunot ng kanyang noo. Nagulat ako nang unti unti niyang inaangat ang kanyang nakakuyom na kamay at ano mang segndo ay handa nang masuntok ang aking mukha!
"Aba!!"Napapikit ako ng aking mga mata ng akmang susuntukin ako ng aking ama pero nagulat na lang ako ng may magsalitang isang babae para pigilan siya.
"Tama na yan,Aurelio." maalumanay na awat ng isang babae sa aking ama. Napamulat naman ako ng aking mga mata at nakita ko ang isang babae na hindi pamilyar sa aking mga mata na papalapit kay papa.
Sino siya? 'Di ko siya kilala at bakit siya nandito?
"Pero Ana, sumusobra na siya eh. Palagi na lang siyang ganyan! Palagi na lang siyang sakit ng ulo! Palagi na lang siyang walang ginawa kundi ang magbulakbol,makipagrambolan at pabigat sa akin!" Sagot naman ng aking ama sa babae. Napangisi ako dahil sa aking narinig mula sa aking ama.
Buti at alam niya ang mga ginagawa ko? Pero ano naman ang maasahan ko sa kanya eh mas mahal pa niya ang negosyo niya kaysa sa akin.
"Kahit na, anak mo pa rin siya." Sabi ng babae kay papa. Sino ba siya para makapagsalita siya ng ganyan kay papa? Bakit parang may kakaiba?
Tumingin sa akin si papa ng mapagsabihan siya ng Ana daw ang pangalan. Biglang nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha at napabuntong hininga.
"Magpalit ka na ng damit at bumaba ka pagkatapos." Kalmado na ang boses ng aking ama matapos niyang makapagbuntong hininga.
Napailing na lang ako sa mga nangyayari. Nagsimula na akong maglakad paakyat sa aking kwarto.
Pagpasok ko sa aking kwarto ay naligo muna ako bago magbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako dahil sa utos ng aking ama sa akin. Kahit na sabihin pa nating galit ako sa kanya dahil sa mga bagay bagay ay may respeto pa naman ako sa kanya dahil kahit na pagbaliktarin ko pa ang mundo ay ama ko pa rin siya.
Pagbaba ko, rinig na rinig ko ang tawanan ng mga tao mula sa kusina.
Nagtungo ako sa kusina at nadatnan kong may dalawang tao na nakaharap sa hapagkainan.
"Oh nandyan ka na pala..halika, sabayan mo kaming kumain." Anyaya sa akin ni papa ng makita niya ako.
Naglakad na ako at umupo sa harap nila. Napansin ko naman na napatingin silang lahat sa akin. Lihim na lamang ako napailing dahil para silang mga engot na nakatingin sa akin.
Si papa ay katabi niya ang babae kanina at ang kaharap ko naman ay isang binata na nakangiti sa akin habang nakatitig sa aking mukha.
Naningkit at napataas ako ng kilay dahil sa inaasta ng lalake sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang gusto niyang sabihin.
Anong problema ng lalaking to?!
Kung makangiti naman wagas!
"Ah anak..." Paagtawag ni papa sa aking pansin. Napatingin naman ako sa kanya.
"Siya nga pala si Ana,ang magiging asawa ko at magiging pangalawa mong ina." sabi niya sa akin.
Tsk! Napailing na lamang ako dahil alam kong hindi sila magtatagal. Gaya na lang kung ano ang nangyari sa kanila ni mama. Wala!
"At si Sky pala,anak ni Ana at magiging kapatid mo." dagdag pa niya na kinainis ko!
Makakahanap na nga ng ibang babae, sa may anak pa! Sabagay, baka wala ng magkakagusto sa tatay ko kaya pumatol na lamang sa distrasyada!
"Hi..!" Nakangiti niyang pagbati sa akin sabay lahad ng kanyang kamay.
Tinitigan ko lang siya ng masama pero hindi nawawala ang kanyang ngiti sa kanyang mga labi.
Ano bang meron sa lalaking to? nakakainis na yang mga ngiti niya. Parang nang-iinsulto. Hindi ko pinansin ang kanyang kamay at itinuon ang aking paningin sa mga pagkaing nasa harapan.
Kumain na lang kaming lahat habang si papa at ang Ana na yun ay nagkwekwentuhan tungkol daw sa kasal.
Doon ko rin nalaman na mag-iisang taon na pa lang magkarelasyon ang dalawa at matagal na nilang plano ang magpakasal. Nagulat ako sa nalaman ko dahil wala naman akong nababalitaan tungkol sa babaeng nasa harapan namin. Hindi man lang noya sinabibsa akin! Sabagay, ano nga ba ako sa kanya? Anak lang naman niya ako! Wala akong pakialam!
Matapos kaming kumain, lumabas muna ako para makapag-yosi. Naging routine ko rin naman ito pero ngayon ay medyo binabawasan ko na.
Pagkatapos kung mag-yosi, bumalik na ako sa aking kwarto para makapagpaginga na rin. Medyo marami din kasi ang naging ganap ngayong araw kaya kailangan ko nang magpahinga.
Pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang binata kanina na nag-aayos ng kanyang mga gamit.
"Anong ginagawa mo dito!?" Galit kong tanong sa kanya. Napatigil naman sya sa kanyang ginagawa at napatingin sa akin.
"Ah eh...sa..sabi kasi ni tito,dito muna ako sa kwarto mo." Halatang takot siya sa akin dahil sa kanyang pagkakautal na sagot.
"Meron naman sa kabilang kwarto ha!" Suwesyon ko sa kanya. Nakita kong napalunok siya ng laway.
"Hindi pa raw kasi naayos kaya dito na muna raw ako." Dahilan niya.
'Di na lang ako sumagot sa kanya at nagpatuloy na siya sa kanyang ginagawa.
Habang nag-aayos siya ng mga gamit niya ay binilinan ko siyang sa sofa siya matutulog.
Hindi naman siya tumanggi kaya pagkatapos niyang mag-ayos ng mga gamit niya ay kumuha na siya ng unan at kumot at pumunta sa sofa para matulog.
Kinabukasan, nagising ako dahil sabtunog ng alarm clock sa tabi ng kama ko.
Nagtungo ako sa banyo para tugunan ang tawag ng kalikasan. Pagpasok ko sa banyo, dali dali akong umihi. Sa pag-ihi ko, biglang may nagbukas ng kurtina na naghihiwalay sa shower at cubicle.
"Wahh!!" Nagulat na reaksyon niya sa akin.
Naglakbay ang kanyang paningin mula sa taas at pagdating sa baba ay nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata na agad din niyang tinakpan.
Pagkatapos kung umihi ay lumabas na ako sa banyo pero bago ako lumabas...
"Anong problema mo? Ang tunay na lalaki hindi nahihiyang tignan ang junior ng ibang lalaki." Sabi ko sa kanya.
Napatanggal naman ang kamay niya sa kanyang mga mata.
Ewan ko kung bakit ako napangiti sa itsura niya. Ang cute niya kasi eh.
Paglabas niya ng banyo ay dali dali siyang nagbihis at ang kinagulat ko ay pareho kami ng uniform.
Paglabas niya ng kwarto ko ay nagtungo na rin ako sa banyo para maligo.
Pagkatapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba at nagtungo sa kusina.
"Sumabay ka na sa amin mag-agahan para sabay na kayo ni Sky pumasok." utos ni papa sa akin nang makapasok ako. Wala naman akong magagwa kaya sinunod ko na lang ang kanyang utos.
Pagkaupo ko,bigla ulit nagsalita si papa sa akin.
"Mawawala kami ni Ana ng isang buwan para ayusin ang mga dapat ayusin para sa kasal." Paalam ni papa sa akin.
"Kayo muna bahala ni Sky dito sa bahay habang wala kami. Papakiusapan nalang namin si aunti Yoli niyo para tignan kayo." dagdag pa niya.
Wala akong pakialam kung ilang buwan o taon pa silang mawala. Basta..magiging masaya ako pag wala sila! Pero may asungot! Hetong si Sky!
tsk..wala kaming problema nito kung hindi niya ako papakialaman.
Pagkatapos naming kumain, lumabas na ako ng bahay at nakasunod naman itong si Sky sa akin.
Pagkadating namin sa eskwelahan, naghiwalay na kami ng landas ng lalaking yun.
Pagpasok ko sa classroom, tahimik lang akong pumunta sa upuan ko. Wala akong katabi dahil ang alam ko takot silang lahat sa akin.
Habang nakatingin lang ako sa labas at ang mga classmates ko ay abala sa kani kanilang mga gawain ay naiisip ko si Sky. Ewan ko kung bakit..basta pumasok na lang siya sa isip ko.
Ilang sandali pa ay tumigil ang mga classmates ko sa kanilang ginagawa. Tanda nito na meron nang teacher. May pumasok na Hindi pamilyar na guro.
"Goodmornin Grade 12 diamond" Pagbati niya sa amin.
Tsk...halatang bakla ito ha! Mapagtripan nga kaya bago pa makapagbati ang mga classmates ko ay inunagan ko na sila.
"Goodmorning, sir! Ah sir! Bakla kayo!?" Sabi ko sa kanya.
"Yes i am gay, is there any problem mister?" Sagot naman niya sa tanong ko. Napangisi ako at kinidatan ang aming guro.
"None sir! But what are you doing here? Mas bagay po kayo sa parlor." Dahil sa sinabi ko,nagtawanan ang mga classmates ko.
"Im so sorry mister pero ako ang magiging teacher niyo sa buong taon na to! nag maternity leave kasi si Mrs. Palma kaya kung pwede lang ay irespeto niyo ako." Sabi niya sa akin na nakataas pa talaga ang kilay.
"Ay sorry sir... mamaya na lang kita irerespeto,punta tayo mamaya sa c.r kung gusto mo sir." Dagdag ko pa.
Mas lumakas pa ang tawanan ng mga classmates ko dahil sa pinagsasabi ko.
"Im sorry mr.! Gay ako pero hindi ako gaya ng iniisip mo." Sagot niya.
Tsk......lukuhin mo lelong mo sir. Sa t**i lang kayo nabubuhay eh.
"By the way,may new classmates kayo. Pinakiusapan kami ng father niya na isama siya sa klase na to kasi nandito daw yung kapatid niya" dagdag pa niya.
"Pasok ka na,ijo." tawag niya sa taong nasa labas.
Pagpasok ng lalaki, nagulat ako ng makita ko si Sky! Nakasuot siya ng isang napakatamis na ngiti na humarap sa buong klase.
"Wow ang cute niya!" Sigaw ng mga babae sa kanya.
Hindi ko naman masisisi ang mga babae dahil cute nga talaga siya.
"Pwede ka nang magpakilala ijo." Utos ng guro sa kanya.
"Thank you sir,hi goodmorning,im Sky Alejandro. 17 years old. At yung sinasabi ni sir kanina na kapatid ko ay si Axel Miguel. Sana ay magkaroon ako ng kaibigan dito. Salamat!" Pakilala niya.
At talagang sinabi pa niya na ako ang future brother niya ha.
Sky's Pov:
Matapos kong magpakilala ay pumunta na ako sa bakanteng upuan. Swerte ko naman dahil walang katabi ang magiging kuya ko kaya nagtungo ako sa tabi niya.
Pagkaupong pagkaupo ko, napatitig naman ng masama sa akin si kuya Axel. Ewan ko ba kung bakit ganyan siya makatingin sa akin, kahapon pa siya ganyan sa akin simula nang ipakilala kami ni tito kagabi.
Habang nakatitig siya sa akin ng masama, nginitihan ko na lang siya. Dali dali naman niyang binaling sa ibang direksyon ang paningin niya.
Nagsimula nang magklase ang teacher namin. Ako naman ay abala sa pakikinig. Nang mabaling ang tingin ko sa aking katabi ay nakita kong natutulog siya. Buti hindi nagagalit ang mga teacher sa kanyang ginagawa. Hindi man lang siya sinisita o ano. Basta parang wala silang pakialam sa kanya.
Pagkatapos ng unang klase ay sumunod naman ang isa pang teacher. Gaya ng nauna ay tulog pa rin ang siya. Pinabayahan ko na lang. Siguro ganyan na yan. Pero parang may kakaiba sa kanya. Hndi ko alam kung ano yun pero pakiramdam ko ay may iba sa kanya.
Pagkatapos ng klase ay break na namin. May lumapit sa aking tatlong classmates tao. Isang medyo malaki ang katawan,payat na lalaki na may salamin at isang magandang babae.
"Hi!" tawag sa akin ng matabang babae.
Ngumiti ako sa kanya at binati rin siya.
"May kasama ka bang magmeryenda?" Tanong naman ng magandang babae sa akin.
"Wala nga eh,si kuya kasi hindi pa nagigising. Ayaw ko namang gisingin siya baka magalit sa akin." Paliwanag ko sa kanila.
"Sama ka na lang sa amin." Anyaya ng magandang babae.
Nginitian ko na lang sila at ngumiti rin sila vilang ganti. Nagtungo na kami sa canteen at bumili ng pagkain. Pagkabili namin, pumunta kami sa bakanteng pang apat na upoan. Doon na kami umupo at nagsimulang kumain.
"Sky!!" tawag sa akin ng isang lalaki sa aking likod. Napalingon naman ako at laking gulat ko ng makita ang nanlilisik niyang mga mata.
"Hindi mo man lang ako ginising! Wala ka bang pera diyan!? Pahingi ako!" Sigaw niya sa akin na kinagulat ko.
Agad na lamang akong kumaha ng pera at ibinigay sa kanya. Nakakatajot kasi ang itsura niya. Parang kakain ng tao eh!!
............