Chapter 2
Sky's Pov:
"Sky!!" tawag sa akin ng isang lalaki sa aking likod. Napalingon naman ako at laking gulat ko ng makita ang nanlilisik niyang mga mata.
"Hindi mo man lang ako ginising! Wala ka bang pera diyan!? Pahingi ako!" Sigaw niya sa akin na kinagulat ko.
Agad na lamang akong kumaha ng pera at ibinigay sa kanya. Nakakatakot kasi ang itsura niya. Parang kakain ng tao eh!!
"Pa..pasensya na kuya, ayaw kasi kitang gisingin kaya hindi na kita inabala pa." Natatakot kong sagot sa kanya pero matapos kong maibigay ang perang hiningi niya pero hindi pa rin nagbabago ang kanyang galit na mukha.
Lumapit siya sa akin at biglang itinaas ang aking damit. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ang takot na aking nararamdaman ay tumaas dahil sa kanyang ginagawa.
"Alam mo ba ang pakiramdam na mag-isa ka na lang sa loob ng room? Ha!" Sigaw niya sa akin. Napatingin ako sa sahig dahil hindi ako makasagot.
"So-sorry kuya pero.." Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang muli siyang magsalita.
"Huwag na huwag mo akong tatawagin na kuya! Di tayo magkapatid!"Pagkasabi niya nun sa akin ay binitiwan na niya ako at padabog na siyang umalis. Sinundan ko naman siya ng tingin sa oras na yun.
Hindi ko namang maiwasan na magalit sa kanya dahil ako naman ang may kasalanan. Napabuntong hininga na lang ako at sinundan ng tingin si kuya Axel na papalayo sa lugar kung nasaan kami.
"Masanay kana sa magiging kuya mo, talagang ganyan lang siya! Masungit,problema ng mga guro pero pinag-aagawan ng mga kababaihan at kabaklahan." Ani ng matabang babae sa akin . Hindi na ako nagulat sa kanyang sinabi na pinag-aagawan siya ng karamihan dahil hindi naman maikakailang biniyayahan siya ng magandang katawan at gwapong mukha.
"By the way, ako pala si Anica." Dagdag pa niya.
"..at sila naman si Jelo at Rose." Pakilala niya sa mga kasama namin.
"Hi!"Nakangiti kong tugon sa kanila. Gumanti naman sila ng ngiti at inabot ang mga kamay nila. Panandaliang nawala ang takot na nararamdaman ko kanina at lalo na nang mafsimula kaming magkwentuhan.
Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga bagay bagay. Napakakwela nilang kasama. Ang dami nilang alam na kwento lalo na si Anica. Parang lahat yata ng balita sa buong campus eh alam niya.
Sa kanya ko rin nakilala ang magiging kuya ko. Talaga pa lang isa siyang sakit ng ulo ng lahat. Ikwenento niya sa akin yung mga kinasangkutan niya noon at ngayon. Ayun sa kanya, suki na raw siya sa guidance office dahil sa madalas niyang pagkasangkot sa away, pagcucutting classes niya at minsan naman daw ay yung pagpapahiya niya sa mga guro. Habang kwinekwento nila sa akin ang mga yan ay napapailing na lamang ako. Siguro ay kailangan ko nang iwasan siya. Alam ko naman na hindi kami magiging ok eh, sa ipinapakita pa lang trato sa akin ay alam ko nang hindi kami magkakasundo. Pero paabo kung lapitan ko pa siya? Para malaman ko ang dahilan kung bakit siya ganun? Naniniwala kasi ako na lahat ng mga bagay ay may dahilan. Yung pagiging ganun ni kuya Axel ay pwedeng may pinagdadaanan siya o napagdaan noon? Ewan ko lang pero ganun ang nararamdaman ko.
Tahimik.
Nang matapos kaming kumain, pumunta na kami sa susunod naming klase. Sabay sabay kaming apat na naglalakad habang nagkwekwentuhan. Mabilis na gumaan ang loob ko sa kanila dahil parang mababait naman sila.
Habang naglalakad kami papunta sa room namin, pumukaw ang among pansin sa mga nagkukumpulang mga estudyante.
"Anong meron doon?" Nagtataka kong tanong habang nakatingin sa kumpulan ng mga tao.
"Naku!, siguradong si Jake lang yan! Ang may pinakamagandang boses dito, Mvp sa basketball at ang aspiring na maging Valedictorian!" Ang sagot ni Anica sa akin.
Naintriga ako sa sinabi niya. Ibig sabihin gifted si Jake na yun. Akalain niyo, may talent, mahilig sa sport at ang matindi pa ay matalino. Sa tingin ko hindi gwapo to kasi kung gwapo siya, perfect na siya.
Unti unti kaming lumapit sa nagkukumpulang mga estudyante para makita si Jake. Excited na akong makita siya pero ang tatlo parang wala lang. Mukhang nagsawa na silang makita si Jake.
Pagkadating ko dun, hindi ko makita ang pinagkakaguluhan nila. Kahit na tumikayad pa ako wala pa rin. Bakit kasi hindi ako nabiyayahan ng mataas na height eh. Hayst, #heightproblem!
Dahil wala naman akong pag-asa na makita ang pinagkakaguluhan nila, tumalikod na ako tanda ng aking pagsuko. Baka kung mapaano pa ako kapag pinilit ko ang sarili kong makita siya eh. Masakit pa naman kapag ipinipilit mo ang sarili mo sa alam mong hindi mo kayang kamtan.
Pabalik na sana ako sa tatlo nang may bumangga sa akin mula sa likod ko.
Nakasumbrero siya at nakajacket ng itim. Halatang tinatakpan niya ang kanyang mukha gamit ang sumbrero niya.
"Pasensiya na, nagmamadali kasi ako eh." Paghingi niya ng paumanhin sa akin. Hindi naman ako makapagsalita dahil sa ganda ng boses niya.
"Halika! Sama ka sa akin!" Sabay hatak niya sa akin. Napalingon naman ako sa tatlo kong kasama na nakamulat ang mga mata habang nakanganga!Anong nangyari sa kanila?! Para naman silang ewan doon. Kumaway na lang ako sa kanila at hindi pa rin sila gumagalaw.
Mabilis kaming nakalayo sa pinanggalingan namin. Tumigil kami dito sa mini park dito sa likod ng library.
Hingal na hingal siya ng tumigil kami.
"Pasensya ka na kanina ha.! Nagmamadali lang talaga ako." Ulit niyang sabi sa akin.
"Ok lang, dapat hindi mo na lang ako hinila."
"Ah...eh...nagugutom kasi ako eh.!" Sabay tanggal ng sumbrero niya at napakamot siya sa kanyang ulo.
Ano naman kaya ang konek ng paghila niya sa akin sa gutom niya.?
"Eh anong pakialam ko kung gutom ka? Sige, may klase pa kasi ako eh." Paalam ko sa kanya. Naglalakad na ako nang bigla niyang hilain ang aking isang kamay. Ano bang problema ng gwapo, magandang katawan, may matangos na ilong, mapupulang labi at napakakinis ng balat ng lalaking to?!
"Ano na naman!." Sabay harap na may inis sa mukha.
"Pasensya na talaga pero...pwede bang bilhan mo ako ng kahit anong makakain? Eto bayad ko." Utos niya sa akin. Aba! Ang kapal ng mukha ah. Dinala niya lang ako dito para utusan niya? Ano siya? Sineswerte!?.
"At bakit naman ako susunod sayo!?." Nakataas pa ang isa kong kilay habang nagtatanong ako sa kanya.
"Sige na please...kasi kapag ako ang pumunta dun, haharangan lang ako ng mga tao eh." Nakayuko niyang paliwanag sa akin. Hindi ko naman siya masisisi kasi talagang gwapo siya.
"May klase pa kasi ako eh...! Sige alis na ako." Akmang aalis na ako ng muli siyang magsalita.
"Please naman oh, gutom na gutom na talaga ako. Hindi pa ako nag-almusal kanina dahil late na ako. Please naman oh. Tatanawin kong malaking utang na loob ito sayo." Pagpupumilit niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kanyang sinabi. Parang nakaramdam ako ng awa sa kanyang sinabi kaya dahan dahan akong lumingon sa kanya at kitang kita ko ang kanyang mukha na nagmamakaawa. Naawa naman ako sa kanya kaya pumayag na ako sa pabor niya.
"Akin pa pera mo!" Naiinis kong sambit sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.
Binigyan niya naman ako ng pera. Pagkabigay niya, nagtungo na ako sa canteen. Bumili na lang ako ng macaroni salad at tubig. Pagkabili ko, bumalik na ako sa mini park na nasa likod ng library.
Pagkabalik ko dun, nakita ko ang lalake na nakaupo at nakasalpak ang headset niya sa kanyang dalawang tainga.
Dali dali ko nang binigay ang pagkain at sukli niya. Pagkakuha niya ng binili ko, nagpasalamat siya sa akin. Tinanong din niya ang pangalan ko at binigay ko naman. 'Di ko nga natanong kung anong pangalan niya dahil sa pagmamadali.
Pagdating ko sa room namin, laking pasasalamat ko at wala pa ang aming guro. Nilibot ko naman ang aking paningin sa loob at nakita kong kumaway ang tatlo sa akin pero bakit 'di ko makita si kuya? 'Di ba siya papasok sa klase namin ngayon?
Habang papunta ako sa akin upuan, nagbigay naman ako ng isang matamis na ngiti sa tatlo na ginantihan naman nila.
Ilang minuto rin ang aming paghihintay at pumasok na rin ang aming guro.
Hindi ako nakapag concentrate sa buong klase kasi iniisip ko si kuya. Saan kaya pumunta yung taong yun? Bakit hindi siya pumasok? Ilan lamang yan sa aking mga tanong.
Lumipas pa ang ilang subjects pero hindi na talaga siya pumasok. Ganito ba talaga si kuya? Kung hindi niya trip pumasok mag cucutting na lang siya?
Kasama kong naglalakad ang tatlong maituturing ko ng kaibigan palabas ng campus. Habang abala kami sa paglalakad, biglang may umakbay sa aking balikat na nagdahilan upang ako ay mapatigil.
Napalingon ako sa taong umakbay sa akin. Yung lalake lang pala kanina. Ano na naman ang kailangan nito? Uutosan na naman kaya niya ako?
"Jake!" Sabay na sabi ng tatlo sa kanya. Nagulat naman ako sa narinig ko. Siya si Jake?! Ang lalaking nang utos na bumili ng pagkain niya?!.
"Hi guys!" Pagbati niya sa mga kaibigan ko. Mukhang mabait naman pala ang taong to. Hindi gaya sa iba na kung nasa kanila na ang lahat ay mayabang na pero si Jake iba.
"Pwede bang ihatid na lang kita para makabayad ako ng utang na loob?" Tanong niya sa akin.
Tumanggi ako sa kanyang alok pero pinilit niya ako. Wala na akong nagawa pa kundi ang pumayag. Wala naman masama kung ihahatid niya ako.
Naiwalay ako sa tatlong kaibigan ko nang makalabas kami ng campus. Iba kasi ang direksyon kung saan sila uuwi.
Sinabi niya sa akin na hinrayin ko na lamang siya na ginawa ko naman. Pagdating niya ay may dala na siyang sasakyan at pinasakay niya ako.
Pagkadating namin sa gate ng bahay namin, nagpasalamat ako sa kanya.
Nagpaalam naman siya sa akin pero ang kinagulat ko bago siya umalis ay ang pagbigay niya sa akin ng isang halik sa pisngi.
Tulala akong pumasok sa bahay. Bakit niya ginawa yun? Para sa pasasalamat pa rin ba yun?.
Habang naglalakad ako papuntang kwarto, nabigla ako ng banggain ako ng isang tao. Napalingon naman ako at nakita ko si kuya na dali daling lumabas ng bahay.
Wala pala si mama at si Tito Aurelio. Inaayos daw nila ang magiging kasal nila kaya dalawa lang kami ni kuya ngayon.
Pagkapasok ko sa kwarto namin ay nagpalit muna ako ng damit bago gumawa ng mga assignments namin.
Pagkatapos kong gumawa ng mga assignments, nakaramdam ako ng gutom kaya bumaba na ako para magluto.
Simpleng adobo lang ang niluto ko. Yun lang kasi ang madali lutuin eh at yun din lang naman ang alam kong lutuin.
Pagkatapos kong kumain, hinugasan ko ang aking pinagkainan at inilagay ang itinira kong pagkain para kay kuya. Hindi pa kasi siya umuuwi eh.
Umakyat muli ako sa kwarto at naghubad para maligo. Inilagay ko ang aking mga damit sa upuan malapit sa study table.
Pagpasok ko ng banyo, nagtungo agad ako sa tapat ng shower. Dinama ko ang malamig na buhos ng tubig. Napakasarap talagang damhin ang tubig. Nakakarelax talaga. Nakakagaan ng pakiramdam.
Nagtagal ako ng halos isang oras sa paliligo. Napasarap eh.
Paglabas ko ng banyo, nagulat ako sa aking nasaksihan. Si kuya, nakaibabaw siya sa isang nakahubad na babae na halatang sarap na sarap sa kanilang ginagawa.
"P*ta!! Anong ginagawa mo sa aking kwarto.?!.lumabas ka nga!!"
Hindi ako makasagot at makagalaw sa akin kinatatayuan.
"Ano na!? Labas!!." Dali dali naman akong lumabas ng kwarto at nagtungo sa sala.
Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko!
Nakakita ako ng isang...urggg!!!
...........................................................................