Chapter 4
Sky's Pov :
Nakaupo ako ngayon sa tabi ng aking kuya dito sa loob ng aming silid-aralan. Tinanong ko siya kung ininom ba niya ang gatas na tinimpla ko kanina at kung kinain ba niya ang linuto ko para sa kanya. Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Nakatingin lamang siya sa labas na para bang may hinihintay na kung sino o ano.
Ilang saglit pa, dumating na rin ang aming guro para magturo. Gaya ng dati, tanong ng tanong kung ano ang huling pinag-aralan namin noong nakaraan at pagkatapos yun ay nagsimula na naman siya ng ibang lesson.
Habang abala ang aming guro sa pagtuturo sa harapan, abala din kaming lahat sa pakikinig sa kanya. Ang dami niyang sinasabi tungkol sa aming pinag-aaralan ngayon. Napatingin ako sa lalaking katabi ko at nakita kong nakatingin pa rin siya sa labas.
Bigla naman akong napaisip kung ano ang nasa utak niya. Hindi naman kasi siya nagsasalita. Nakatingin lamang siya sa labas na parang may hinihintay. Habang nakatingin ang aking kuya sa labas, pasimple kong kinuha ang kanyang ballpen sa kanyang lamesa. Ewan ko kung ano ang pumasok sa utak ko at kinuha ito.
Makalipas ang dalawang oras ng klase, dumating din ang pinakhihintay ng mga gaya kong estudyante. Ang Lunch Break! Nakakagutom kasi ang makinig at makiparticipate sa mga klase eh. Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit, biglang tumayo si kuya sa kanyang upuan at dali daling lumabas n gaming silid aralan. Binilisan ko na rin ang pag-aayos ng mga gamit ko dahil may balak akong sundan siya kung saan man siya pupunta.
Paglabas ko ng aming silid aralan, nakita ko ang tatlo kong maituturing nang kaibigan. Hinihintay siguro nila ako para sabay sabay kaming kumain ng lunch.
" Ang tagal mo naman Sky.!" Ani ni Anica sa akin. " Ano tara na?" dagdag pa niya. Gusto ko sanang sumama sa kanila pero kailangan kong sundan ang aking kuya. Kailangan kong malaman kong ano ba ang mga pinagkakaabalhan niya kapag walang klase.
" Pasensya na guys,pero may kailangan akong puntahan eh." Sabi ko sa kanila. Napatingin naman silang tatlo sa akin matapos kong sabihin yun. Halata sa kanilang mukha ang pagtataka.
" Saan ka naman pupunta? Sama na lang kami." Sabat naman ni Jelo sa usapan.
" Naku! Wag na,magugutom lang kayo kapag sumama pa kayo." Pagtangi ko sa kanilang sumama. Ayaw ko kasi talagang isama ang mga ito eh. Baka mapansin pa kami ni kuya pag nagkataon.
" Ok lang sa amin, basta kasama ka namin." Sabi naman ni Rose. Ano na ang gagawin ko? Hindi pa naman ako marunong gumawa ng mga dahilan.
" Huwag na, baka Pumayat pa si Anica eh." Ewan ko kung bakit yun ang nasabi ko. Wala kasi akong maisip na ibang dahilan eh.
" Oo nga naman. Baka pumayat pa ako oh..hindi ba kayo naaawa sa akin?" sabi naman ni Anica at sinabayan pa niya ng lungkot sa kanyang boses.
" Sige..sige..mahirap na kapag pumayat si Anica eh!" ani ni Jelo. Napangiti naman ako sa kanilang inaasta. Hindi ako makapaniwla na kumagat sila sa aking sinabi pero sa tingin ko ay nakuha naman nila na ayaw ko silang isama kaya ganun.
"Magkita na lang tayo mamaya kung ganun." Sabi naman ni Rose sa akin. Pumayag na ako at umalis na rin sila.
Kailangan ko nang sundan si kuya kong saan man siya pupunta pero..saan siya nagtungo?. Nagpalakad lakad ako sa hallway at sakto namang nakita ko si kuya na papalabas ng Cr. Nagtago ako sa isang classroom at sinundan siya ng tingin.
Nang magsimula na siyang maglakad, dahan dahan akong naglakad para sundan siya. Lumiko siya sa kanan at bumaba sa hagdan. Parang may balak siyang lumabas ng campus ha. Sinundan ko pa rin siya kung saan siya patungo hanggang sa makarating kami dito sa likod ng Library.
Anong ginagawa ni kuya dito? Pinagmamasdan ko lang siyang nakatayo habang ako ay nakatago sa isang puno. Para bang may hinihintay si kuya. Ilangsandali pa, may lumabas na tatlong kalalakihan. Nakipag kamay silang lahat at nag-uusap. Hindi ko marinig kong ano ang pinag-uusapan nila pero ayon sa mga mukha ng lalaki na nakikita ko ay parang ang seryo ng pinag-uusapan nila.
Ilang saglit pa, umalis na din sila sa kinaroroonan nila. Sinundan ko ulit si kuya na kasama na niya ang tatlong lalaki na nakausap niya kanina. Mabuti naman at hindi nila ako nahahalata. Sa kakasunod ko sa kanila, hindi ko na alam kong nasaan ako. Kitang kita ko pa naman si kuya at ang mga lalaki pero hindi ko na alam kung paano ako babalik
Sinundan ko na lang sila pero napatigil ako ng Makita kong umuakyat sila sa bakod. Mag cucutting ba sila? Pwede naman sa gate na lang sila dumaan ah. Lunch break naman kaya pwede sanang lumabas.
Balak ko pa sanang sundan sila pero natatakot ako. Natatakot ako nab aka may makakita sa akin at mapupunta ako sa principal's office pag nagkataon kaya nagdesisyon na akong bumalik.
Dahil sa laki ng aming paaralan, hindi ko na alam kong saan ako pupunta o dadaan. Parang maliit kasing gubat ang kinaroroonan ko eh. Kitang kita ko pa ang mga builidings ng paaran pero hindi ako sigurado kong saan ang aming building.
Naglakad lakad na lang ako nagbabasakaling makakabalik ako sa kung saan ako nanggalin. Sa susunod, hindi na ako maglalakad mag-isa ditto sa loob ng campus para hindi na ako mawala pa ulit. Hindi ko pa kasi kabisado ang paaralan na ito eh. Bagong bago pa kasi ako dito. Dalawang araw pa lang akong namamalagi dito kaya hindi ko pa alam kong saan ako pupunta.
Halos limang minuto rin akong naglalakad at nakarating ako sa isang lumang building. Hindi naman siya sa luma pero parang ito ang pinakalumang building na Makita dito. Kukunin ko na sana ang aking cellphone para tawagan ang tatlo kong kaibigan pero..pero..hindi ko pa pala nakukuha ang mga numbers nila. Napahawak ako sa aking ulo ng dahil dun. Paano na ako makakabalik sa pinanggalingan ko ngayon?
" Nawawala ka yata?" Biglang may nagsalita sa aking likuran. Hindi ko magawang lumingon kasi natatakot ako. Paano na lang kung multo pala ang nagsalita.
"Ah..ehh..oo eh..hi.hindi ko pa kasi kabisado ang paaralang ito." Nauutal kong sagot sa nagsalita sa likuran ko.
" Ah ganun ba Sky? " Nagulat ako ng sabihin niya ang aking pangalan. Kilala niya ako at teka! Parang kilala ko na rin kong sino ang lalaking to ha! bakit hindi ko siya nabosesan kanina? Napabuntong hininga na lang ako at dahang dahan akong napalingon at nakita ko siyang nakangiti.
" Ikaw lang pala yan Jake! Anong ginagawa mo dito?" Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik niyang tanong sa akin. Ok din tong lalaking to eh. Ako ang unang nagtanong tapos tatanungin din niya ako.
" Wala, namamasiyal lang ako tapos hindi ko na alam kung paano ako babalik." Sagot ko na lang sa kanya. Kita ko naman sa kanyang mukha na parang hindi siya naniniwala sa aking sinabi pero basta kung ano ang sinagot ko, yun na yun.
" Eh Ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko ulit sa kanya.
" Ah..eh..dito ako napadpad habang tumatakas ako sa mga babae at mga baklang naghahabol sa akin eh" Sagot niya sa akin. Hayst..oo nga pala..habulin pala ang lalaking to.
"Kumain ka na ba?" Tanong niya ulit sa akin.
" Ah eh..Hindi pa eh." Sagot ko sa kanya. Kinuha naman niya ang kanyang bag at naglabas ng isang bagay na nakabalot ng tela. Binuksan niya ito at tumambad sa akin ang isang lunch bag. Binuksan niya ito at tumambad sa akin ang pagkain. Bigla naman akong nagutom ng makita ko ang mga pagkain. Napalunok ako dahil nakaramdam na rin ako ng gutom.
" Halika, kain tayo." Pag-anyaya niya sa akin. Bigla naman akong nahiya sa kanya.
" Huwag ka nang mahiya sa akin Sky." Dagdag pa niya.
Hindi na ako naghatubili pa at pumayag na lang ako. Gutom na rin kasi ako eh. Sabay kaming kumaing dalawa ni Jake. Masarap ang baon niyang pagkain. Hindi ko alam pero parang sinadya na pang dalawang tao ang baon niya eh. Ang dami kasi. Kasya sa aming dalawa.
Habang kumakain kami, hindi nawawala ang kwentuhan. Ang dami kong nalaman sa kanya. Mag-isa lang pala siya ngayon sa kanilang bahay dahil ang mga magulang niya ay nagtatrabaho sa ibang bansa. Tanging ang mga katulong daw lang ang kasama niya. Sinabi pa niyang siya ang nagluto ng baon niya kasi nahihiya daw siyang gisingin ang mga katulong para maghanda.
Nang matapos kaming kumain, sabay kaming naglakad na dalawa ni Jake sa aming building. Magkakahiwalay kasi ang building ng bawat Grade eh. At kaming mga Grade 12 ay nasa huling building sa kaliwa.
"Salamat sa napakasarap na pananghalian jake!" Pasasalamat ko kay Jake. Gumuhit naman ang isang ngiti sa kanyang labi na lalong kinagandang lalaki niya. Ngayon ko lang napansin, talaga pa lang gwapo ang lalaking to. Matangkad at kahit na nakadamit, kitang kita ang ganda ng kanyang katawan.
" Walang anuman..basta ikaw." Ang sagot niya sa akin. Nagulat naman ako sa naging sagot niya. Anong ibig niyang sabihin " Basta para sa akin?"
" Sige, alis na ako, may klase pa kasi ako eh." Pagpapaalam niya sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya bago siya umalis.
Pumasok na rin ako sa aming silid aralan na may ngiti sa aking mga labi. Habang naglalakad ako, hindi ko napansin na may nakaharang na palang tatlong tao sa harapan ko.
" Kaya naman pala ayaw kaming isama kasi may Date." May pagtatampo sa boses ni Anica. Ano naman ang sinasabi ng babaeng to? Date? Kami ni Jake nag Date?
" Ha?.." pagmamang mangan ko sa kanila. Ayaw ko kasing bigyan ng ibang ibig sabihin ang sa amin ni Jake eh kasi lalaki siya at lalaki rin ako.
" Naku Sky! Wag ka nang magkaila pa. kitang kita naming na magkasama kayo ni Jake eh." Sabat naman ni Jelo sa akin.
" Naku kayo ha! kung ano ano ang naiisip niyo. Hindi kami nag date ni Jake. Nagkita lang kami kanina. At tyaka pwede bang mag date ang dalawang lalake?" Sabi ko sa kanila. Para naman silang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ko.
" Pwede naman ha. ang dami nga diyan sa paligid eh. Tapos minsan mas masaya pa silang tignan kaysa sa mga magkarelasyong lalaki at babae eh" Sagot naman ni Rose sa akin.
" Upo na nga tayo!" pag-iiba ko ng usapan. Ewan ko pero parang meron sa aking loob na nasiyahan sa sinabi ni Rose sa akin.
Bumalik na nga kami sa aming upuan at hinintay ang aming guro. Habang naghihintay kami, hindi ko mapigilan ang mag-alala sa aking kuya. Saan kaya sila nagpunta ng mga kasama niya? Ano kaya ginagawa nila? Iang saglit pa ay dumating na an gaming guro.
Natapos an gaming klase sa hapon na walang Axel na pumasok. Sabay sabay kaming apat na naglalakad palabas ng campus ng may tumawag sa aking pangalan.
" Sky!!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Nakita ko naman ang isang lalaking tumatakbo patungo sa kinaroroonan naming. Habang nakatingin ako sa lalaking tumatakbo, may kumakalabit sa aking tagiliran.
" Ano!?" inis kong sambit kong sino man ang kumakalabit sa akin.
" Palapit na ang Prince Charming mo!" Narinig kong boses ni Anica.
" Kaya nga eh! Tumigil nga kayo! Papalapit na ang Prince Charming ko!" sambit ko. Napalaki ako ng aking mga mata ng mapagtanto ko ang aking sinabi!
"Ah..eh.." di ko na nagawang magpaliwanag pa ng magtawanan silang tatlo. Patay ako nito! Ano ba kasi nakain ko at yun ang nasabi ko!.
" Anong nakakatawa?" narinig ko namang sambit ng isang lalaki mula sa aking likod.
"hahaha. Kasi si Sky hjbrhfbugfriubfuhgfue" Hindi na maintindihan ang sasabihin ni Anica ng takpan ni Jelo ang bibig niya.
" Ha?" Halatang nagtataka si Jake sa mga kinikilos namin.
"Ah..eh..wa..wala..uwi na lang tayo.." Sabi ko na lang para mawala na ang pangungusisa niya.
Sabay kaming naglalakad ngayon ni Jake. Nahiwalay na kasi ang tatlo sa amin eh kaya ayan kaming dalawa na naman kaming magkasama. Ewan ko pero nakakaramdam ako ng saya kapag kasama ko siya. Yun bang pakiramdam na parang ligtas ako sa piling niya. Ito na ba ang sinasabi nilang love? Pero hindi dapat eh. Lalaki ako at lalaki siya. Pero kung totoo ang sinabi ni Rose kanina, parang gusto ko rin. Paano kaya ang lalaki sa lalaking relasyon? Totoo kayang magiging masaya ang mga taong nasa ganung relasyon oh baka naman ang mga pumapasok lang sa ganun relasyon eh trip trip lang.
" Sige..uwi ka na ha! Mag-ingat ka." Paalam ni Jake sa akin ng pasakay na siya ng jeep.
" Sige ingat ka din" Sagot ko sa kanya.
nang makapasok ako sa loob ng bahay, dumeretsyo kaagad ako sa kwarto ni kuya. Kinuha ko ang mga gamit ko dun at inilipat sa kabilang kwarto. Kahit na hindi pa tapos maayos ang kwarto ok lang basta hindi na mauulit ang nangyari noong nakaraang gabi.
Nang matapos akong maglipat ng mga gamit ko, nagluto na ako ng hapunan. Dinamihan ko na ang linuto ko para pagdating ni kuya ay may kakainin siya kung gutom siya.
Pagkatapos kong kumain, bumalik na ako sa magiging kwarto ko. Inayos ko lang ng kunti at pagkatapos ay humiga na ako sa kama. Dahil wala namang binigay na assignments ang mga guro namin, ipinikit ko na ang aking mga mata at natulog.
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ng aking cellphone. Kinuha ko ito at pinatay. Tumayo na lang ako sa kama at dumeretsyo sa banyo ng kwarto para maghilamos. Pagkatapos kong maghilamos, bumaba na ako para makapaghanda ng agahan. Binuksan ko ang ref at kumuha ng dalawang itlog at kinuha ang ham. Niluto koi to pagkatapos ay tinignan ko kung may natira pang kanin. Binuksan ko ang kaldero at nakita ko naman na hindi nabawasan ang kanin na tanda nito na hindi kumain si kuya kagabi.
Habang nagluluto ako, narinig kong may hakbang na pababa sa hagdan. Sigurado akong si kuya lang yan. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagluluto ko. Ilang saglit pa, narinig kong bumukas ang ref at agad namang sinara.
"Kuya, malapit na to maluto." Sambit ko sa kanya.
"Sige, malapit na ring bumaba si Axel." Sagot niya. Napalingon naman ako sa taong sumagot sa akin at kitang kita ng dalawa kong mata na ibang tao pala ang kinakausap ko.
" Sino ka?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin. Akala ko kong ano ang gagawin niya, ibababa lang pala niya ang baso sa lababo.
" Ah..ngayon lang kita nakita ditto ha? ay ..ako nga pala si Keith, pinsan ko si Axel." Sagot niya sa akin. Pinsan niya?
" Ah ganun ba? Ako pala si Sky.." di ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Ah oo kilala na kita. Naikwento ka kasi ni Axel sa akin eh" Sabi niya sa akin.
" Sige, dadagdagan ko na lang ang linuto ko para sa atin." Sabi ko na lang sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at nagpasalamat. Ibang iba siya kay Axel. Parang mabait tong si Keith ah.
Umalis na siya dito sa kusina at ako naman ay naglabas ulit ng itlog at ham sa ref at niluto ko ulit. Ilang saglit pa ay bumaba na rin si kuya kasama si Keith.
Umupo silang dalawa sa mesaat nakisabay na rin ako sa kanila sa pagkain ng agahan. Pagkatapos naming kumain, umakyat ako sa kwarto para maghanda para pumasok.
Wala pang isang oras ay nakahanda na ako. Hindi ko na hinintay si kuya kasi may kasama naman siya eh si Keith. Palabas n asana ako ng bahay ng may tumawag sa aking pangalan.
"Sky!!" Pagtawag niya sa akin. Napalingon naman ako kung sino man ang tumawag sa akin. Nakita ko naman si Keith na naglalakad papunta sa aking kinaroroonan.
" Bakit kuya?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin at inayang sabay na kaming pumasok. Nasa college na siya at kumukuha ng business administration.
" Paano si Kuya Axel kuya?" Tanong ko sa kanya ulit.
" Ewan ko dun. Tinatamad yatang pumasok." Sagot niya sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sabay iling ng aking ulo.Wala naman akong magagawa kung away niyang pumasok eh at tyaka kahit na pumasok man siya, hindi naman siya nkakikinig sa mga lessons na tinuturo ng aming mga guro.
Naghiwalay lang kami ni kuya Keith nag-iba siya ng daan. Sumakay na lang din ako ng sasakyan papuntang eskwelahan. Pagkababa ko, saktong nakita ko si Jake na mag-isang naglalakad. Tinawag ko siya at lumingon naman siya sa akin. Parang may nag-iba sa kanya. Ummm..oo ang buhok niya! Siguro pinagupitan niya.
" Bagong gupit ha!" ani ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya.
" Ah eh..wala lang" Natatawa niyang sagot niya sa akin.
" Sabay na tayong pumasok?" Anyaya niya sa akin. Sumang-ayon na lang ako sa kanya kaya heto, sabay na naman kaming dalawa.
Naghiwalay lang kami ng magkaiba ang direksyon kung saan an gaming classroom. Pagpasok ko sa aming silid aralan, nakita ko agad ang tatlo kong kaibigan na nagkwekwentuhan. Lumapit ako sa kanila at nakipagkwentuhan na rin ako. Ilang saglit pa, may kumalabit sa akin. Kita ko naman na lumaki ang mga mata ng mga kanibigan ko kaya napalingon ako.
Kitang kita ko ang nakakatakot na mukha ni Kuya Axel sa akin. Ewan ko kung bakit ganyan ang tingin niya pero parang nakakaramdam ako ng takot.
" Ba..bakit kuya?" Natatakot kong tanong sa kanya.
" Magkita tayo sa likod mamayang break!"
...................................................................