Oriana Fatima’s POV Nagsisiyahan ang mga tauhan ni Damien habang inaayos ang mahabang lamesa sa veranda para sa pag sasalu-salo namin. Naglalatag ng mga malalaking dahon ng saging at handa ng ilagay ang kanin at iba’t ibang ulam na niluto nila. Natutuwa akong panoorin sila kasama si Damien na tumutulong sa paghahanda kahit siya ang boss. Hindi lang siya basta utos nang utos dahil pati siya ay kumikilos at kasama sa katuwaan nila. Pati tuloy ako na nanonood lang ay tuwang-tuwa na rin. Para silang malaking grupo ng magkakaibigan na hindi mapaghiwalay. Ako lang ang babae rito pero ako pa ang nakasandal lang sa pintuan habang pinapanood sila sa trabaho. Hindi matigil ang masayang pagkwekwentuhan nilang lahat at pag-aasaran sa isa’t isa na hindi naman nauuwi sa pikunan. Kupas na pantalong