Episode 25

2939 Words

Oriana Fatima’s POV Naging tahimik ang buong gabi ko kahapon na kinatahimik ng buhay ko. Walang nang gugulo na Damien simula nang makita niya na halikan ko si Tiago. Maigi ang ginawa ko dahil natigil si Damien sa panggugulo sa buhay ko at sana tigilan niya na talaga ako. “Ate, nasa labas si Tiago.” Napatingin ako sa kapatid ko na biglang nagsalita. Noon naman pinapapasok niya agad si Tiago rito sa bahay namin kaya bakit nagsasabi pa siya ngayon sa akin? “Bakit hindi mo papasukin?” walang emosyong sambit ko sa kapatid ko. “Pinapasok mo nga siya kahapon ng hindi nagpapaalam sa akin tapos ngayon magtatanong ka.” Napakamot siya sa ulo niya dahil sa sinabi ko at halatang nahihiya. Ayokong sabihin sa kapatid ko ang nalaman ko. Ayokong masira ang relasyon niya kila Tupe dahil sa problema ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD