Oriana Fatima’s POV “Todo ngiti ang ate ko, hah! Magsasandok na lang ng kanin nakangiti ka pa!” Nawala bigla ang ngiti sa labi ko at inayos ang kanin sa pinggan ko. Tinignan ko siya ng masama. Akala niya yata may nakalimutan ako. Tandang-tanda ko pa rin ang ginawa nila ni Tessa sa akin! “Baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa, Odelia. Kayo ni Tessa. Kinulong n’yo ko sa gym kaya tigilan mo ko bago pa kita makurot—” “Ate, dapat nga magpasalamat ka pa sa amin,” nakangiting sambit niya sa akin. Hindi pa talaga ako pinatapos sa pagsasalita ko. “Kasi kung hindi dahil sa amin baka hindi kayo nagkaayos ni Damien. Baka hindi ka ngumingiti ngayon.” Hindi ko na lang siya sinagot at nagsimula na akong kumain. Siya nga talaga ang dahilan kaya nagkaayos kami ni Damien. Kung hindi sila nagplan