Oriana Fatima’s POV “Sigurado ka na wala ka ng trabaho?” “I’m sure, sweetheart,” he answered. “Sinigurado kong wala akong iniwan para makapamasyal tayo nang maayos sa Siargao. Ayokong may umiistorbong trabaho kapag kasama ka. I am all yours.” Gusto ko lang siguraduhin bago kami sumakay ngayon sa chopper na naghihitay sa rooftop ng building niya. Alas-dos na natapos ang meeting niya dahil mukhang ang dami nilang pinag-usapan. Hindi lang pala isa ang meeting na meron siya dahil tatlo pa kasama ang iba’t ibang tao. Mabuti na lang sumama na ako sa kanya dahil baka wala siyang natapos kahit isang meeting dahil sa pagiging atat niya na sumunod sa amin. Baka hindi pa makapag-concentrate ang lalaking ‘to kakaisip sa amin kaya maigi na rin na sabay na lang kaming pumunta sa Siargao. “Talagan