Nakaalis na ang ninong ni Amaya pero nananatili pa rin siya na nakatulala habang nakatitig sa pintuang nilabasan nito. Hindi pa rin siya makapaniwala sa katatapos lamang na namagitan sa kanila. Parang hindi niya matanggap sa kanyang sarili na nagawa na naman niya ang bagay na iyon at siya pa mismo ang pumigil dito na hindi ito lumabas ng kwarto. Lumalabas na gusto niyang panoorin siya nito. Pero inaamin naman niya na gusto din talaga niyang panoorin ito. Ewan, gulong-gulo na rin siya sa kaniyang sarili. Kung bakit naman kasi nagpadala na naman siya sa init na kanyang nararamdaman. Iyan tuloy nahuli siya ng kanyang ninong at heto bumalik na naman sa dati. Nakagawa na naman sila ng kasalanan. Sabihin man na hindi naman siya nito nahawakan dahil hindi siya pumayag kanina pero gano'n pa rin