Mahigit one week, hahayaan ni Amaya na maging masaya ang kanyang puso sa piling ng kanyang Ninong Amir. Bakit kailangan kasing tikisin pa niya ang kanyang nararamdaman kung maari naman na mag-enjoy silang dalawa sa kasalukuyang sitwasyon nila. Saka na nila isipin ang maging problema pagkatapos ng mahigit isang linggo. Kaya ngayon na sinagot niya ang kanyang Ninong Amir. Titiyakin niyang magiging masaya silang dalawa sa piling na isa't-isa. Susulitin nila ang isang linggo bilang magkasintahan. Ayaw na niyang mag-isip pa ng puro kanegahan, ang gusto niya maging maligaya sa piling ng kanyang Ninong. Sobrang Ligaya niya ng mga sandaling, ramdam na ramdam niya ang kaligayahan ng kaniyang Ninong. Magkahawak kamay pa sila habang nagda-drive ito. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa manibel