REESE POV ANG daming nangyari mula nang bumalik sila sa Pilipinas lalo sa pagtulong kay Noriko at Sacha. Kasalukuyang nasa hospital na naman si Noriko dahil sa tama ng baril na tinamo nito mula sa isang babaeng sniper. "Get me some water..." mahinang utos ni Marshall sa kanya. Pinukol niya nang matalim na tingin ito. Nakahiga ito sa kama niya dahil sugatan ito. Sino bang tanga ang magpapasaksak sa isang babaeng assassin? "Get it! stupid!" iritadong sikmat niya. Nasaksak lang ito pero hindi naman baldado. Umingos siya. Naiiling na walang choice kun'di tumayo si Marshall at lumabas ng silid. Pagkabalik nito may hawak na ito bote ng beer. "Ihahatid natin sa Turkey si Miranda--" bigla sabi ni Marshall. "Alam ko. Ako na bahala." "Panay tawag ni Nanay." "Pagkatapos natin mahatid si Mir