KEIKO POV MUGTO ang mga mata at blanko ang mukha niya habang nakatitig sa malaking salamin. Kasalukuyang inaayusan siya ng mga make up artist at hair stylist dahil iyon ang araw ng kanyang kasal kay Mr. Saber. Si Mr. Amir Saber, 73 years old. Isang mayaman businessman sa Casablanca, Morroco. Isang linggo na ang lumipas matapos siya linlangin ng kanyang Ama. Nalaman niya hindi pala driver ang Ama niya kay Mr. Saber bagkus nagkaroon na naman ng utang ang kanyang Ama at siya ang ginawang pambayad nito kay Mr. Saber. Pagkagising niya hindi na niya muli nakita ang Ama niya. Nawala na naman ito na parang bula. "You are so beautiful, Miss Keiko," wika ng make up artist na babae sa kanya. Hindi siya kumibo. Pagod na siya manlaban. Pagod na siya umiyak at magkaawa kay Mr. Saber. Tinakot pa si