KEIKO
"UUWI NA AKO. Saan pa ba ako pupunta?"
Diretsong sagot niya kay Reese. Umangat naman ang sulok ng labi nito saka matiim siyang tinignan.
"Did you realized that I helped you? I actually paid 100 million pesos to save your precious life."
Napa 'Oh' siya. Ganoon ba? Pero imbes ngumiti, tinaasan niya ito ng kilay at nagpameywang.
"Sinabi ko ba na bayaran mo 'yon? Inaantay mo ba na mag-thank you ako? Okay! Thank you for saving my precious life and thank you sa sèx. Goodbye!" wika niya sabay umismid.
Akma na siyang tatalikod nang pigilan na naman ni Reese ang braso niya. Magsasalita pa sana siya uli ng walang babalang binuhat siya nito. Sinampa siya sa balikat na para bang isang kaban ng bigas siya. Anak ng!
"H-Hoy! Ano--" bulalas niya pero mas kinagulat niya ang pagtampal ni Reese sa puwetan niya. What the?
"Stop! Gutom na ako at alam ko ikaw din at saka kailangan natin mag-usap. So, please..."
Pinaikot niya ang mga mata. Hindi na siya kumibo. Hinayaan na lang niya na buhatin siya nito ng ganoon. Mabuti na lang at walang tao kaya walang nakakita. Nang makasakay na sila sa elevator saka lang siya nito binaba.
Inayos niya agad ang suot niyang dress. Kaloka! Bakit ba kailangan pang paluin ang puwet niya? Nag-init tuloy ang mga pisngi niya.
"A-Ano bang pag-uusapan natin? Kung paano kita mababayaran? Uunahan na kita, wala akong stable job ngayon. Wala akong savings, ni singko duling wala ako. At saka utang 'yon ng Ama ko hindi ko utang 'yon."
Dire-diretsong lintanya niya sa harap ng binata habang nakasandal lang ito sa gilid ng elevator at nakatitig sa kanya.
"Pero kung mapilit ka, sige! uutay-utayin ko ang pagbayad sa'yo. Basta kung ano lang ang kaya kong..."
hindi na niya natuloy ang iba pa niyang sasabihin nang hapitin ni Reese ang beywang niya at siniil siya nang mapusok na halik sa mga labi.
Ilan segundo rin ang halik na iyon pero sapat na 'yon para ma-windang ang utak niya.
"Hindi naman ako naniningil. Bibigyan pa kita ng trabaho kung gusto mo," seryosong bigkas nito habang makalapit pa rin ang mga mukha nila.
Ang mainit nito hininga na tumama sa mukha niya ang nagpapahibang sa kanya.
"A-Anong trabaho?" wala sa sariling tanong niya.
Sakto naman na tumunog na ang elevator. Nasa 20th floor na sila. Hinawakan agad ng binata ang braso niya nang bumukas ang elevator at hinila na siya palabas. Naglakad sila sa hallway hanggang sa huminto sila sa isang unit. Fingerprint scan locked ang ginawa nito at bumukas na ang pinto.
Nang makapasok sila. Napa 'Wow' siya. Ang linis. Puting-puti ang lahat maging ang mga muwebles ang puti.
"Favorite mo white?" bigkas niya habang pinapalibot ang tingin sa kabuuan ng condo nito.
Nagtungo si Reese sa kitchen area. May kinuha ito sa refrigerator. Sumenyas ito sa kanya na lumapit kaya lumapit naman siya.
"Can you cook?"
Tumango siya.
"Can you do the laundry and wash?"
Tumango siya uli. Medyo nagtataka na siya sa tinatakbo ng tanong nito.
"Can you clean the house?"
"Tinatanong mo ba kung kaya ko maging katulong?" nakataas ang kilay na sagot niya.
"Yes. From now on, you'll be my personal assistant."
Bumunghalit siya ng tawa dahil sa sinabi nito. Personal assistant pala tawag ng mga mayayaman sa katulong? Pina-sosyal lang pakinggan.
"Bakit ka tumatawa?"
Umiiling-iling siya.
"Pina-sosyal mo lang, parang katulong pa rin naman 'yon," natatawang sambit niya.
"Sasahuran kita ng 40 thousands a month."
Nanlaki ang mga mata niya. Napalunok siya. 40 thousands a month? Katulong? Personal assistant? Pakiramdam niya kumikislap ang mga mata niya.
"Sus, saan ba nakalagay ang vaccum mo? Ano ba favorite food mo? Madali naman akong kausap kahit brief mo lalabhan ko pa, don't worry."
"I don't wear briefs. Hindi mo naman totally lalabhan ang mga damit ko. Dadalhin mo lang siya sa laundry shop sa gilid ng lobby. Alam na nila gagawin sa mga damit ko. Sa food naman, wala akong favorite lahat okay sa'kin."
Matiim itong nakatingin sa kanya. Napatingin siya sa fish fillet na nilabas nito na nakapatong sa kitchen island.
"Wala kang allergy sa mga seafoods?"
"Wala. Kahit hilaw na tahong pa 'yan. Kakainin ko."
Natigilan siya sa sinabi nito. Bakit parang iba ang pumasok sa utak niya? God!
"Ahhh...O-Okay. Deal. Noted 'yan," naiilang na ngumiti siya. Patay malisya lang.
Tinitigan muna siya ng binata bago ito nagsabi na magluto siya at maliligo raw ito. Tumango lang siya saka huminga nang malalim.
Nang pumasok ito sa isang kuwarto saka lang siya napatalon sa tuwa. Wow! 40 thousands pesos sa isang buwan? Tapos super hot and handsome pa nito? Isang impit na tili ang ginawa niya. Kahit pa may nangyari na sa kanila, hindi pa rin niya maiwasan na mailang siya.
May posibilidad ba na maulit 'yon? Oh my god! Pero bakit ginawa siyang katulong kaysa sa girlfriend? Napabuga siya ng hangin at yumuko sa island counter sabay hawak sa fish fillet.
Baka hindi talaga siya ang tipo nito. Nadala lang ito dahil sa pang-aakit niya. Ngumuso siya. Oo nga naman, bilyonaryo ito. Si Reese Donovan ito, sobrang imposible magkagusto ito sa katulad niyang mahirap. Mga ganitong klaseng lalaki nababagay lang sa mga pang-model na magagandang babae. Habang siya ganda lang talaga ang mayroon siya kahit sa height kinulang siya.
Huminga siya uli nang malalim saka kumilos na para lutuin ang fish fillet. Nagtingin pa siya sa refrigerator ng iba pang maluluto. Patapos na siya magluto at magsaing nang lumabas sa kuwarto ang binata na nakasuot lang ng black boxer shorts at may puting tuwalya sa ulo.
Nasamyo niya agad ang gamit nito sabon. Bakit naglaway bigla ang bagang niya? Pakiwari niya lumuwag ang suot niyang underwear. Napatitig siya sa ma-ala pandesal nito abs. Kung ito na lang kaya ang kainin niya?
"Eyes up, Keiko," nakangising sabi nito.
Umiwas siya kaagad ng tingin. Tumikhim siya bago nagsalita.
"Luto na ang pagkain. Ano oras pala ako uuwi?"
Gusto na rin niya magpalit ng damit. Hiyang-hiya siya dahil ito nakaligo na samantalang siya amoy kubeta pa rin.
"Uuwi? No, you will stay here. Delikado na kung babalik ka pa sa tinutuluyan mo. Stay here. You can use the other room, bukas na lang tayo mamili ng ibang gamit mo."
Blanko lang ang mukha nito at umupo na. Aminado siyang hindi niya inaasahan 'yon ang sasabihin nito. Titira siya rito? Seryoso ba?
"Don't just stand there. Let's eat," yakag nito. Napansin siguro ng binata na nakatayo lang siya kaya hinila nito ang kamay niya saka pinaupo siya sa tabi nito.
Ito na ang kumilos. Ito na ang naghain at naglagay sa plato ng ulam habang siya natutulala at sinusundan ang bawat galaw ng muscles nito sa braso. Napalunok siya. Busog na busog na ang mga mata niya.
Si Reese na mismo ang nagsandok sa kanya. Habang kumakain sila marami itong sinabi sa kanya mga do's and don'ts. Panay tango lang siya. Kagabi lang putak nang putak ang bibig niya, ngayon halos wala siyang masabi sa binata.
Nang matapos kumain at maghugas ng pinagkainan nila. Tinuro nito ang isang bakanteng silid na gagamitin niya. Malinis at malaki ang silid na iyon. Pang-lalaki ang istilo baka may bisita ito na lalaki o baka may kapatid ito na lalaki.
"You can use this room. May spare shorts at tshirt ako, gamitin mo para makaligo ka na rin at makapagpalit. May pupuntahan lang ako saglit," malumanay na wika nito.
Pa-simpleng tumango at ngumiti lang siya.
"S-Salamat, Reese," mahinang bigkas niya. Sa isang gabi lang ang dami na ang nangyari sa kanya mula nang makilala niya ito.
Kumunot ang noo nito saka ngumisi.
"I like how you say my name but I much prefer the baby cakes call sign. Mamaya i-train kita pagbalik ko," nakangising sabi nito at kinindatan lang siya saka iniwanan na siya.
Napatanga naman siya. Call sign? Baby cakes? Anong training naman kaya ang tinutukoy nito? Katulong may training session pa na need? Ay iba!